27

1K 35 0
                                        


Chapter 27

Unedited.

"B-Bakit? Ano ang problema, sis?" nag-aalalang tanong ni Taira sa umiiyak na kakambal. Maaga pa itong pumunta at humagulgol ng iyak. "Relax, Jai. Huminga ka nang malalim."

Sinunod naman ni Jairah ang kakambal saka pinahidan ang mga luha.

"Inaway ka ba ni Angelo? May babae na naman ba siya?" Hindi iiyak nang ganito si Jairah kung maliit lang na problema ang dala. Mula noon, hindi ito iyakin at sinasarili ang maliit na bagay lalo na kapag kaya namang solusyunan.

"S-Si Angela--" Humagulgol na naman si Jairah sa pag-iyak nang maalala ang anak. "G-Ginahasa siya."

"What?" bulalas ni Taira at tumayo habang nanlalaki ang mga mata sa nalaman. Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ang kakambal pero sigurado siyang hindi.

Napahilamos si Jairah sa mukha saka napakagat sa ibabang labi. "O-Oo."

"Sino ang hayop na gumawa nu'n sa kaniya?" galit na tanong ni Taira.

"H-Hindi niya alam."

Ayun, ikinuwento ni Jairah ang sinabi ni Angela kaya nanghihinang napaupo muli si Taira.

"P-Paano niya nagawa iyon? P-Paano na ang baby?" Naguguluhang tanong ni Taira at hindi na napigilan ang mga luha. Mahal niya si Angela. Parang anak na nga ang turing niya rito at sigurado siyang magwawala si Sky kapag malaman nito ang nangyari.

Pinahidan ni Jairah ang mga luha at niyakap si Taira. Ito na lang ang matatakbuhan niya sa ngayon.

"T-Takot akong ipaalam kina Daddy ang nangyari. B-Baka atakihin si Daddy sa puso," natatakot na sabi ni Jairah.

Kulamas si Taira sa pagkakayakap ng kakambal at masuyong pinahidan ang mga luha nito.

"T-Tahan na, Jai. Ipagdasal natin na magiging okay ang lahat. At least matatag si Angela kaya magpakatatag din kayo." Pagbibigay ng lakas ng loob ni Taira.

Nag-usap pa sila at naisipang itago muna ang sitwasyon dahil hindi pa naman lumubo ang tiyan ni Angela.

"U-Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Angelo," palaam ni Jairah. Hindi siya nagpaalam sa mag-ama niya. Basta tumakas lang siya kanina para makita ang kakambal. At least kahit paano, gumaan din ang kalooban niya.

"Ingat ka, Jai. Ipagdasal natin na mabibigyan ng katarungan ang nangyari kay Gela."

"I will," mahinang sabi ni Jairah saka lumabas na sa bahay ng mga Villafuerte.

Nag-taxi siya pauwi dahil hindi niya dala ang sasakyan niya para hindi mapansin ni Angelo na umalis siya.

Habang nasa taxi, nagmuni-muni muna siya. Masyado siguro silang pabaya kay Angela kaya nagkagano'n. Isa pa, buo ang tiwala niya sa mga kasama nito lalo na sa mga anak ng kakambal niya.

Pagdating sa bahay, agad na narinig niya ang sigaw ni Angelo kaya tumakbo siya palapit sa bahay.

"Umamin ka, Angela!" sigaw ni Angelo.

"G-Gelo? A-Ano ba ang nangyayari dito?" nagtatakang na tanong ni Jairah dahil nabasag ang mamahaling vase sa sala nila.

Napatingin si Jairah kay Angela na nakayuko habang umiiyak.

"Aaminin mo o hindi! Sino ang gumahasa sa 'yo!" Dumadagundong na tanong ni Angelo kaya napakunot ang noo ni Jairah.

"Gelo? Napag-usapan na natin ito kahapon. Hindi niya kilala--"

"She knows, Jairah!"

Natigilan si Jairah saka nagtatanong ang mga matang humarap sa asawa.

"A-Ano ang ibig mong sabihin?"

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon