18

4K 132 5
                                    

"Brandon! wala ka ba talagang balak na mamigay? wag mo namang solohin lahat ng pagkaing dinala ni Aira"

Nasa loob na kami ng Class S building, dinala ko yung niluto kong pagkaing kinain namin kanina nila Lucian. ( note: btw guys wala na si Wilfred dito dahil hindi naman siya part ng Class S at hindi din pinapayagan ang mga students na pumunta na lang bigla sa Class S building maliban na lang kung may announcement o may importanteng gagawin na kailangan ang presensya ng isang Class S students) Kanina pa nag aaway ang dalawa sa pagkain, ayaw kasing bigyan ni Brandon si Annie. Ang rason niya?

"Diba diet ka? baka sisihin mo ako kapag tumaba ka" sinamaan naman siya ng tingin ni Annie

"Kapag ba diet hindi na pwedeng kumain?"

"Kadalasan kapag nag da-diet puro mga halaman ang kinakain, sakto Annie puro halaman ang paligid natin! mag tabas ka na lang diyan ng kung ano wag mo ng pagdiskitahan to"

Natawa ako sa pag sabi ni Brandon ng halaman imbis na gulay, kitang kita naman ang pamumula sa mukha ni Annie na ani mo'y sasabog na sa sobrang inis.

Balak ko sanang awatin sila ng biglang pumagitna si Akali, buong akala ko ay aawatin niya ang dalawa pero nabigla ako ng iba yung sinabi niya.

"Maari din ba akong makahingi ng pagkain? Don't worry hindi ako nag da-diet" napatingin ang dalawa sa kaniya, si Annie hindi ko maintindihan kung anong klaseng ekspresyon niya samantalang si Brandon naman ay ngumiti ng pagkalawak lawak sabay sabing "Sure no problem" pagkatapos humila pa siya ng upuan upang itabi sa kaniya para makaupo si Akali.

Nang magsimula na silang kumain, parang biglang naging invincible si Annie sa paningin ng dalawang lalaki. Nag usap usap sila na akala mo ay matagal ng magkakilala at bigla ata silang naging close? Is it because of the food?

"Guys, may ibabalita ako sa inyo!" naagaw ang atensyon namin ng makita namin si Patricia na patakbong lumapit sa direksyon namin.

"Patricia masyado bang importante 'yang balita mo at kailangan mo pa talagang tumakbo papunta dito?" tanong ni Alexus na kasalukuyang ginugulo si Stephanie sa pagbabasa niya.

"May bago tayong kaklase!"

Halos lahat sila ay napakunot ang noo maliban sa aming dalawa ni Lucian, pag kasabi niya pa lang ni Patricia bigla agad may nag flash sa utak ko at walang iba kundi si Lynx.

"Talaga? sino?" this time si Brandon naman yung nagtanong.

Handa na sanankg sagutin ni Patricia ng biglang may biglang magsalita

"Excuse me, sino sa inyo si Aira Monique Dela Cruz?"

Napatingin kaming lahat sa taong nagsalita "Who are you?" agad na tanong ni Lucian.

"Before I answer your question, answer mine first"

"You dare to talk back to me like that? are you aware who I am?"

"I don't care who you are, I am here because of Aira not you"

"Be careful on your words if you still cherish your life" kitang kita ko ang mga talim na tingin niya kay Renjie, kaya bago pa sila tuluyang mag kagulo, sumingit na agad ako sa usapan nila.

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon