[[28]] I Can Do This

2.2K 83 3
                                    

nang makaalis na si aira sa soul jail ay agad siyang dumeretso sa class S building.. habang naglalakad siya ay may biglang lumapit sa kanyang dalawang lalaki mga class B sila agad nilang binati si aira "hi miss aira" nakangiting sabi ng lalaki na may blonde na buhok "hello sa inyo" nakangiti bati naman din ni aira "miss aira gagalingan ko po.. para po sa inyo" sabi nung isang may pulang buhok kumunot naman yung noo ni aira "huh?" naguguluhang sabi ni niya "ahh nga po pala ako pala si eric" sabi nung naka blonde "ako naman po si paul" sabi naman nung naka pulang buhok "ito nga po pala para sa inyo hehe" sabay na sabi ng dalawa sabay abot ng isang tsokolate at isang bulaklak kahit naguguluhan ay kinuha nalang ito ni aira "sa-salamat..?" nahihiyang sagot niya "wala pong ano man sige bye bye po sa inyo" sabi ulit nilang dalawa at tsaka sabay na tumakbo papaalis 'ano kaya yung mga sinasabi nila? hindi ko sila maintindihan hindi pa siya nakakalayo ng may bigla ulit na lumapit sa kaniya isa naman itong class A "ha-hi a-aira" nahihiyang bati niya "hi din sayo" bati ni aira pabalik "aira promise ipapanalo ko iyon para sayo" kabadong sabi ng isang lalaki "pa-para sayo pala" sabay abot niya ng isang garapon na puno ng mga candies "tha-thank you" pasasalamat ni aira yung lalaki naman ay biglang tumakbo gaya nung nauna "teka hindi ko naman birthday ah" sabi ni aira sa sarili at naglakad na ulit


2 minutes later***


nakarating nadin siya ng class S building na pagod na pagod agad niyang nilapag ang mga dala niya sa table nila at pabagsak na naupo sa malambot na sofa nila kunot noo naman sila napatingin kay aira "anong nangyari sayo? at bakit ang dami mong dala?" takang tanong ni lucifer "wow!! pagkain!!" sabay na sabi nila brandon at akali agad naman silang binatukan ni annie "hindi para sa inyo yan kaya pwede ba wag niyong pakialaman" suway niya sa dalawa napanguso nalang sila at bumalik sa pwesto napahawak nalang si annie sa noo niya at napailing 'hay angg hirap talagang magalaga ng dalawang bubwit' sabi ni annie sa isip niya at bumalik na din sa pwesto niya


"oo nga aira san galing ang mga yan?" tanong ni lynx huminga muna ng malalim si aira bago sumagot "eh kasi nung pabalik ako dito sa building natin may bigla nalang lumapit sa aking mga lalaki at binigyan ako ng kung ano ano... syempre hindi naman ako tumanggi kasi nga nakakahiya.. tsaka ang weird nung mga sinasabi nila halos pare pareho sabi nila na ipapanalo daw nila para sa akin... hindi ko naman sila maintindihan" mahabang paliwanag ni aira "a...le...xus.." sabi ni lucifer at tumingin ng masama kay alexus "bakit? wala akong ginagawang masama ah! at isa pa malay ko bang magiging ganun pala ang mangyayari... at isa pa inosente ako" nakangiting sabi niya agad namang may bumato sa kanyang isang libro "aray ko naman! steph!!" daing ni alexus sabay napanguso "inosente naman talaga ako eh" mahinang sabi niya aakmang babatuhin ulit sana siya ni stephanie "joke lang.. joke lang... hehehe kalma kalang steph" tensyonadong awat nito kay steph baka kasi batuhin nanaman siya "ano naman ang kinalaman ni alexus sa nangyari sa akin?" inosenteng tanong ni aira lahat naman sila napatingin sa nagakamot sa batok na si alexus napatigil naman ito at biglang kumunot ang noo "oh bat kayo sa akin nakatingin? ano nanamang ginawa ko?" inosenteng tanong nito babatuhan sana siya ulit ni stephanie ng bigla siyang nagsalita "oo na magpapaliwanag na!!" sabi ni alexus tinignan niya muna si stephanie kung nakababa na yung libro ng binaba na ni stephanie ay dun lang napanatag ang loob ni alexus yung mga libro kasi ni stephanie ay yung mga makakapal at yung mga matitigas yung mga cover


"simulan mo na" walang emosyong utos ni stephanie at nagsimulang mag basa napabuntong hininga naman si alexus 'grabe sadista talaga siya' sabi nito sa isip "hay.. sige ito na... ang totoo niyan wala talaga akong kasalanan.. (biglang inangat ni stephanie yung libro) a-ahh a-ang ibig kong sabihin medyo.. medyo lang naman (aakmang ibabato na sa kanya yung libro) oo letse ako na ang nakaisip tch.. (binaba naman na ni stephanie yung libro) *ehem* ganito talaga ang tunay na nangyari dahil nga nawala si LUCIFER (sabay tingin niya kay lucifer na ngayon ay si lucy.. sinamaan naman siya ni lucifer ng tingin) ay naisipan kong pagbigyan naman ang mga taga hangang lalaki ni aira dahil as you can see walang lumalapit kay aira dahil sa mapagbantang mga mata ni lucifer hindi ba?" tanong niya sa mga kasamahan nag si tanguhan naman ang lahat "hoy bakit kayo tumatango? gusto niyo bang pagyelo--" napatigil si lucifer ng biglang tumingin sa kanya si aira ng nakakunot ang noo "i mean ta-tama siya" napipilitang sagot ni lucifer baka kasi mahalata siya ni aira baka lalo pa siyang magkaproblema si aira naman ay walang naiintindihan sa mga sinasabi ni alexus

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon