●● 9 ●●

1.4K 40 0
                                    

“Chapter 9”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Chapter 9”


“Bibigyan kita ng 60 seconds para makapag tago sa akin, kung hindi mo kasi alam mayroon tayong 10 minutes para matapos ang laban. Kapag wala pa ding bumabagsak o sumusuko sa atin sa loob ng 10 minutes, ikaw ang panalo kaya galingan mong magtago okay.” Hinawakan niya pa ang pisngi ko at marahang tinapik tapik


Napatango ako at tumakbo papasok sa gubat, ‘Kailangan kong manalo!’


Kahit na hingal na hingal ako at pagod na pagod sa pagtakbo, nakaya ko pa ding umakyat sa puno kahit ilang beses na akong muntik malaglag. Ang sabi kasi sa akin ni Wilfred, umakyat daw ako sa puno dahil mas mukhang safe pa ito kaysa kung magtatago ako sa likod ng mga malalaking bato.


Sumang ayon naman ako dahil kapag sa likod ako ng mga bato o ng malalaking puno, mahihirapan akong makita o malaman kung malapit na ba siya sa akin, kung nasa taas kasi ako madali ko siyang makikita at makakapagtago ako ng maayos.


Halos ilang minuto din akong nasa itaas ng puno, tinignan ko ang relo ko at tatlong minuto pa lang ang nakakalipas. Bakit parang ang bagal ng oras ngayon? ang tagal mag sampung minuto! gusto ko ng matapos ito dahil alam kong wala talaga akong laban kay Brittney.

Nakarinig ako ng isang kaluskos na nanggagaling sa bandang kaliwa ko kaya agad kong tinago ang sarili ko sa likod ng mga dahon dahon. Maraming sanga ang puno na ito at ganoon din ang mag dahon nito, para siyang puno ng mangga pero mas malaki ito kumpara sa ordinaryong puno nito.


"Alam kong malapit ka lang dito Aira." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pamumuo ng mga butil ng pawis sa aking noo, pinagpapawisan ako ng malamig. Kinakabahan and at the same natatakot na din ako kaya nagsimula ng manginig ang katawan ko. Papaano niya nalaman na malapit lang ako dito? May kakayahan kaya siyang madetect ang presensya ng isang tao?


"Lumabas ka na dian kung ayaw mong ako pa mismo ang magpababa sa tinataguan mo ngayon, paniguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa oras na hindi ka bumaba dian."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, hindi ako lumabas sa pinagtataguan ko, dahil marahil bitag niya lang ito. Maaaring hindi niya talaga alam at nanghuhula lang siya para matakot ako, kahit anong mangyari hindi ako----

"Ahhhh!!"

Napasigaw ako ng bigla na lang may pumulupot sa paa ko at bigla akong hinila pababa ng punong inakyatan ko. Masyadong mataas ang punong ito! marahil ay nasa mga 7ft 'yun! agad akong napadaing sa sakit dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niyang 'yun. Ibig sabihin hindi siya nanghula o nagsinungaling? Pero papaano naman niya nalaman na dito ako nagtatago?

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon