[[35]] Her Plan

1.9K 71 3
                                    


hi sayo!! thank you sa pagbabasa sa story ko kaya idededicate ko sayo ang chapter na ito bilang thank you ^-^


Flora's POV

nandito ako sa loob ng kwarto namin ni renjie at nanatili lang akong nakaupo habang nag iisip ng paraan kung pano ko sasabihin sa kanya? nagulat ako ng biglang nagbukas ang pintuan nakita ko si renjie na nakangiti sa akin "oh musta ang klase?" tanong ko sa kanya.. ang totoo ay ayaw kong papasukin siya sa klase dahil puro masasama ang itinuturo sa kanila tulad ng kung paano mapapatay ang isang tao ng walang makakaalam...


alam ko namang mabait na bata si renjie at napipilitan lang siyang gawin ang mga pinag uutos ng head master "ayun ayos lang naman parating nangunguna" nakangiting sagot niya napayuko naman ako "renjie may gusto sana akong itanong sayo" paninimula ko napatingin naman siya sa akin "ayan ka nanaman ate eh... ano ba yung gustong itanong sa akin?" tanong niya "tatanungin ko lang sana kung masaya ka ba na nandito ka" tanong ko habang nakayuko lumapit naman sa akin si renjie at umupo sa tabi ko "ate masaya ako basta andian ka.. basta hindi mo ako iiwan" sagot sa akin ni renjie napakuyom naman ako ng kamao sa sagot niya 'renjie pasensya kana.. hindi ko maipapangako sayo yan' sabi ko sa isip ko


"eh ikaw ate? masaya kaba?" balik na tanong sa akin ni renjie "oo naman basta ligtas ka ay masaya na ako" nakangiting sagot ko sa kanya "oh yun naman pala eh.. edi pareho tayong masaya!!" nakangiting sabi niya tsaka niyakap ako.. 



"ate tara punta muna tayo sa cafeteria nagugutom kasi ako eh.." sabi niya sabay himas sa tiyan niya napakunot nman ang noo ko"bat hindi ka kumain nung breaktime niyo?" tanong ko sa kanya at piningot "aray ko ate nman!" daing niya sabay pout "kasi naman gusto ko ikaw kasabay ko naiirita kasi ako kapag may dumidikit sa aking ibang babae eh" sabi niya sa akin napabuntong hininga naman ako tsaka tumayo "oh siya hali kana" sabi ko at siya naman ay agad ding tumayo nung lumabas na kami ng kwarto o dorm kung tawagin papunta na kami ngayon sa cafeteria ng may biglang humarang sa aming isang lalaki kaklase siya ni renjie  at ang palaging number 2 kinwento na siya sa akin ni renjie siya daw yung palaging nakakalaban niya


medyo nakakatakot siya itim na itim yung buhok niya at medyo hinaharangan nito ang isa nitong mata tapos yung parang nakadilat talaga yung mata parang ganon tapos nakakatakot pa siya kung ngumiti kaya naman napapunta ako sa likod ng kapatid ko


"oh? bakit parang natatakot sa akin ang ate mo?" nakangiting tanong niya kinilabutan ako sa bawat salitang binibitiwan niya nakakatakot yung boses niya tinabingi naman niya yung ulo niya habang nakatingin sa akin kaya naman tinago ko ang sarili ko sa likod ni renjie matangkad kasi sa akin si renjie at malapad yung katawan


"ano ba ang kailangan mo asmir?" cold na tanong niya ganito siya makipagusap sa lahat tapos minsan namimilosopo pa yung tipong babarahin ka hanggang sa wala ka ng masabi ganun siya pero ibang iba siya kapag ako ang kausap niya...


"naku.. wala naman.. gusto ko lang naman mag hello sa ate mo tutal naman minsan lang kaming magkita" sagot niya at pakiramdam ko ay tumatagilid nanaman ang ulo niya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa damit ni renjie napansin naman ito ni renjie alam niya kasing natatakot na ako


"tapos ka ng mag hello pwede ka ng umalis dahil tinatakot mo ang kapatid ko" cold na utos ni renjie "hahaha bat ba ganyan ka lagi sa akin? gusto ko lang naman makipagusap ah" sagot niya sinilip ko naman siya at nakita kong tumingin siya sa akin kumaway siya sa akin ganun pa din yung mata niya na tapos yung nakakatakot na ngiti niya nagtago ulit ako sa likod ni renjie 


"sabi ko umalis ka na asmir.." utos ulit ni renjie "okey sige kung yan ang gusto mr number 1 hahaha" sagot niya habang tumatawa paalis humarap naman sa akin si renjie at ngumiti "wala na siya ate halli kana" pag aaya niya sa akin tumango naman ako tsaka kami naglakad papunta sa cafeteria..



nang makarating na kami ay umupo na kami sa bakanteng table si renjie na ang nag order at ako naman ay nanatiling nakaupo lang habang inaantay ko si renjie ay may narinig akong nag chichismisan sa likuran ko "jessa alam mo bang nakulong daw si renjie sa soul academy" sabi ng isang babae sa nang ngangalang jessa "talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito "oo bale ang mission daw niya is dapat mahuka niya yung arya ata yun o aira? ah basta yung babae eh ang kaso hindi daw niya nakuha tapos alam mo ba tinalo daw si renjie ng mga prinsipe na nandun sa soul academy grabe!! hindi talaga ako makapaniwala!!" sabi nung nagkwewento kay jessa.. natalo? natalo ang kapatid ko? 


ngayon ko lang ata nalaman na natalo ang kapatid ko.. palagi kasi siyang nananalo kahit pa marami ang mga kalaban niya.. siguro malakas lang talaga ang mga istudyante ng soul--.... te-teka lang kung malalakas ang mga istudyante ng soul academy.. pwede akong humingi ng tulong sa kanila kay mr. alfonso!! pero baka hindi pa ako nakakarating dun ay bigla nila akong patayin...


pero kung alang alang sa kapatid ko.. gagawin ko kahit na buhay ko pa ang mawala.. 


inantay kong bumalik si renjie sa mesa namin at tinitignan ko lang siya habang inaayos niya yung mga inorder niya sa akin.. palaging marami yung inoorder niya sa akin.. tinanong ko naman siya kung bakit pero ang sagot niya ay dapat daw magkaroon manlang ako ng laman sa katawan kahit papaano..


"ate ito na yung pagkain mo oh!! ubusin mo yan ah!! wag kang magtitira!!" paalala niya sa akin natawa naman ako sa kanya kung umakto kasi siya ay parang siya pa yung kuya ko.. "haha opo" natatawang sagot ko.. namimiss ko yung dati na naglalaro pa kami.. walang problema at palaging masaya gagawin ko ang lahat para lang maranasan mo ulit yun.. yung walang nag didikta sayo kung ano ang dapat mong gawin.. ayokong gawin kanilang instrumento para makapanakit ng ibang tao gusto kong mabuhay ka ng malaya kaya tingin ko ito ang natatanging sulusyon para makuha mo iyon.. ang ibuwis ang aking buhay.. nakita kong nakangiti si renjie habang kumakain at nagkukwento sa akin ng kung ano anong mga bagay.. mamimiss kita kapatid ko sana kapag nawala ako magagawa mo pa din sanang ngumiti at tumawa ng ganito..


(--- hi sa inyo ^-^ pasensya na kung maikli lang yung update ko hehehe piniga ko na ata ang utak ko dian eh.. sana nagustuhan niyo kahit na medyo nakakalungkot yung pov ng ate ni renjie.. sana subaybayan niyo po yung story ko!! thank you po ulit!!)


Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon