[[60]] Invitation

672 19 2
                                    

hi readers gusto ko lang sanang sabihin na papalitan ko po yung name ni Lucifer , magiging Lucian na po siya kasi originally yun naman talaga yung name niya :D ayern lang kung may reklamo kayo sa pagpalit ko sa pangalan niya , feel free to message me :) Enjoy reading everyone :D

--------

"Maaari ba akong manatili sa lugar na ito ?"

tumingin ng diretso si Mr Alfonso sa kanya at napabuntong hininga "Leo , pasensya na pero hindi kita pahihintulutang manatili sa mundong ito dahil masyadong mapanganib ang mundo na ito para sayo" napayuko naman si Leo at napailing "sige , naiintindihan ko" nakangiting sagot niya napangiti naman si Mr Alfonso "mabuti naman at nauunawaan mo ,  pumasok ka lang sa portal na ito at makakarating ka na sa mundo niyo" napatango naman si Leo at nagpaalam kay Mr Alfonso bago pumasok sa portal

nung sumirado na yung portal ay agad na napabuntong hininga si Mr. Alfonso 'ayokong may madamay pang mortal sa mangyayaring gulo sa mundong ito'  

Alfonso's POV

*Ring ring* halos mapatalon ako sa gulat ng mag ring ang cellphone sa bulsa ko , bibihira ko lang gamitin ang bagay na ito sa kadahilanang kaya ko naman makipag usap sa isang tao sa loob ng isip nila , kaso sabi naman ng Secretary ko dalhin ko daw palagi Para kung sakaling may emergency ay makakausap nila ako .

"Hello ?" Bati ko sa kabilang linya "Mr. Alfonso , pumunta po kayo agad dito may dumating na sulat para sa iyo" sagot ng akong secretary "sulat ? Kanino galing ?" Tanong ko "wala pong nakalagay na pangalan , pero may royal symbol na nakatatak sa envelope , tingin ko po galing ito sa palasyo" natahimik ako ng mga ilang Segundo tsaka bumunting hininga

"Sige papunta na ako" sagot ko naman sa kabilang linya tsaka binaba ang tawag . 'ano nmn kaya ang kailangan ng mahal na hari sa akin ?'

****

3rd Person's POV

"Nakaalis na kaya ng ligtas si Leo ?" Tanong ko Kay Patricia "Hm siguro , kasama naman niya si Mr.Alfonso kaya wag kang mag alala" sagot ni Patricia at ngumiti , napangiti din ako ng biglang sumingit sa usapan si Lucian "Eh bakit ka ba nag aalala dun sa lalaking yun ?" napatingin naman ang lahat kay Lucian , sabay tingin kay Renjie na hindi manlang umimik "diba dapat turn na ni renjie magsalita ?" bulong ni Brandon kay Akali , nag patango tango naman si Akali ,  binatukan naman sila ni Annie 

"Kaibigan ko kasi Leo , at tsaka nag aalala ako sa kanya kasi baka kung anong mangyari sa kanya dahil isa lang siyang normal na tao" sagot ni aira , napairap naman si Lucian at napangisi "Kung minsan talaga ay hindi kita maintindihan aira" sabay walk out niya, bigla namang natahimik ang lahat , dahil sa biglaang pag alis ni Lucian hindi nila ineexpect na mag wa-walk out ito sa harap ni aira ''anong nangyari kay Lucian ? bakit siya nag kakaganun ? may mali ba akong nasabi sa kanya ?' tanong ni Aira sa isip niya at agad na tumayo at hinabol si Lucifer

nang makaalis si Aira ay napatingin ang lahat kay Renjie na wala pa ding kibo "oy Renjie ? himala ata at hindi kayo sabay ni Lucian magsalita ?" tanong ni Alexus , bigla naman siyang tinignan ng masama ni Renjie "bakit ? kelangan ba sa lahat ng pagkakataon palagi kaming magkasabay ? tsk" sabay walk out ni Renjie , "aba't !" tumayo si Alexus na agad namang hianwakan ni Lynx sa braso para pigilan "huminahon ka nga" pagpapakalma ni Lynx 

"nako yung dalawang yun , kunting kunti na lang at mapagkakamalan ko na talaga silang magkapatid ! nakakaloka !" sabi ni Brandon na agad humawak sa ulo niya "nako , wag mo na kasing problemahin ang mga ganyan ! nakakabawas yan ng kagwapuhan , ikaw din" sabay tawa ni Akali "kunsabagay tama ka" sabay hawak sa baba niya , napailing naman si Annie sa kabaliwan ng dalawa.

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon