[[45]] Mission II

1.8K 64 2
                                    

hi sayo ^-^ dedicated ang chap na ito para sayo dahil sa pag vovote mo sa story ko hehe yun lang enjoy reading...



Aira's POV

Andito pa din kami sa loob ng sasakyan sabi ni Rin halos kalahating araw daw bago kami makarating dun tinignan ko si Annie, siya kasi yung unang inayusan at mukhang hindi siya komportable sa suot niya. Alam niyo ba kung ano ang mga susuotin namin? mga pang sexy!! grabe never pa akong nag suot ng mga ganito at talagang hindi ako komportable, kung bakit naman kasi pinasuot sa amin ito agad eh sabi ko kasi kanina na mamaya na namin ito susuotin pero sabi ni Rin na suotin na daw namin para mabilis daw yung pag aayos 

"Bakit ito yung pinasuot mo sa akin!?" inis na tanong ni Stephanie, kanina pa siya nag rereklamo dun sa suot niya kung ipagkukumpara kasi yung suot niya sa amin mas daring talaga yung kanya at kung irerate ko yung mga suot namin, si Stephanie yung mas sexy, bagay naman sa kanya yun eh sumunod naman is si Patricia ang sexy din nung kanya yung sa amin ni Annie masasabi kong okey lang yung amin si Annie naka short siya at yung sa akin naman is nakapalda.

"What is the problem ba? it looks good on you naman eh.. ano gusto mo mag hubad? pili ka?" mataray na tanong ni Rin "Aba't!" papatulan na sana ni Stephanie si Rin ng inawat namin siya ni Patricia. Si Annie naman parang gustong tumayo sa kinauupuan niya eh ang kaso hindi siya pinayagan ni Rin kasi nga inaayusan pa siya "Stephanie tama na yan" pang aawat ni Patricia habang nakahawak sa kanang braso niya, ako naman sa kaliwa "oo nga Stephanie relax ka lang" pagpapahinahon namin sa kanya medyo kumalma naman siya ng kaunti at naupo siya sa sofa habang hawak hawak ang sintido niya "I swear I'm gonna kill that old bastard!!" nang gigil na sabi ni Stephanie, ang tinutukoy niya ay si Mr. Alfonso, napailing na lang ako sa sinabi niya...

"Oh done ka na!" natutuwang anunsyo ni Rin, tumayo naman si Annie at humarap sa amin at hindi namin maiwasang hindi mapanganga "A-ah a-ayos lang ba?" tanong ni Annie habang nahihiyang nakatingin sa amin, hindi agad kami nakasagot sa tanong niya. Mas lalong lumitaw yung kagandahan ni Annie sa ginawang pagaayos ni Rin sa kaniya, ang galing naman ni Rin mag ayos! "Next, ikaw naman hija na nakabusangot ang mukha" pagtatawag ni Rin kay Stephanie siya lang kasi yung nakasimangot sa amin. "Tsk" pagtataray na sagot ni Stephanie sabay tayo at lumapit kay Rin at yun na nga sinimulan na siyang ayusan kahit na walang make up si Stephanie maganda pa rin siya tapos yung suot niya, kitang kita talaga ang curve ng katawan niya. Ang sexy pala talaga niya "Aira yung laway mo" tawag sa akin ni Patricia sabay siko, nagulat naman ako sabay pahid sa bibig ko pero naloko pala ako at ayun nagtawanan sila Annie at Patricia ako naman napanguso na lang sa tabi.



"Ang sama niyo naman sa akin hmp!"  natawa naman sila sa akin "Ikaw naman kasi Aira, kung makatingin ka kay Stephanie wagas!" natatawang sabi ni Patricia "Ano namang masama doon? namamangha lang kasi ako, ang ganda niya tsaka ang sexy pa!" puri ko sabay tingin ulit kay Stephanie "Oo tama ka maganda nga siya... " pagsasangayon ni Annie "Alam mo Annie maganda ka din naman eh!" baling ko kay Annie ngumiti nman siya "hehe salamat.. pero" sabay yuko niya kumunot naman yung noo ko "pero ano?" tanong ko "pero hindi man lang siya mapansin pansin ng kras niya!!" singit ni Patricia "ahh!! si Brandon?" tanong ko nagulat naman si Annie "pa-paano mo nalaman?" gulat na tanong niya "pano ko nalaman? actually madali lang naman malaman eh.. sa pagtingin mo pa lang sa kanya mahahalata mo ng may gusto ka sa kanya" sagot ko "ga-ganun na ba kahalata?" namumulang tanong niya halatang nahihiya siya napatawa naman ako ng mahina



"oo halata.. pero dont worry mukha namang hindi pansin ni Brandon manhid ata yun eh!" sabi ni Patricia sumang ayon naman ako "nako sis mahirap yan! sa mga katulad ni Brandon ? baka tumanda ka niyan ng dalaga dahil sa kanya!" dagdag ni Patricia "tsk! mukha kasing pagkain ang lalaking yun eh nakakainis!!" naiinis na sabi ni Annie bigla naman akong may naisip na ideya "may naisip akong ideya" sabi ko sa kanila tinignan naman nila ako "ano yun Aira?" sabay na tanong nila "hmm.. eh kung ipagbake mo din si Brandon ng pagkain?" suhestyon ko bigla namang nag isip si Annie "mukhang tama ka Aira pero, paano? eh hindi naman ako marunong mag bake" malungkot na sabi niya "ano ka ba Annie !.. tingin mo kay Aira hindi marunong?" sabi ni Patricia sa kanya "ah.. oo nga noh? ah Aira pwede bang paturo ako?" tanong niya sa akin ngumiti naman ako "oo naman!!" masayang sagot ko natuwa naman siya 

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon