12

4.8K 164 8
                                    

  Tinignan niya ako ulit sa mata "Isa akong prinsipe Aira"

---------

Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung mga sinabi sa akin ni Lucian, kung isa nga siyang prinsipe bakit hindi niya sinabi sa akin nung una pa lang ? Kung sinabi niya sa akin hindi ko sana siya napagsalitaan ng hindi maganda or nasaktan! Hindi naman niya siguro ako parurusahan diba? magkaibigan naman kami eh diba?

"Andito na tayo, maaari na kayong bumaba." 

Nabalik ako sa realidad nang magsalita ang guro na kasama namin; pagbaba namin sa bus agad kong nakita ang isang malaking gate na nangangalawang na sa sobrang tagal. Bigla kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Lucian 

"Kapag nakita mo ng papalubog ang araw, umakyat ka agad sa isang puno at itali mo ang sarili mo gamit ang lubid para hindi ka mahulog kung saka-sakaling makatulog ka. Ang Enchanted Forest ay puro ilusyon, kaya hangga't maari wag mong pakikinggan ang mga naririnig mo o ang mga nakikita mo."  

"Grabe ang creepy naman!!" Napatingin ako kay Brandon na biglang kumapit kay Annie na agad naman siyang inirapan at marahas na tinanggal ang kamay niya na nakakapit sa braso niya.

"Kalalaki mong tao napakaduwag mo! Sir Alfonso unahin mo nga 'to papasukin!" inis na sabi, napailing na lang si Mr. Alfonso sa kanila

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag tatalo ng dalawa, dahil nag focus ako sa ginagawa ni Mr. Alfonso na nag ca-cast ng spell, mahina siyang nagbibigkas ng mga salita na hindi ko maintindihan. Pagkatapos na pagkatapos niyang mag cast, dahan dahang nagbubukas ang gate at bumungad sa amin ang mga puno na halos wala ng mga dahon at mga tuyong mga dahon sa sahig; mga uwak na nasa puno na tila inaantay kaming pumasok.

Halos lahat kami ay nanindig ang mga balahibo, may ilan na gusto ng umalis pero agad silang pinakalma ni Mr. Alfonso "Students, wala kayong dapat na ipangamba dahil walang mangyayaring masama sa inyo hangga't sinunod niyo ang mga sasabihin ko."


Nabaling ang lahat ng atensyon namin kay Mr. Alfonso at nakinig ng mabuti "Palagi niyo lang tandaan na lahat ng makikita niyo sa loob ay isa lamang ilusyon, diyan masusubok kung gaano kataas ang kakayahan niyo laban sa mga illusion magics. Don't worry  gaya ng sinabi ko sa inyo kanina, walang mangyayaring masama sa inyo not unless kung lumagpas kayo sa protection spell."


Protection spell? Tinignan kaming lahat ni Mr. Alfonso at mukhang alam niya ang nasa isip namin kaya agad niya itong ipinaliwanag.


"Naglagay kami ng Protection spell to ensure your safety, pero may hangganan ang Protection Spell namin. May nilagay kaming palantandaan kung sakaling napalayo kayo at malapit na kayong lumagpas sa spell na ginawa namin, kapag may nakita kayong mga bato na maayos na nakahilera na parang isang linya; palatandaan iyon na hanggang doon lamang ang sakop ng Protection spell, kaya kung sakaling makita ninyo ito, mas mabuting umalis na lamang kayo at wag kayong lalagpas sa mga batong iyon."


"Isa lamang ang pakay niyo sa loob, yun ay ang makuha ang Skull necklace na nasa loob ng Enchanted Forest. Isa isa kayong papasok sa loob, dahil isa itong kumpetisyon, wala munang kaibi-ibigan dito. Kapag tinawag ko ang pangalan ninyo, pumasok kayo sa gate maliwanag ba?" Agad naman kaming nagsi-tanguang lahat.

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon