Chapter 25
Unedited...
"B-Baby? Hindi magandang biro 'yan," bulalas ni Dust saka nagtatanong ang mga matang tinitigan ang kasintahan. "Tell me that you're--"
"Here. Kung ayaw mong maniwala, iihi pa ako sa harapan mo ngayon para mag-retest ng pregnancy test," sabi ni Angela saka inabot kay Dust ang positive na pregnancy test.
"K-Kailan at saan? Gel naman, safe sex tayo."
"So? Ano ang gusto mong palabasin? Na iba ang ama ng--"
"Damn! Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan. Iba ang ibig kong sabihin. Bakit ka nabuntis eh, maingat naman tayo," tanong ni Dust. "B-Baka may mali lang?"
"Bahala ka. Basta ipinaalam ko sa 'yo."
"P-Pero hindi pa t-tayo handa," natarantang sabi ni Dust. Alanganin pa sila ni Angela.
"So? Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong ni Angela na hindi nagustuhan ang naging tugon ng kasintahan.
"P-Puwede bang mag-isip muna tayo? H-Hindi talaga puwede, Gel. Mapapatay nila tayo," natatakot na sabi ni Dust.
"Hindi puwede? Eh, buntis na nga ako! Sabihin mo na kasi na gusto mong ipalaglag ang bata!" galit na sabj ni Angela kaya natigilan si Dust saka napalunok ng laway. "P-Puwede ba?"
"What? Are you fucking serious, Dust?" bulalas ni Angela at napatayo dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. "Gusto mong patayin natin ang anak natin?"
"H-Hindi ah," agad na tanggi ni Dust saka napahilamos sa mukha at hinawakan ang kanang kamay ni Angela. "S-Sorry. Maupo ka nga muna. Natataranta ako eh."
"Sabihin mo kung ayaw mo sa baby natin!"
"Of course gusto ko. Mahal ko kayo niyang baby natin pero baby? N-Naguguluhan ako. Mag-isip muna tayo, puwede?" naiiyak na pakiusap ni Dust saka tumayo at mahigpit na niyakap ang kasintahan. "Please, huwag kang magalit. Hayaan mong mag-isip ako nang magandang plano para sa atin ng baby natin."
"B-Baka kambal sila," parang batanf sabi ni Angela kaya mas lalong nanghina si Dust. "Or baka triplets at quadruplets?"
"Gel? Paano kapag malaman ng parents natin?" nag-aalalang sabi ni Dust.
"Hayaan mo sila. E di magalit na sila kung magalit. Basta bubuhayin ko ang baby natin," matapang na sagot ni Angela kaya napangiti si Dust. Sadyang matapang nga ang mahal niya. Hindi kagaya sa kaniya, natataranta pa.
"Hayaan mo, gagawa ako ng paraan habang hindi pa nila nalalaman ang pagbubuntis mo. Kung sakaling isumpa nila tayo, tatanggapin natin," sabi ni Dust na nawala ang takot sa dibdib. Salamat kay Angela dahil ang tapang nito.
"B-Basta huwag mo kaming iwan, Alikabok," humihikbing sabi ni Angela.
"I won't. Never na iiwan kita. Nangako ako sa 'yong mamahalin at ipaglaban kita kaya tutuparin ko iyon," sabi ni Dust at pinaalala sa sarili na kailangan niyang mas maging matapang kaysa kay Angela.
-----------------------------
"Saan ka galing?" tanong ni Angelo sa anak nang pumasok ito sa bahay nila.
"Sa condo ko po," sagot ni Angela at naupo sa harapan ng mga magulang. Alas dose na at sigurado siyang tapos nang kumain ang mga ito.
"Mula ngayon, hindi ka na uuwi sa condo na iyon!" madiing sabi ni Angelo sa anak.
"What?" bulalas ni Angela. "Dad naman. Are you kidding me?"
"Seryoso ako. Hindi ka gagamit ng condo kapag hindi mo subukang makipag-date kay Jerry!"
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
DragosteAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...