[[27]] Renjie

2.6K 76 3
                                    

Aira's POV


pinauna ko muna si lucifer dahil pupunta pa ako sa dorm ko para gumawa ng mga cookies.. gumawa ako ng marami dahil bibigyan ko pa si renjie at dahil na rin sa matakaw sila prince akali at brandon...



medyo natagalan pa ako bago matapos dahil inantay kong mabake yung mga cookies nang matapos ako ay nilagay ko na ito sa lalagyan syempre nakahiwalay na din dun yung kay renjie inayos ko na yung mga lalagyan at nilagay sa isang paper bag tsaka umalis na ako ng dorm..



naglakad ako papunta sa soul jail para puntahan si renjie nang makarating ako dun ay nagpasama ako dun sa isang soul police para syempre buksan yung kulungan ni renjie habang papunta kami dun ay nagtanong sa akin ang kasama ko na isang soul police "amm miss aira nagtataka lang po ako... bakit niyo pa po pinapatuloy ang pagdalaw dun sa lalaking nagpasok sayo dito?" tanong nito ngumiti naman ako "dahil.. alam kong mabait siya" sagot ko pagkatapos ay nakarating na kami sa harap ng kulungan kung saan nakakulong si renjie


"hndi ko alam na ganoon ka pala kabait miss aira" sabi ng soul police at ngumiti sa akin at sabay bukas ng pintuan "sige po salamat po" pasasalamat ko ngumiti lang ito tsaka umalis pumasok ako sa loob at nakita ko si renjie na nakahiga nakapikit ang mga mata habang nakapatong yung braso niya sa may noo niya 

3rd person's pov

"anong kailangan mo nanaman?" tanong niya pero nanatiling nakapikit parin ito bigla namang nagulat si aira "woah! pano mo nalamang ako ito? ang galing mo naman!!" natutuwang sabi ni aira napa 'tch' naman si renjie at tsaka nagsalita ulit "ikaw lang naman ang nagiisang bumibisita sa akin dito eh" masungit na sagot nito napapout naman si aira "itigil mo nga yan... nga pala ano bang kailangan mo?" inis na tanong ni renjie napangiti naman ng malawak si aira at nilabas ang baunan na nag lalaman ng mga binake niyang cookies 



"ito oh! cookies" nakangiting sabi ni aira napadilat naman si renjie at napatingin sa kanya pagkatapos ay pumikit ulit ito "kahit bigyan mo ako niyan hindi ko pa din yan kakainin tingnan mo andian pa yung binigay mo sa akin kahapon" sabi ni renjie sabay turo ng baunan na nasa sahig "bakit hndi mo kinain?" malungkot na tanong ni aira "malay mo naman na may lason yan.. tsaka isa pa malay mo na may galit ka pala sa akin at pakitang tao lang pala yang pinapakita mo sa akin" sagot nito napaseryoso naman si aira "hndi totoo yan... hndi ako nagpapakitang tao sayo... at isa pa oo may galit ako sayo nung una pero hndi ako yung klase ng tao na mahilig mag tanim ng galit sa kalooban.." sagot ni aira napaupo naman si renjie sabay tingin sa kanya si aira naman lumapit dun sa may baunan at tsaka binuksan ito at inamoy kumunot naman yung noo ni renjie "anong ginagawa mo?" tanong ni renjie "inaamoy ko kung pwede pa bang kainin sayang naman ito eh" sabi ni aira "tch.. wag mong sabihing kakainin mo yan? baka sumakit payang tiyan mo ako pa sisihin" sabi ni renjie ngumiti naman si aira "gusto ko rin naman na mapatunayan sayo na walang lason itong mga cookies na ito para naman kahit papaano hndi ka na gaanong masungit sa akin hehee" sagot ni aira tsaka kumuha ng isa tsaka tinikman ito tinignan lang siya ni renjie "hmm.. okey pa naman pala siya.. teka try ko pa baka yung iba sira na" sabi ni aira at kumuha pa ng isa... "saglit baka meron pang hndi makain dito" sabi ulit ni aira at sumubo ng sumubo ng cookies hanggang sa lima nalang ang natira susubo na sana ulit si aira ng pigilan siya ni renjie "balak mo bang tikman yan lahat?" tanong niya napatigil naman si aira sa paggsubo at dahan dahan niyang binaba yung  hawak niyang isang cookie


ngumiti naman siya na parang nahihiya "hehe pa-pasensya na hndi ko namalayan na malapit na palang maubos  muntik ng hindi kita matirhan wag kang magalala may bago naman akong gawa eh.. ito oh!" sabay pakita ni aira ng baunan "wala akong balak na kainin yan" pasupladong tanggi niya lumungkot naman ulit yung mukha ni aira "ayaw mo pa din..? sige patutunayan ko na wala itong lason" sabi ni aira sabay bukas nung baunan pero pinigilan siya ni renjie "kahit ubusin mo yan katitikim hndi ko pa din yan kakainin at isa pa aalis na din ako dito bukas" sabi ni renjie na ikinatingin ni aira sa kanya napakunot naman yung noo ni aira "huh? aalis? bakit tatakas kaba dito? naku wag mong gagawin yun baka mahuli kapa at isa pa baka mas lalong bibigat ang kaso mo sa kanila" paalala ni aira "anong pinagsasabi mong tatakas?.. ililipat lang nila ako sa central jail" sagot ni renjie "ce-central jail?" tanong ni aira wala kasi siyang ideya kung ano yun napabuntong hininga naman si renjie

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon