[[40]] Choose Wisely

1.9K 68 1
                                    

--kinabukasan

Maagang pumasok si lucifer.. pagkarating niya nakita niya ang mga kaklase kasama na dito si renjie.. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya lumapit siya dito na tahimik na nakaupo

Lucifer's Pov

"ikaw.. Wag ka ng lumapit pa kay aira!" Seryosong sabi ko at tinignan ko siya ng matalim napaangat naman yung ulo niya at tumingin sa akin at biglang napangise "bakit ko naman gagawin yun? Bakit?.. Natatakot kaba na baka tuluyan kong makuha si aira?.. Tsk! Wag kang mag alala hindi ko na gagawin yun" sagot niya "papaano ko naman malalaman na nagsasabi ka ng totoo?" Inis na tanong ko

Bigla siyang tumayo at deretsong tumingin sa akin "dahil hindi ko magagawa yun sa taong gusto ko" deretsahang sagot niya lahat kami ay nabigla sa sinagot niya hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin "a-ano ulit? Ano yung sinabi mo?" Tanong ko baka kasi nagkamali lang ako ng rinig "ang sabi ko gusto ko si aira.. At poprotektahan ko siya hanggat kaya ko" panguulit niya

"Lagot na" rinig kong bulong ni akali kay brandon napakuyom ang kamao ko ng mariin dahil sa sinabi ni renjie "tsk.. Trabaho ko yun.. Kaya hindi ko na siya kailangan protektahan pa at isa pa paanong nagkagusto ka kay aira?" inis na tanong ko "wala ka nang pakialam kung papaano ko nagustuhan si aira... at isa pa Sa akin pa nga lang ay hindi kana manalonalo.. Baka nga mas lalo pang mapahamak si aira kapag ikaw ang kasama dahil alam nilang mahina ka!" Inis ding sagot niya sa akin

"a-ano? Ma-mahina? Tsamba lang ang pagkapanalo mo.. Kaya wag kang mag mayabang?" Inis ko ding sagot "tsk.. Baka nga tsamba lang" nakangising sabi niya biglang pumagitna si akali sa amin "ahh pwede bang wag na kayong mag away pwede naman na kayong dalawa ang pumrotekta kay aira eh" sabi ni akali "dapat isa lang!!" Sabay na sagot naming dalawa matalim ang tingin naming dalawa hanggang sa..

"Good morning sa inyo!!" Sabay kaming napatingin ni renjie sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si aira "hmm? Bakit ang tahimik niyo ata ngayon? Bago ito ah" puna ni aira sabay tingin sa aming lahat "a-ah kasi aira.." Sabi ni akali sabay yuko habang kumakamot sa batok niya pero sabay namin siyang tinignan ng masama ni renjie para hindi niya matuloy ng sasabihin niya

Kumunot naman noo ni aira "ano yun akali?" Tanong ni aira "wala yun.." Masungit na sagot ko tska umupo sa single sofa umupo na din si renjie "ahh akali... Brandon! Ito nga pala yung cookies!!" Nakangiting sabi niya sabay bigay nung cookies nagunahan naman yung dalawa tsk. Mga patay gutom talaga sila kahit kailan..

"Ah aira.." Tawag ni renjie napatingin naman kaming lahat sa kanya "ano yun.. Renjie?" Tanong ni aira "mamaya kasi gusto ko sanang bumili ng mga gamit ko.. Magpapasama sana ako sayo kung okey lang" parang nahihiyang tanong ni renjie.. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito!! Tsk.. "Si--" hindi natuloy ni aira yung sasabihin niya nang Tumayo ako at medyo hinila ko papalapit si aira sa akin

"Pasensya na mr renjie.. Dahil hindi makakasama si aira sayo dahil may lakad din kami mamaya" sabi ko sa kanya habang matalim na nakatingin sa kanya tumayo din siya at hinawakan ang kabilang braso ni aira at hinila papalapit sa kanya "hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang sumagot.. At isa pa ako ang unang nag aya sa kanya" sagot niya habang matalim na nakatingin din sa akin hinila ko ulit papalapit sa akin si aira "bat di nalang natin siya tanungin kung knino siya sasama?" Nakangising tanong ko

Ngumisi din siya at hinila papalapit sa kanya si aira "sige ba..." Sagot din niya at sabay kaming tumingin kay aira na parang hindi alam kung ano ang sasabihin "knino gusto mong sumama aira?" Sabay naming tanong ni renjie 

"A-ahmm.." Halos hindi makasagot si aira nang biglang sumingit si alexus -_- "woah guys easy!.. Haha bat di nalang natin daanin sa--" hindi natuloy ni alexus ang sasabihin ng batuhin siya ni stephanie ng libro "tumigil ka hindi ka nakakatulong" sabi niya napatingin namn sa amin si alexus at mukhang napansin niya na masama pareho ang tingin namin sa kanya..

Nabigla kmi ng biglang pumalakpak si aira ng isang beses kaya naman agad kaming tumingin sa kanya "alam ko na!! Bat di nalang kaya tayo pumunta ng sabay sa mall.. Dun din naman yung punta niyo hindi ba?" Nakamgiting tanong niya sa amin nagkatinginan naman kami ni renjie at agad din kming napaiwas umupo na ako at ganun din siya "sige.. Walang problema sa akin" masungit na sagot ni renjie napatingin naman sa akin si aira tsk.. Kinuha niya lines ko..

Tumango nalang ako bilang sagot bwisit.. Masosolo ko na sana si aira.. Sadyang epal lang talaga si renjie!!

--afterclass

"Hali kayo!!... Bat ang bagal niyo naman atang maglakad na dalawa?" Tang tanong ni aira tsk.. Kung itong lalaking ba naman na ito ang kasama ko sa paglalakad? Sarap lang manakit ng tao nandito na kami sa loob ng mall at sinasabi ko sa inyo parang may madilim na aura ang lumalabas sa amin ni renjie yung mga taong dinadaanan namin ay lumalayo at yung iba naman ay natatakot na lapitan kmi...

Renjie's POV

Sigurado akong may sinasabing masama tong gunggong na lalaking ito sa akin!.. Napaka epal niya!! Masosolo ko na sana si aira kung hindi siya sumali sa usapan namin alam kong papayag yun.. Pero dahil nga umepal si lucifer.. Hindi na natuloy ang mga sanang balak ko hindi na tuloy kami makakapag usap ng maayos balak ko kasi sana na mag pasalamat at mag sorry sa kanya sa mga nagawa ko pero dahil andito si lucifer hindi na iyon matutuloy... Panira talaga!!

"Bat kasi sumama sama ka pa eh!!" Inis na bulong ko baka kasi marinig ako ni aira eh inis naman siyang lumingon sa aki  "ako pa talaga ah?! Ikaw nga tong dapat na hindi sumama kay aira!! Dahil dun sa mga ginawa mo sa kanya! Ang kapal naman ng mukha mong kausapin siya na parang walang nangyari" inis na sabi niya sa akin..

Aminado naman ako na mali ako pero wala siya sa posisyon para sabihin sa akin lahat ng yan!! Hindi ko naman gagawin ang lahat ng yan kung walang dahilan..

Sumeryoso ang mukha ko "wala ka sa posisyon para sabihin sa akin yan.. Dahil wala kang alam" seryong sabi ko bigla namang nagseryoso din yung mukha niya at pareho kaming natahimik...

Nang biglang..

"AIRA!!" napatingin kami ng sabay ni lucifer sa pinanggalingan nung boses at pakiramdam ko mas lalong dumilim ang aura naming dalawa...

Makakapatay ata ako ng wala sa oras...

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon