Chapter 21
Unedited...
"Sam? Natatakot ako na malaman nila ang relasyon namin. Last week, muntik na kaming mahuli dahil sa bahay natulog si Angela," sumbong ni Dust. Wala siyang ibang mapagsabihan kundi ang kaibigan. Kahit sa mga kapatid, hindi rin niya inaamin ang totoong relasyon nila ni Angela. Natatakot siya na baka kuyugin siya ng mga ito.
"Hanggang kailan, Dust? Hindi habambuhay, matatago ninyo ang relasyon ninyo. Paano kung gusto na ninyong magpakasal at magkaanak?" nag-aalalang tanong ni Samantha kaya hindi nakaimik si Dust.
"Kaya ba ninyong itago habambuhay? Oo at hindi sila nagdududa dahil magpinsan naman kayo. Kahit ang ama mo, hindi pumasok sa isip na posibleng may relasyon kayo dahil nga sa dugong dumadaloy sa mga ugat ninyo. But 'til when, Dust?"
"I really don't know, Sam. All I know is I love her. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito," pag-amin ni Dust.
"Nakakaselos. Ex mo naman ako pero bakit hindi gano'n ang pagmamahal mo sa akin?" biro ni Samantha. Sila lang yata ang mag-ex na naging matalik na magkaibigan.
"You're special to me, Sam. Alam mo 'yan. You're my girl bestfriend," sabi ni Dust para makabawi naman. Ang bait ni Samantha sa kaniya at wala siyang masabi.
"What if aminin na lang kaya ninyo ang totoo? Paunti-untiin mo na lang ang family mo," suhestiyon ni Samantha.
"I can't. Natatakot ako, Sam," sagot ni Dust.
"Akala ko ba, kaya mo siyang ipaglaban?"
"Hindi pa kasi ito ang perfect time."
"When will be the perfect time, Dust?"
"After my graduation. After I grab my diploma. Kapag okay na ang lahat lalo na financially. Maybe--just maybe, matatanggap din nila kami," umaasang sagot ni Dust.
"Nandito lang ako na nakasuporta sa inyo, Dust. No matter what."
"Thank you, Sam. You're such a good friend," pasalamat ni Dust. "Sana mapunta ka sa tamang lalaki."
Natawa si Samantha. "I'm too young para diyan, Dust. Marami pa akong pangarap."
"Bakit hindi mo sundin ang mommy mo? Puwedeng-puwede kang sumali sa Miss Universe."
"Ayokong sundan ang yapak ng ina ko. Ayaw kong mabuhay sa likod ng anino niya. I wanna have my own identity. Gusto kong makilala ako bilang Samantha at hindi bilang anak ni Amanda," sagot ni Samantha kaya tinapik siya ni Dust sa balikat.
"Alis na tayo. Baka hinahanap na ako sa campus ni Angela. Alam mo namang selosa 'yon," sabi ni Dust na alam niyang may pasok pa si Angela dahil tumawag ito kanina.
"Okay," pagpayag ni Samantha saka tumayo na rin.
"Excuse me? Akala ko nasa tambayan ka?"
Muntik nang matumba si Dust nang marinig ang boses ni Angela sa likuran nila.
"G-Gel? Ano ang ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Dust.
"Ako ang dapat na magtanong niyan sa 'yo, Dust! Ano ang ginagawa ninyo rito?" nakataas ang kilay na tanong ni Angela.
"Niyaya ko si Dust na mag-merienda. Wala naman kasi akong gagawin," sabay ni Samantha.
"Nakita ko ngang nag-merienda kayo!" pagtataray ni Angela saka galit na tiningnan si Dust. "Kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga, huh?"
"Gel? Mali ang nasa isip mo," sabi ni Dust. "Please, let me explain."
"I don't fucking care about your irrational reason, Dust! My point is, nagsinungaling ka!"
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...