12

1K 29 0
                                    

Chapter 12

Unedited...

"Kumusta na kayo ni Angela?" tanong ni Samantha nang ilapag ni Dust ang pagkain sa mesa.

"We're okay," sagot ni Dust habang kinukuha ang ice cream cake sa tray at inilagay sa harap ni Samantha.

"Okay? As in okay na kayo?"

Ngumiti si Dust. Alam niyang mapagkatiwalaan niya si Samantha kaya tumango siya.

"We're in a secret relationship." Pag-amin ng binata kaya napangiti si Samantha.

"I knew it. Congrats, Dust."

Napabuntonghininga ang binata saka kinuha ang kutsarita saka sinimulang kumain.

"But I'm so afraid, Sam. Paano kung malaman nila ang relasyon namin? What's next?" nangangambang sabi ni Dust at napatingin kay Samantha. "Sana huwag mong ipagkalat. Alam kong mapagkatiwalaan ka, Sam."

"Don't worry, safe ang secret ninyo sa akin, Dust. I am so grateful na pinagkatiwalaan mo ako."

Ang hirap makuha ng loob at tiwala ng mga Villafuerte at masasabi niyang masaya siya dahil isa siya sa mga napili ni Dust na pagkatiwalaan.

"Isa pa, sanay na ako sa ganitong sitwasyon. I grew up sa ibang bansa kaya hindi na bago sa akin ang mag- cousintahan. In Arab countries, okay lang na magpinsang buo ang magpakasal," sabi ni Samantha kaya hindi na siya nagulat na magmahalan ang dalawa.

"But we're not there, Sam. Pilipinas ito at hanggang fourth degree ay hindi puwedeng ikasal," problemadong sabi ni Dust.

"Sabi mo nga, love has no limits. If you love her, does it matter? Kasal lang ba ang magpapatunay ng pagmamahal mo sa kaniya?" tanong ni Samantha at sinimulan na rin ang pagkain.

"Ewan ko, Sam. As of now, masaya kami. And that is all that matters," ani Dust at sinimulan nang kumain.

"Uy, magkasama yata kayo?" masiglang sabi ni Matter na lumapit sa kanila kasama si Angela.

"Kain," yaya ni Samantha at nginitian si Matter.

"Thanks, Sam. Pero nakapagtataka lang, kayong dalawa lang yata?" nakangiting sabi ni Matter at hinila ang upuan saka pinaupo si Angela sa tabi ni Samantha.

"Pinagsasabi mo?" tanong ni Dust sa kakambal na naupo sa tabi niya.

"May hindi ka ba sinasabi sa amin, Dust? May relasyon ba kayo ni Samantha?" nagdududang tanong ni Matter kaya tumawa si Samantha.

"Oo, meron nga. Bakit? Tutol ka?" biro ni Samantha.

"Bakit naman? Masaya nga ako para sa inyo," sagot ni Matter.

Napasulyap si Dust kay Angela na tahimik at may kinakalikot sa cellphone. Sinusubukan niyang tingnan kung sino ang ka-text nito pero hindi niya makita. Gigil na gigil pa nga ito e. Gusto talaga niyang makita kung ano ang pinagkaabalahan ng kasintahan kaso mukhang tago na tago ang ginagawa nito. Humarap si Angela sa kaniya kaya nginitian niya pero mukhang badtrip ang dalaga.

"Tigilan na nga ninyo 'yan. Wala kaming relasyon ni Sam," sabat ni Dust saka kinuha ang cellphone nang mag-vibrate.

Binasa niya ang text message na galing sa bagong number ni Angela. Kagaya ng usapan nila, may isa pa itong number na silang dalawa lang ang nakakaalam.

"Hayop ka!"

Puro "hayop ka" lang ang nababasa ni Dust sa message ni Angela kaya napalunok siya ng laway at napasulyap sa dalagang nagtitipa pa rin.

Napailing na lang siya. Mukhang nahuhulaan na niya kung ano ang ikinagalit nito.

"Gusto mo ba ng ice cream, Gel? Sa 'yo na 'to," alok ni Dust para lumamig naman ang ulo ng dalaga. Hindi siya naiinis. Sa halip, natutuwa pa siya. Ang cute e.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon