♧♧ 2 ♧♧

9K 232 8
                                    

"Chapter 2”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Chapter 2”

           Masaya nilang ipinalaki si Aira, kahit wala gaanong tao ang nakakaalam ng existence niya sa mundo ng mga mortal. Natuklasan kasi nila Linda at Robert ang mga kakaibang nagagawa ni Aira, yun na siguro ang sinasabi sa sulat na hindi siya isang ordinaryong bata. Pero kahit na ganoon, itinuring pa din nila ito bilang isang normal na bata. Sila mismo ang nagtuturo kay Aira sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin, bukas na ang 15th birthday ni Aira, ibig din sabihin nito na bukas na din ang araw kung kalian siya lilisan sa bahay na kanyang tinitirhan, hanggang ngayon ay wala pa ding kaalam alam si Aira dahil ayaw naman din ipaalam ni Linda dahil baka may gawin si Aira na hindi maganda.

           “Anak, gusto mo bang mamasyal ngayon? Malapit na ang iyong kaarawan diba?”  tanong ni Linda kay Aira na tahimik na nanonood sa telebisyon. Napakunot naman ang noo ni Aira dahil hindi niya inaasahan ang biglaang pag aaya ng kaniyang Ina, “Ano nanaman po ba ang nakain niyo at bigla ka pong mag aaya na umalis?” natatawang saad ni Aira, hindi sumagot si Linda at nanatiling nakatingin kay Aira “Gusto ko lang mamasyal kasama ka hehehe” palusot nito, “Mas maganda kung kasama natin ang tatay mo, wag kang mag alala pauwi na din iyon galing sa trabaho” nakangiting dagdag niya, even though she doesn’t understand why her mother is asking to go have a ‘family bonding’ out of the blue she just nod. A few minutes later, her father has arrived “Hon! Come with us, Aira and I will be going to the mall” She said while smiling ear to ear, napakunot ang noo ni Robert pero agad din niyang nagets kung ano ang nais sabihin ni Linda. Ngumiti din ito sabay tingin kay Aira na nakatingin lang din sa kanilang dalawa “Sure, I’d love to”  nakangiting sagot  ni Robert “It settled then” biglang naweirduhan si Aira sa mga ikinikilos ng kaniyang mag magulang, hindi niya alam kung bakit.

           Maghapon silang naglibot sa mall, nanood ng sine, kumain sa mga resto at namili ng mga gamit na para lang kay Aira “Ma? Pa?” Napalingon sa ang dalawa kay Aira “You are acting weird today, is there something wrong?” napatigil naman sila “Wa-wala naman anak? Masama na ba ngayong ayain ka naming lumabas?” tanong ni Linda, umiling naman si Aira “No it is not like that, it’s just that why so sudden? I mean bukas pa naman ang birthday ko diba? Pero bakit grabe naman ata kayo makagastos? Para namang aalis ako” natatawang biro niya, nagkatinginan naman sila Linda at Robert bago ngumiti ng alanganin. “Ha-hali ka na anak, mukhang napagod ako ngayong araw hehehe” sabi ni Linda na ikinatango naman ni Aira “Sige po”

           Nang makauwi sila, agad na nagpaalam ang mag asawa na aakyat na sila sa kwarto dahil napagod daw sila sa ginawa nila buong maghapon. Umakyat na din si Aira at pumunta sa kanyang kwarto “Ang weird ng mga ikinilos nila ngayon, ano kaya ang nangyari?”

---

           “Hon, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makitang umalis ang anak natin” Naluluhang pahayag ni Linda habang nakatingin sa litrato kung saan nakangiti silang tatlo, bakas sa mga mukha nila ang saya ng mga panahon na ‘yan “Ginusto naman natin ito hindi ba? Kahit anoa ng gawin nating pagtatago sa mga taong ‘yon wala pa ding mangyayari dahil panigurado ay mahahanap at mahahanap nila tayo” saad ni Roberto, kahit nalulungkot siya dahil aalis na si Aira sa kanilang pamamahay, wala itong magawa. “Tanggapin na lang natin Hon” Sabay akap ni Robert sa kanyang asawa.

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon