[[61]] Meet the King

769 17 1
                                    


"Andito na ba ang lahat?" Tanong ni Grey habang inililibot ang paningin, napataas naman ang kamay ni Brandon 

"Sir wala pa po si Akali pati  na din ang ibang mga prinsipe." Ngumiti naman si Grey bago sumagot 

"Don't worry about them, nauna na silang umalis kaya wag kayo mag alala." Huminto saglit si Grey bago ito mag salita "Kung wala ng naiwan maaari na tayong umalis." 

Binuksan ni Grey ang pinto at pinapasok ang mga istudyante, naunang pumasok si Brandon dahil na-excite ito bigla ng makita ang kanilang sasakyan na halata mong mamahalin. Tila  nang ningning ang mga mata nito ng makita ang mini refrigerator na nasa loob, dali dali siyang umpo sa tabi nito at walang ano-ano'y binuksan ito at tumambad ang madaming pagkain sa loob, kung titignan mo ang labas ng mini ref maiisip mo na kukunti lang ang mailalagay dito, pero kapag binuksan mo ito ay sobrang lawak ng nasa loob nito at madaming mga pagkain ang pag pipilian.

"Wow! Gusto ko din ng  ganitong ref!" lumapit naman sa kaniya si Annie at siniko, "Yung ref ba ang gusto mo o yung laman? pwede ba Brandon mag tino ka kahit ilang araw lang." Napapairap na sabi ni Annie

Napanguso naman si Brandon sa narinig niya "Matino naman ako ah?" Hindi na siya pinansin pa ni Annie kaya natahimik na lang din si Brandon habang pasimpleng kumukuha ng pagkain sa loob.

Bago makapasok sa loob si Aira ay tinawag na siya ni Grey "Aira, maaari ko bang mahiram ang susi ng kwarto mo? mukha kasing may naiwan akong folder doon, hindi ko ata nakuha lahat ng folder nung pumunta ako non." Nagpa tango tango naman si Aira "Sige po walang problema, kunin niyo na lang po sa lobby." Tumango naman si Grey at nagpaalam na sa kanila.

Nakahinga ng maluwag si Grey ng makita ang papaalis na sasakyan nila Aira, umalis na din si Grey papunta sa Girl's Dormitory at nakangiting binabati ang mga istudyanteng nadaanan nito. Nang makarating na siya sa tapat ng room ni Aira, hindi agad siya pumasok sa loob bagkus ay tumayo lang siya sa tapat ng pinto ng ilang minuto, hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba. Napailing na lamang si Grey at hindi na ito pinag tuunan pa ng pansin, huminga siya ng malalim bago buksan ang pinto at agad niyang nakita ang folder na nakapatong lamang sa lamesa. 

Nag lakad papalapit si Grey papunta sa lamesa 

"Grey"

agad na napatigil si Grey 

Alfonso's POV

nang makita kong umalis na yung sasakyan nila , nakahinga ako ng maluwag , mabuti na lang at binigay niya sa akin yung susi. Pumunta na ako sa girls dormitory , nakangiti ako habang binabati ko ang bawat istudyanteng nakakasalubong ko .

nang makarating na ako sa dorm ni Aira , agad kong hinanap si Irelia , nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko na agad ang boses niya "Grey" tumingin ako sa paligid ko at hinanap siya "Irelia ? nasan ka ?" hinanap ko siya pero hindi ko siya makita "Grey , protektahan mo si Aira" napatigil ako sa sinabi niya , bigla naman siyang nag appear sa harap ko "I-Irelia" yan lang ang tanging nasabi ko , nakita ko yung ekspresyon ng mukha niya , halo halong mga emosyon ang makikita mo , lungkot , takot at pangangamba "Grey , ipangako mong poprotektahan mo si Aira ipangako mo , pakiusap" nabalik ako sa katinuan ko nung nagsalita siya "protektahan ? bakit ? may mangyayari bang hindi maganda kay Aira ?" hindi siya sumagot , nakita kong napaluha siya "pakiusap protektahan mo siya , si Drakath .. Malapit na siyang mabuhay muli" napalaki ang mga mata ko "si-si Drakath ?! Pero papaano ?" hindi makapaniwalang tanong ko "dahil kay Nasus , sa oras na malaman ni Nasus na si Aira ang susi para mabuhay muli si Drakath , manganganib ang buhay ni Aira at ninyong lahat"

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon