16

1K 29 0
                                    

Chapter 16

Unedited...

"Hindi ko alam kung bakit pero nahihilo ako," sabi ni Angela at napahawak sa ulo.

"Baka buntis ka," ani Angelo sa anak.

"Makabuntis ka naman, ang sakit mong magparatang, Dad," nagtatampong sabi ni Angela saka napatingin sa kapatid na lumabas ng bahay. Nag-quiet sign pa ito nang magkasalubong ang mga mata nila.

"Dad? Paano kung buntis nga ako," biro ni Angela sa ama para hindi na lumingon pa ang ama.

"Subukan mo lang at ibitin kita patiwarik!" galit na sabi ni Angelo kaya malakas na tumawa si Angela saka niyakap ang ama.

"I love you, Dad. Wala pa akong boyfriend ngayon at may mens ako last day, 'di ba? Masyado kang advance e." Ang ama pa niya ang nakakita na tinagusan siya nang magkita sila sa mall kaya tinakpan nito ng jacket.

"Naku, 'wag ka lang talagang mabuntis nang maaga, Angela at mapapatay kita," pagbabanta ng ama.

"Hindi ho," sabi ni Angela.

"Sana lang. Wala ka pa namang naipakilala sa aming boyfriend mo," sabi ni Angelo. Puro padala lang ng floweres pero wala namang pumupunta.

"Wala pa nga po akong boyfriend. Isa pa, takot na sila sa team galaxy kaya wala na akong lovelife. Nagpapakabait na ako, Dad," sabi ni Angela.

"Mabuti naman at bantay-sarado ka ng mga pinsan mo," kampanteng sabi ni Angelo. "Kahit paano, nababawasan ang pangamba ko kapag sila ang kasama mong lalaki. Alam mo na, marami ang hindi mapagkatiwalaang lalaki sa ngayon."

"Alam mo talaga ang mga galawan ng katulad mo, Dad," biro ni Angela na ikinasimangot ni Angelo.

"People changed," depensa ng ama.

"I know..." natatawang pagsang-ayon ni Angela.

"Basta kapag may seryosong boyfriend ka na, ipakilala mo naman sa amin para makilatis ko," paalala ni Angelo.

"Sige po. Pero Dad? Sana matanggap ninyo ang lalaking mapipili ko," pakiusap ni Angela na agad pumasok sa isip niya si Dust. More than three months na sila at masaya naman sila parati.

"Basta ba seryoso siya sa 'yo at mahal ka niya, walang problema sa akin, Gel. Respeto lang sa buong pamilya natin ang hinihingi ko," sagot ni Angelo na napatayo nang marinig ang sasakyan.

"Shit! Did you see Jairoh?"

"Nope," inosenteng sagot ni Angela.

"Walanghiya!" pagmumura ni Angelo dahil bawal pa magmaneho si Jairoh dahil walang lisenya. Tumayo suya at lumabas kaya napangiti na lang si Angela dahil siguradong nakalabas na ang kapatid niya. Close sila ni Jairoh. Ito ang palagi niyang karamay dahil pareho rin naman silang pasaway. She loves him so much kahit minsan na lang sila mag-bonding.

Tumayi si Angela saka lumabas.

"Oh? Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Angelo.

"Sa mga pinsan ko. Bored po ako, Dad. Aalis na naman kayo mamaya ni Daddy. Gusto kong may kausap," nagtatampong sagot ni Angela.

"Kina Taira nga lang ba?"

"Oo naman. You can call them anytime to check kung nandoon ako mamaya. Kahit every minute pa," sagot ni Angela.

"Fine. Basta huwag kang pasaway sa kanila. Alam mo namang natutuyuan na ng dugo ang mga pinsan mo," bilin ni Angelo.

"Thanks, Dad." Humalik siya sa pos gi ng ama saka lumapit sa kotse niya at nagmaneho patungo sa villa ng mga Villafuerte.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon