[[59]]

805 21 5
                                    


hi readers gusto ko lang sanang sabihin na papalitan ko po yung name ni Lucifer , magiging Lucian na po siya kasi originally yun naman talaga yung name niya :D ayern lang kung may reklamo kayo sa pagpalit ko sa pangalan niya , feel free to message me :) Enjoy reading everyone :D

3rd Person's POV

nung hinila na ni aira si Leo ay agad naman silang sinundan nung dalawa, "san naman kaya nila balak na pumunta?" tanong ni Lucian

"aba malay ko , ako ba sila?" pilosopong sagot ni renjie , binatukan naman siya ni Lucian kaya naman agad na nainis si renjie "bat mo ako binatukan?" inirapan lang siya ni Lucian bago sumagot "nagtatanong kasi ako ng maayos ! tapos sasagutin mo ako ng ganyan?"

"tsk , napaka bobo naman kasi ng tanong mo, kaya hindi ko mapigilang sagutin ka ng ganun" dahilan ni renjie "so sinasabi mong bobo ako ganun?" Napataas ang kilay ni Lucianhabang nakatingin Kay Renjie na ikinangisi niya "ikaw ang nagsabi niyan hindi ako"

"abat.." aambanagan na sana ni Lucianng suntok si Renjie nang bigla itong nasalita

"hindi ko na makita sila aira" biglang napatigil si Lucianat nagpalinga linga sa paligid "f*ck nasan sila?" nagpapanic na tanong ni Lucian"tsk isa nanamang napaka bobong Tanong" bigla namang sinamaan ni Lucianng tingin si Rennie samantalang nagkibit balikat na lang si Renjie , pinagpatuloy nilang dalawa ang paghahanap Kay aira pati na dun sa kasama niyang lalaki , pero Hindi pa din nila ito mahanap .

"saang lupalop naman sila nagpunta?" halos mabaliw na si Luciankakaisip kung saan nagpunta si aira pati na din yung kasama niya na lalaki , gulong gulo na nga ang buhok ni Luciankakasabunot nito , habang si renjie naman ay halos maubos ang kuko kakangatngat (mannerism nilang dalawa kapag hindi sila mapakali)

"grabe si ate aira! Napapansin ko puro pogi ang mga kasama niya! Kakainggit huhuhu" napatingin ang dalawang binata sa tatlong dalagang nagkukwentuhan "oo nga bhe eh! Iba kasi ang beauty ni ate aira! Talbog tayong lahat!" pagsasangayon ng isa

Nagulat ang tatlong dalaga ng biglang humarang sa daanan nila sila Lucianat Renjie "nasan si aira?" biglang tanong ni Lucian, bigla naman siyang binatukan ni renjie "aray! Bat mo ako binatukan!?"

"wag mo kasi silang takutin!" suway ni Renjie, napataas naman ng kilay si Lucian"pinagsasabi mo? Mukha ba akong nananakot?" inirapan lang siya ni Renjie at tumingin sa tatlong dalaga

"kumusta kayo, pasensya na kayo pero narinig kasi namin ang inyong paguusap patungkol kay aira" nakangiting paninimula ni Renjie, hindi naman nakapagsalita ang tatlong dalaga, speechless kumbaga, kausapin ka ba naman ng dalawa na ubod ng gwapo hindi ka ba ma si-speechless niyan? "gusto lang naming itanong kung saan niyo huling nakita si aira kasama yung lalaki?" magalang na tanong ni renjie, si Luciannaman ay inip na inip na dahil gusto na niyang makita si aira



'Napakatagal naman nitong lalaking ito?! Bat ba kasi hindi na lang ako ang pinakausap sa tatlong yan edi sana nakuha na agad ang sagot na kailangan namin! Tsk! Nasan na ba kasi si aira? At bakit ba siya palaging sumasama kung kani kanino? Hindi ba niya alam na hindi dapat siya nakikipagusap o sumasama sa mga hindi niya kakilala? Oo alam kong palakaibigan siya pero kahit na! At aware ako na malakas siya at kaya niyang protektahan ang sarili niya, okey lang sana kung babae yung mga nilalapitan at kinakusap niya pero lalaki yun! hindi dapat siya sumama sa mga lalaki! Pwera lang sa mga kakilala niya syempre, hindi naman ako takot na baka kung anong gawin nila kay aira dahil baka hindi pa nila nasisimulan yung balak nila eh baka nag hihingalo na sila, ang kinakatakot ko lang is baka magkagusto yung lalaki sa kanya! Yun ang pinakatatakutan ko lalo na kapag gwapo! Hirap na hirap na nga akong ihandle si renjie may dadagdag pa? Pano kapag yung kasama ni aira is yung tipo niyang lalaki? Oo inaamin ko na maganda pumorma yung lalaking yun kesa sa akin at mukhang ang cool niya pa at may ipagmamalaki ang mukha niya, pero di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya tsk! Pero pano kung magkagusto si aira sa kanya? Ano yun? Magiging sila? Pagkatapos iiwanan niya na kami at sasama dun sa lalaking yun? Tsk! Hindi ko hahayaang mangyari yun!' nagulat na lang si Lucianng biglang may nagclap sa harap ng mukha niya kaya bigla siyang nabalik sa realidad at tumingin kay renjie , masyadong marami ang tumatakbo sa isip niya kaya naman hindi niya napansin na tapos ng makipagusap si Renjie dun sa mga babae "hoy saang lupalop nag punta yang utak mo? Lutang kananaman? Tsk hali ka na , alam ko na kung saan sila" sabi ni renjie at nauna ng maglakad sumunod na lang si Lucianng walang reklamo, wala siyang mood na makipagtalo dahil sa pagaalala kay aira

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon