9

1.1K 37 0
                                    


Chapter 9

Unedited...

"Samahan mo lang naman ako eh." Pamimilit ni Angela kay Moon.

"Ay, bahala ka sa buhay mo. Busy ako ngayon," ani Moon. "Mabuti nga kayong mga firstyear, hindi pa busy sa sched ninyo."

"E di bumalik ka rin sa first year," suhestiyon ni Angela na hinihila ang pinsan.

"Ang mga rason mo talaga, Gela. Pang elementarya eh!" naiinis na sabi ng binata at kinutusan ang pinsan.

"Namimihasa ka na, Buwan!" reklamo ni Angela na bumalik na naman sa pinsan dahil nakawala ito sa paghahawak niya.

"Gel? Busy talaga ako. May date pa ako," reklamo ni Moon.

"Moon? Hinahanap ka nina Luis. Pupunta ka ba sa CTU?" tanong ni Dust na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila dahil sa paghihilaan nila.

"Oo. Hay salamat naman," pasalamat ni Moon na para bang nakakita ng hero nito. "Wala ka namang pupuntahan, 'di ba, Dust?"

"Wala naman. Bakit?" tanong ni Dust at napasulyap kay Angela na tila naputulan ng dila dahil biglang tumahimik.

"Good. Samahan mo nga ang babaeng 'to sa mall," pakiusap ni Moon.

"I changed my mind. Bukas na lang pala ako mamamasyal," sabat ni Angela.

"Ang bilis naman yatang magbago ng isip mo? Huwag mong sabihin, nagtampuhan na naman kayo ni Dust?" nagdududang tanong ni Moon. Hindi na kasi niya nakikitang nag-uusap ang dalawa. "Nag-aaway na naman ba kayo?"

"Wala ah," tanggi ni Angela.

"Halika na, Gel. Samahan na kita," yaya ni Dust para wala nang isyu. Mukhang naunawaan naman ni Angela kaya walang imik na sumama ito sa kaniya.

"Let's use your car," tinatamad na sabi ni Angela nang nasa parking lot na sila. Tumango si Dust at pinagbuksan siya ng pintuan kaya walang salitang pumasok si Angela.

Iginala ng dalaga ang mga mata sa loob ng sasakyan. In fairness, ang bango. Ito ang gusto niya sa mga pinsan dahila alaga ng mga ito ang sasakyang ginagamit.

Napatingin siya kay Dust na nagkakabit na ng seatbelt nito. Iniwas niya ang mga mata at itinuon sa unahan nang mapasulyap ito sa kaniya.

Habang nasa biyahe, sa labas ng bintana ang mga mata ni Angela. Hindi na siya nagreklamo pa ng magpatugtog si Dust ng music sa cellphone nito. Mabuti nga iyon para hindi siya mamatay sa sobrabng katahimikan.

"Ano ang gagawin mo sa mall?"

Muntik na siyang atakihin sa puso nang magsalita si Dust.

"Bibili," tipid na sagot niya na nasa labas pa rin ng bintana ang mga mata.

"Anong bibilhin mo?"

"Hindi ko pa alam," sagot ni Angela kaya hindi na umimik pa si Dust.

Pagdating sa mall, naunang bumaba ang dalaga. Napansin niyang nakasunod sa kaniya si Dust.

"Sana ako na lang mag-isa," bulong niya. Mas mabuti pang mag-isa kaysa kasama niya si Dust. Ang awkward e.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong ni Dust nang sabayan siya sa paglalakad.

"Bahala ka," sagot ng dalaga.

"Gel? Puwede bang kalimutan na lang muna natin ang nangyari? Ibalik naman natin sa dati ang lahat," pakiusap ni Dust.

"Ikaw lang naman ang nanguna," sagot ni Angela.

"Kaya nga ako na ang humihingi ng depensa," sabi ni Dust kaya napasimangot si Angela.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon