[[62]] The Twins

979 13 6
                                    

SUPERR THANK YOU SA MGA NAGBABASA PA DIN NITO KAHIT MATAGAL PO AKONG MAG UPDATE ! THANK YOUU NG MARAMIIII ♡♡♡ LABLAB !!! MWUAHHHH

"Lynx , anak , 17 years ago kinuha ko ang mga alaala mo"

Lynx POV

Napatawa ako ng malakas ng marinig kong sabihin yun ng tatay ko "Oh come on, is this a prank or something?" natatawang sabi ko habang nakatingin sa kaniya, pero nanatiling seryoso ang mukha nito, at unti unting nawala ang mga ngiti ko "I am serious son" napangisi ako at napapailing dahil hindi pa din ako kumbinsido sa mga sinasabi niya. 

"Okay, if it's really true. Bakit mo naman kukunin ang mga alaala ko?" 

"I can't explain everything to you, kaya mas mabuti kung ikaw mismo ang makaalam."

"What do you mean?"

"I am giving back the memories that we took from you." Napansin kong tumingin ang tatay ko kay Alfonso na nakapag pakunot ng noo ko.

"Wait, kasama ka dun tanda?"

"Lynx, that is your headmaster you should be respectful, and besides Mr. Alfonso was the one who took your memories." 

"Wait! is it a joke? can somebody tells me that it is just a prank?" pilit na tawang tanong ko

"You will know if I was telling the truth or not."

Lumapit si Mr. Alfonso sa akin at hinawakan ang magkabilaang sintido ko "Relax, makakaramdam ka lang ng konting sakit." 

Hindi pa ako nakakasagot ng biglang may parang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa ulo ko na sa sobrang sakit na parang mabibiyak ito. 

Ilang segundo ko itong naramdaman hanggang sa biglang nag dilim ang paligid ko. Ang tanging nasa isip ko ng oras na yun ay 'gusto kong sapakin ang matanda na yun!'

"Lynx? Lynx, wake up" Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malumanay na boses ng isang babae, napa pamilyar nito at pakiramdam ko ay kilala ko siya. Kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, nung una ay hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasilaw pa ako sa sinag ng araw. "Lynx? hindi ba sinabi ko sayo na wag ka matutulog dito? papaano kung magkasakit ka?" 

Agad akong napabalikwas at gulat na gulat ng makita ko siya, ilang segundo akong hindi nakakilos at nakatulala lamang sa mukha niya.

Teka totoo ba ito? Anong nangyayari? Bakit nasa harap ko si Ina?

"Lynx? Ayos ka lang ba anak?" Muling tanong niya sa akin.

May maamong mukha si Ina, kapag ngingiti siya ay sumisingkit ang mga mata niya na tila isang crescent moon, ang buhok niya na hanggang beywang na medyo makulot sa dulo, ang kulay ng buhok niya ay kasing itim ng uling at ang balat niya ay kasing putla nyebe. Kung mag salita siya ay napaka hinahon, kadalasan ko lamang siyang nakikita sa painting na nakadikit sa palasyo. Hindi ko aakalain na makikita ko siya

"Lynx anak? Ano ang nangyari bakit ka umiiyak?" Nabigla ako
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Lynx .. Lynx , gumising ka" naririnig kong tawag sa akin ng isang babae , napaka pamilyar nito , bukod sa mala-anghel nitong boses at napaka malumanay kung magsalita , natitiyak akong siya ang nagmamay-ari ng boses na iyon at walang iba kundi si ..

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko s-si .. s-si "I-Ina ?" Mahinang usal ko at gulat na nakatitig sa kanya , isa ba itong panaginip ?! Pakiusap gisingin niyo na ako ngayon !

"I-Ina ? I-ikaw ba yan ?" Hindi makapaniwalang tanong ko , nakita ko naman kung papaano napalitan ng pagaalala ang mukha niya , 'PAKIUSAP GISINGIN NIYO NA AKO !' Gustong gusto ko yang isigaw pero walang boses ang lumalabas sa mga bibig ko , naramdaman ko naman ang paghaplos ng kamay niya sa kanang pisngi ko , ramdam ko ang mainit at malambot niyang palad sa pisngi ko "Lynx anak , okey ka lang ba ?" Nag aalalang tanong niya sa akin

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon