[[56]] New Enemy

1.1K 33 8
                                    

Ito nga po pala si Anivia.. next chap niyo siya lubusang makikilala!

Ang BTW pasensya na kung ngayon lang nakapag update! Masyadong marami kasi ang ginagawa ko! Kaya sana pagpasensyahan niyo na ako! At sana din na wag kayong mag sawang sumubaybay sa aking storya!

---------------------------------
Renjie & Lucifer

"Bilib din ako sayo Lucifer" bigla namang na pa tingin si Lucifer sa kanya habang nakataas ang kilay "ano naman ang ikinabilib mo sa akin?" Taas kilay na tanong niya napangisi naman si renjie

"Nabilib ako sayo dahil kanina pa tayo naglalakad sa kagubatan na ito.. at isang reklamo ay wala akong narinig.. hinanda ko pa naman ang tenga ko sa sunod sunod na reklamo mo" sagot ni Renjie.. si Lucifer naman ngayon ang ngumisi

"Pasensya na.. nadissapoint ba kita?" Napismid naman si renjie at napangisi naman si lucifer "Ito lang ang masasabi ko sayo Renjie.. hindi lahat ng prinsipeng iniisip niyo ay katulad namin.." napakunot naman yung noo ni Renjie "anong ibig mong sabihin?"

"Hulaan ko.. siguro ang definition nito sa mga prinsipe ay maaarte, arogante, marangya ang buhay, palagi na lang may special treatment, at higit sa lahat.. nakatira sa isang mala paraisong lugar.. tama ba?" panghuhula ni Lucifer "bakit hindi ba?" Kunot noong tanong naman ni renjie..


Napailing naman si Lucifer "tama nga ako" mahinang sabi niya.. parang may halong lungkot ang pagkakasabi nito.. umangat naman ang ulo ni Lucifer at tinignan si renjie


"Totoo.. galing kami sa marangyang buhay.. totoo din na palagi kaming may special treatment na natatanggap galing sa mga tao.. totoo din na nakatira kami sa isang malaparaisong lugar na tinatawag naming isang malaking bilangguan.. oo arogante kami.. pero kaya lang naman kami naging arogante ay dahil lang din sa inyo.. kapag pinakitaan namin kayo ng kabutihan.. aabusuhin niyo ito para lang makakuha ng biyaya galing sa aming ama... oo meron kami laging nakukuhang special treatment.. pero tingin mo ba bukal sa loob nila ang ginagawa nila?.. kapag prinsipe ka.. hindi mo alam kung sino ang kakaibiganin mo dahil lahat ng nasa paligid mo ay mga peke! Mabait sila dahil isa kang prinsipe! Nakakasakal! At nakakasurang makita!" Paliwanag ni lucifer habang nakakuyom ang mga kamao.. si renjie naman ay tahimik lang na nakikinig..

"At ang huli na lagi na lang nangunguna sa depinisyon ng mga katulad mo.. isang maaarteng nilalang ang mga prinsipe.. doon lang kayo nagkakamali, sa mga katulad naming mga prinsipe mayroon kaming tradition.. at ang tradition na iyon ay.. kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo, wala kang karapatang tawagin na isang prinsipe.. noong mga walong taong gulang pa lang ako.. iniwan ako ng ama ko sa isang gubat.. wala man lang akong dala na kahit ano.. pwera sa suot suot kong mga damit" pag tutuloy ni Lucifer.. nabigla naman si renjie

"Iniwan sa gubat? Teka, papaano ka naman nakaligtas doon?" Tanong ni Renjie "kahit ako hindi makapaniwala eh.. nasa gubat ako ng isang linggo.. at ginawa ko lahat para lang mabuhay.. pumatay ako ng isang usa.. sa una naaawa ako dahil takot akong pumatay.. pero naisip ko sa panahong iyon na kung hindi ako papatay.. ako naman ang mamamatay at kakainin ng mga mababangis na hayop" sagot ni Lucifer na tumingin ulit kay Renjie


"Kaya siguro hindi ako nagrereklamo ay dahil nasanay na ako simula nung bata pa ako..." dagdag niya, napangisi naman si Renjie na ikinataas ng kilay ni lucifer

"Nginingisi ngisi mo dian?" Taas kilay na tanong niya "wala naman.. hindi ko lang talaga akalain na ganun ang naging childhood mo.."

"Eh ikaw ba? Alam mo nagtataka lang ako.. papaanong ang isang katulad mo ay naisipang mag aral sa soul academy?" Tanong ni lucifer sa kanya.. na pa hawak naman si renjie sa baba (chin) niya

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon