[[23]Kiss

2.8K 108 6
                                    

Dahil nga sa utos at sa paglabas nang katotohanan ay nakalabas na ng soul jail si aira "salamat sa inyo" halos mangiyak ngiyak na sabi ni aira "tingin ko mas magandang sabihin mo yan sa kapatid ko" sabi ni lynx "oo gagawin ko pero asan ba si lucifer" kunot noong tanong ni aira "nasa elfcare siya" sagot ni jacob napalaki naman yung mata ni aira "ano?! bakit anong nangyare sa kanya?" nagaalalang tanong ni aira "mag isa kasi siyang lumaban kay renjie buti nga at nakarating kami agad eh..... kundi baka mas lumala yung galos niya sa katawan" paliwanag ni alexus

"sige salamat pupuntahan ko agad siya ngayon maraming salamat sa inyo!" nakangiting sabi niya sa tatlo aalis na sana siya nang biglang hinawakan ni alexus yung braso niya dahilan para mapahinto siya tumingin siya kay alexus ng nakakunot ang noo "bakit alexus?" tanong niya ngumiti naman si alexus at lumapit kay aira

"may paraan para bumilis ang pag galing ni lucifer at para mawala din yung inis niya sayo gusto mo bang malaman kung pano?" nakangiting bulong ni alexus kumunot naman yung noo aira "hoy alexus! ano bang ginagawa mo?" tanong ni lynx pero hndi siya pinansin nung dalawa "sige paano?" bulong din ni aira binulong naman ni alexus yung gagawin niya nang marinig ito ni aira ay biglang lumaki ang mga mata nito at biglang namula "si-sigurado kaba dian? baka magalit siya sa akin kapag ginawa ko iyon!" sabi ni aira "hoy alexus ano yung gagawin na sinasabi ni aira?" inis na sabi ni lynx bumaling naman si alexus sa kanya "wala yun prince lynx sige na aira alis kana gawin mo yung sinasabi ko ah!" sabi ni alexus at pinagtulakan si aira palabas nang soul jail nang medyo malayo na si aira ay agad na binatukan ni lynx si alexus "hoy ano yung pinapagawa mo sa kanya ha?! baka kung ano anong kalokohan yang mga pinagsasabi mo sa kanya malilintikan ka talaga sa akin" pagbabanta ni lynx

"kalokohan? siguro hahaha!" sabay hawak sa batok nito "ikaw!" aakmang babatukan ni lynx si alexus nang pigilan ito ni jacob "tama na yan may kailangan pa tayong asikasuhin ipagpaliban niyo muna yang mga pambatang away niyo" suway ni jacob nainis naman si lynx "anong pinagsasabi mong pambatang away ha!" sigaw nito kay jacob "lower your voice lynx" ma awtoridad na sabi nito tumigil naman si lynx at napa tch nalang kahit na mas matanda siya dito ay wala pa din siyang magawa nakakatakot kasi si jacob lalo na kapag tinignan mo siya sa mga mata

samantala...

habang naglalakad si aira papunta sa elfcare ay iniisip niya yung binulong ni alexus sa kanya "gagawin ko ba iyon? nakakahiya kasi tsaka baka magalit siya kapag ginawa ko iyon" sabi niya sa kanyang sarili para nga siyang baliw dahil bukod sa kinakausap niya ang sarili ay bigla nalang itong iiling at babatukan ang sarili

malapit na siya sa elfcare nang biglang may narinig siyang kakaiba tumingin siya sa kaliwa niya at taninging mga puno at halaman lang ang nandun habang nakatingin siya dun ay may nakita siyang isang anino nang tao kumunot yung noo niya at lalapit sana nang mapatigil siya "teka aira mag isip ka muna paglumapit ka doon baka panibagong gulo nanaman ang mangyayare" sabi nito sa sarili "pero kung hndi ako pumunta at nagkataong nangangailangan nang tulong yun baka naman pagsisihan ko iyon" sabi ulit niya sa sarili "hayaan na wala naman sigurong mawawala kung pumunta ako dun diba?" sabi pa nito sa sarili at naglakad papalapit dun sa isang puno kung saan niya nakita ang anino hndi pa siya nakakalapit nang biglang lumabas ang isang tao at bigla siyang isinandal sa puno napapikit naman si aira 'sabi na nga ba sayo aira eh gulo nanaman ito eh' sabi ni aira sa sarili niya

"idilat mo yang mata mo ako lang ito" sabi nang isang lalaki 'teka pamilyar ang boses na yun ah' sabi ni aira at dahan dahan niyang idinilat ang mga mata niya pero agad din siyang napapikit habang namumula ang mukha "hoy lucifer ayusin mo nga yang suot mo isirado mo yung polo mo" suway ni aira marahan namang napatawa si lucifer at naramdaman naman ni aira na inangat ni lucifer yung chin niya kaya naman napadilat siya at nakita niya ang mukha ni lucifer kahit gabi na ay kita padin ang mukha niya dahil natatamaan ito ng sinag nang buwan "alam mo bang sobra akong nag alala nung oras na umiyak ka sa harap ko" mahinang sabi niya nakaramdam naman ng hiya si aira kaya naman tinanggal niya ang kamay ni lucifer na nakahawak sa chin niya 

"so-sorry" nahihiyang sabi nito "at alam mo ba na nainis din ako dahil ayaw mong sabihin sa akin kung sino talaga ang gumawa iniisip ko tuloy na wala kang tiwala sa akin... sa amin" sabi pa niya "hi-hindi naman sa ganun ayaw ko lang na mapahamak kayo nang dahil lang sa akin" lalo pang napayuko si aira nang sabihin niya iyon at pahina din ng pahina ang boses niya

"tch kahit na para san pa at naging kaibigan mo kami kung hndi mo din kami kayang pagsabihan nang problema?" sabi nito kay aira "sorry hndi na mauulit pangako" sabay taas nito ng kaliwang kamay napataas naman ng kilay si lucifer "dapat kanan" suway niya agad namang binaba ni aira ang kaliwa niyang kamay at tinaas ang kanan sabay sabing "pangako" halata sa ikinikilos niya na tensyonado siya napa'tch' naman si lucifer at tumalikod "te-teka lucifer ga-galit kaba?" tanong ni aira humarap naman si lucifer "hndi ako galit naiinis la--" biglang napalaki yung mata ni lucifer

lumayo si aira ng mga ilang hakbang pero wala pading pinagbago sa reaksyon ni lucifer tulala ito at nakabukas ang bibig "ga-galit kapa ba?" tanong ulit ni aira hinawakan naman ni lucifer yung pisngi niya "ba-bakit mo ginawa iyon?" parang wala sa sariling tanong niya "huh? eh ka-kasi.." sabi ni aira sabay kamot sa batok niya ang ginawa kasi ni aira ay bigla niyang hinalikan si lucifer sa pisngi "kasi sa-sabi ni alexus na mawawala daw ang galit mo at mapapabilis daw ang paggaling mo kapag ginawa ko sayo yun eh" nahihiyang sabi ni aira habang nakayuko

sa gulat na reaksyon ay bigla itong nagbago biglang kumunot ang noo ni lucifer "a-ano? sinabihan ka ni alexus na halikan ako?" parang nagpipigil sa gigil na sabi ni lucifer huminga muna siya ng malalim at pinakalma ang sarili "aira" kalmadong sabi niya "ba-bakit lu-lucifer?" kabadong tanong ni aira "alam mo bang hindi tamang paglaruan ang isang damdamin ha!"  malakas na sabi ni lucider napatalon naman sa gulat si aira 'sabi na nga ba at magagalit siya eh!.. kasalanan ito ni alexus eh' sabi ni aira sa isip niya

"so-sorry sa-sabi kasi ni ale--" hndi na natapos ang sasabihin ni aira ng bigla itong putulin ni lucifer "peste! asan yang alexus na yan at pagyeyeluhin ko siya" nanggigil na sabi ni lucifer "lucifer wag kang magalit sa kanya.. ka-kasalanan ko kasi sinunod ko siya" nakayukong sabi ni aira 'nakakatakot siya kapag nagagalit' sabi ni aira sa isip niya huminga ulit ng malalim si lucifer "wag mong sisihin ang sarili mo si alexus ang may kasalanan nito humanda siya sa akin kapag nakita ko siya bukas hndi ko na siya bubuhayin...halika na ihahatid na kita sa dorm mo" sabi nito at tumalikod 

"a-ayos lang naman eh tsaka kailangan mo pang bumalik sa elfcare tsaka kaya ko namang umuwi eh sige bye bye" sabay paalam niya pero biglang hinawakan ni lucifer yung braso niya 'patay! tulong T^T ayokong kasama ang devil side ni lucifer' 

"ihahatid kita sa dorm mo sa ayaw mo man o sa gusto baka kasi mamaya niyan mabalitaan ko na nasa soul jail ka nanaman halika na" masungit na sabi niya 'sabi ko nga'

"sorry na lucifer sorry kung hinalikan kita" sabi ni aira habang naglalakad sila papunta sa dorm niya "gusto mong patawarin kita?" sabi ni lucifer ng hndi tumitingin sa kanya napangiti naman si aira "oo gusto k--" biglang lumaki ang mga mata ni aira

1 second.......

2 seconds.......

3 seconds.......

4 seconds......

5 seconds.....

"ayan pinapatawad na kita" nakangiting sabi ni lucifer si aira naman ang napatulala 'ba-bakit... bakit sa lips pa?! HINDI PWEDE!!' halos humagulgol sa iyak si aira sa isip niya "halika na aira baka gusto mong gawin ko ulit sayo yun para lang kumilos ka willing naman akong gawin yun kung gusto mo" nakangiting sabi ni lucifer "ahh hi- hindi na kailangan ta-tara na" tensyonadong sabi ni aira at naunang maglakad napatawa naman ng mahina si lucifer at sumunod na sa kanya......

'kasalanan mo ito alexus kasalanan mo talaga itong lahat!!! T^T'

(sorry kung maikli lang yung update ko pasensya na talaga!! sana hndi kayo magsawa sa pagbabasa ng storya ko salamat sa inyo please comment naman kayo please... please... please!!!)

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon