17

686 9 0
                                    


  What is happening here?  

Lumapit sa amin si Lucian ng hindi pa din nag babago ang ekspresyon "I am asking you, what are you doing here?" pakiramdam ko biglang lumamig ang paligid kasabay ng paglamig ng tono ng boses ni Lucian.


"Why are you asking? I am here because I want to study, is there something wrong about that?" Halatang hindi kumbinsido si Lucian sa naging sagot nito pero hindi na siya nagtanong pa bagkus ay tumingin siya sa akin na ikinabigla ko.


"Let's go"


 Hindi niya ako inantay pang sumagot ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin papaalis pero hindi pa kami nakakalayo ng bilang magsalita si Lynx


"Oh come on my dear little brother, are you still mad about me?" Napatigil siya at ganun din ako, little brother? wait don't tell me...


Napatingin ako kay Lucian na seryoso pa din ang ekspresyon, magkapatid sila? really?


Hindi pa din sumasagot si Lucian"Leave and don't come back ever again, I don't want to see your disgusting face" naramdaman ko yung pag higpit ng hawak niya sa kamay ko at pagkatapos nagpatuloy na siya sa paglalakad hila hila ako.


Teka nga, ano ba ang kinalaman ko at pati ako hinila nito? gusto ko lang namang kumain! dapat talaga nagluto na lang ako at hindi na nasaksihan pa ang ganitong eksena!


Nang makalayo layo na kami agad din namang binitiwan ni Lucian ang kamay ko at tumingin sa akin "I'm sorry kung nadamay ka sa nangyari kanina." 


Alam kong sincere yung pag hingi niya ng tawad pero ano pa nga bang magagawa ko? eh nangyari na ang nangyari.


"Okay I forgive you" nginitian naman niya ako pero mahahalata mong pilit lang ito "Hindi ko alam kung ano ang problema niyong magkapatid pero dapat ayusin niyo 'yan, magkapatid kayo kaya kailangan magkasundo kayo." 


Tinignan ko siya at nanatiling nakayuko ang ulo niya, hindi siya umimik kaya hindi na lang din ako nag salita pa.


"AIRA! LUCIAN!" napatingin kami sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw na yun; nakita namin si Wilfred na patakbong lumapit sa amin.


Nang makarating na siya ay agad itong naupo sa damuhan habang hinahabol ang hininga niya "Ang se-selfish niyo! bakit niyo ako biglang iniwan dun? hindi niyo ba alam kung gaano ka awkward ang situation ko? at Lucian! kung manghihila ka na lang din naman dapat hinila mo na din ako! duh? si Aira lang ba ang kaibigan mo?" 

Soul AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon