[[36]] Life or Death

1.5K 66 4
                                    

Flora's POV

gumising ako ng maaga yung tipong tulog pa ang lhat pati na din si renjie.. kaya ako maaga gumising dahil kailangan kong tumakas sa akademyang ito alam ko kasing tulog din pati ang headmaster kaya naman ito ang tamang pagkakataon.. kumuha ako ng isang kapirasong papel at nagsulat doon pagkatapos ay agad ko din itong binulsa..


bago umalis sa kwarto naming dalawa ni renjie ay tumingin muna ako sa kanya at parang gusto kong maluha sorry renjie patawarin mo ako pero kailangan ko lang itong gawin para makalaya ka sa kanila lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo dahil alam ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na makikita ko siya at mahalikan sa loob.. sana mapatawad niya ako..



"mahal na mahalkita renjie.. palagi ka sanang mag iingat" bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil mahimbing na mahimbing ang tulog niya.. lumabas na ako sa kwarto naming dalawa at mabilis at walang ingay akong tumakas mula sa mga nakabantay na mga gwuardya para akong isang hangin kung kumilos walang alam si renjie tungkol dito dahil hindi niya alam na nagsasanay din ako ng palihim dahil pinaghahandaan ko ang araw na ito...


nakalabas ako ng akademya ng walang kahirap hirap madilim pa ang paligid at napaka tahimik tanging tunog lang ng paglakad ko ang naririnig ko kailangan kong makapunta sa soul academy ng mabilis dahil baka anumang oras ay biglang magising ang headmaster at baka mahuli ang lahat.. ayokong sayangin ang buhay ko ng walang ginagawang paraan..


habang naglalakad sa madilim na daan ay nakakita ako ng isang sasakyan na umaandar nakaramdam ako ng tuwa gumitna ako sa daan nung makita ako nung nagmamaneho ay bigla itong tumigil halos hindi ako huminga dahil sa sobrang kaba dahil halos 1 inch lang ang pagitan namin nung sasakyan agad na lumabas yung nagmamaneho at ito na ang pagkakataon ko pinikit ko ang mga mata ko at maya maya ay bigla nalang nawalan ng malay ang lalaki nagmadali akong sumakay sa isang sasakyan at tsaka minaneho ito ng mabilis alam ko kung saan ang daan papunta sa soul academy dahil ilang beses na akong sinama ni renjie kapag nagkakaroon siya ng isang mission...


nang makarating ako sa tapat ng soul academy ay bigla akong napatigil dahil iniisip ko kung paano ako makakapasok sa loob?.. paano kung hulihin nila ako at gawing hostage para makuha lang ang kapatid ko? bigla kong naihampas yung kamay ko sa manobela


ang tanga mo flora!! bat ngayon mo lang naisip ang lahat ng yan.. kung kelan hindi ka na pwedeng umatras?.. pero kailangan kong gawin ito.. alang alang sa kapatid ko.. naglakas loob akong lumabas ng sasakyan pagkatapos nung malapit na ako sa gate ng soul academy ay bigla akong hinarangan ng mga guwardiya "sino ka? at anongg pakay mo? hindi ka isang istudyante dito!!" sita sa akin nung isang guwardiya "ako si flora.. at ang pakay ko dito ay makausap ang headmaster ng akademyang ito" taas noong sagot ko pero sa loob loob ko ay natatakot ako.. natatakot ako sa kung anong mangyari sa akin.. "isa kang taga labas hindi ka maaring pumasok sa loob kung walang pahintulot ng headmaster" sabi nung isa.. wala na akong magagawa


pumikit ako at sa isang iglap nawalan na ng malay ang tatlong guwardiya pasensya na..


kailangan kong makapasok kahit anong mangyari pero laking gulat ko ng bigla nawala yung harang... 'pumasok ka at sundin mo lang ako' nagulat ako ng may biglang nagsalita sa utak ko  telepathy  ang boses na yun.. di kaya siya si mr alfonso? 'tama ako nga.. sundin mo lang ako at makakarating ka sa opisina ko' sabi pa niya kahit nagulat ako ay sumagot pa din ako 'o-opo' sagot ko at tinuro na nga niya sa akin ang daan papunta sa kanyang opisina..


mga ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na nga ako sa kanyang opisina kumatok muna ako at agad na pumasok nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kanyang lamesa nakangiti siya sa akin at naghand gesture pa na umupo ako sinunod ko naman siya.. siya naman ay umupo na din sa upuan niya na nasa harap ko "so.. anong ginagawa ng kapatid ng isang taga dark heart academy? dito sa school namin?" nakangiti nitong tanong napayuko nman agad ako.. hindi ko alam kung saan ko sisimulan huminga muna ako ng malalim bago nagkalakas ng loob para tignan siya 


"mi-mr alfonso.. tu-tulungan niyo ang kapatid ko" nakikiusap na sabi ko sa kanya biglang sumeryoso ang mukha niya "kapag tinulungan ko ang kapatid mo alam kong buhay mo ang kapalit nun" seryosong sabi niya hindi ko mapigilang hindi magulat at kasabay nun ang pagluha ko "o-oo a-alam ko iyon.. pero alang alang sa kapatid ko gagawin ko ang lahat para lang mapalaya ko siya alam kong hindi niya ginusto ang mga ginagawa at mga pinaguutos sa kanya" sumbong ko sa kanya "pero ms flora naisip mo bang kapag nalaman ng kapatid mo na namatay ka at sa mismong akademya ko pa hindi mo ba naisip na mas lalong titindi ang galit niya sa soul academy lalo na sa akin" sagot niya napahawak naman ako ng mihigpit sa laylayan ng bistida ko 


"a-alam ko iyon.. pero kapag nalaman niya ang totoo.. hindi na siya magagalit sa inyo at sa akademyang ito..!!" sagot ko "paano naman niya malalaman ang totoo kung wala ka na sa mundong ito ms flora?" tanong niya sa akin kinuha ko naman ang sulat na ginawa ko kanina at iniabot ko sa kanya "ito!.. ibigay mo ito sa kanya..! andian lahat ng mga sekreto na matagal ko ng tinatago sekretong buhay ko ang kapalit kapag nalaman niya!!" paliwanag ko kinuha naman niya ito at seryosong tumingin sa akin


"hindi mo ba naisip ang kapatid mo? sa desisyon mong ito paniguradong malulungkot ang kapatid mo" sabi niya sa akin napayuko naman agad ako alam ko iyon at kahit labag sa loob kong gawin ito ay kailangan padin.. ayokong mabuhay sa kasinungalingan ayokong lumaki si renjie ng puno ng puot at galit ayoko siyang maghigante sa taong hindi naman talaga siya ang may kasalanan...


"sige.. wag kang magalala kapag sumugod dito ang kapatid mo ibibigay ko ang sulat na ito at tatanggapin ko siya sa paaralan na ito para sa kanyang protection" sabi niya sa akin na ikinaangat ng ulo ko.. "sa-salamat!! maraming maraming salamat!!" natutuwang sabi ko "pero nakay renjie padin -ang desisyon.. kung papasok siya sa school na ito o hindi" seryosong sabi niya "a-alam ko iyon!!" sagot ko sa kanya "ngayon maaari na akong mamatay..." nakangiting sabi ko "pwede kang manatili dito kung gusto mo" sabi niya pero umiling lang ako "hindi pwede.. dahil sa oras na malaman ito ng headmaster patay din ako.. wla akong takas sa kanya dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang totoo" nakangiting sagot ko...


"sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong niya sa akin "oo.. alam ko namang wala akong takas sa kanya kahit saan ako magpunta kayang kaya niya pa din akong patayin kung gustuhin niya ayoko na ding matali sa kamay niya.. tingin ko ito na din ang tamang panahon para magpaalam kay renjie.. pwede bang pakisabi nalang sa kanya na mahal na mahal ko siya?" sabi ko habang may tumtulong luha sa mata ko "hindi ko na kailangang sabihin yun dahil alam kong alam na niya iyon" sagot niya sa akin "pero gusto ko pa ding masabi sa kanya iyon... pero dahil hindi ko na iyon masabi sa kanya ng harapan maaari bang ikaw nalang ang magsabi sa kanya?" tanong ko habang patuloy sa pag agos ang luha ko tumango naman siya "kung yan ang gusto mo" sagot niya sa akin


ngumiti ako sa huling pagkakataon bago kung banggitin ang linyang kukuha sa buhay ko "walang kasalanan ang soul academy"

agad na sumikip ang dibdib ko at at bigla akong napaubo ng dugo at dahan dahang natumba "sorry renjie"

yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.. sana patawarin mo ang ate dahil hindi ko nagawa ang hiling mo...





(sorry kungg maikli lang... abangan niyo ang next na chapter.. yung pov naman ni renjie sana nagustuhan niyo comment naman po kayo tsaka like na din!! ^-^)


Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon