23

803 27 0
                                    


Chapter 23

Unedited....

"Baby? Kausapin mo naman ako," nahihirapang pakiusap ni Dust sa kasintahan. One week na siyang hindi kinikibo ni Angela at sobrang nahihirapan na siya. Hindi niya kaya. "Alam kong may misunderstanding lang tayo. Mali lang ang pagkakaintindi mo."

Tumayo si Angela kaya mahigpit na pinigilan niya ito sa kanang braso. "B-Baby? Pag-usapan natin--"

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang pumasok si Star at napatingin sa kanila pero ilang segundo lang ay nagpatay-malisya ito at dumiretso sa kusina.

"H-Hindi kita igi-giveup," mahinang sabi ni Dust.

"Iba na lang ang kausapin mo, Dust! Kung in-doubt ka sa relasyon natin, e di i-giveup mo!" mahina pero madiing sabi ni Angela saka tinulak ang binata at lumayo rito.

Hahabulin pa sana siya ni Dust pero pumasok sina Moon at Sun.

"Hey? Mukhang tigre na naman ang mukha mo, Gel. Inaway ka na naman ba ni Dust?" nakangising tanong ni Moon.

"Siya ang nang-away kay Dust," natatawang sabat ni Sun pero napa-poker face lang si Angela at tinalikuran ang mga ito.

"Suplada mo, Gel!" pahabol ni Sun.

"Hayaan mo na, may PMS 'yan!" pahabol din ni Moon kaya napailing na lang siya at dumiretso sa labas ng campus para bumili ng ice cream. Baka sakaling mabawasan ang init ng ulo niya kay Dust.

Sa itaas siya pumwesto. Masama pa rin ang loob niya kay Dust. Paano nito naisip na i-give up siya kung noong una, ito pa ang nagbibigay ng payo na walang bibitiw sa kanila?

"Kapal ng mukha!" naiinis na bulong niya at pinapak ang mango ang ice cream.

"Hi," nakangiting bati ng binatilyong naupo sa harapan niya. Guwapo ito at kapuna-puna ang tsinitong mga mata at medyo makapal na kilay. "Malungkot ka po yata?"

"Hindi ako malungkot. Galit ako!" sagot ni Angela at ipinagpatuloy ang pagkain na walang pakialam sa binatilyong kaharap.

"Gusto mo pa ng ice cream?" magiliw na tanong nito kaya tumigil si Angela at tinaasan ng kilay ang kaharap. Ang ice cream shop na ito ay isa sa mamahaling ice cream shop sa buong bansa. Well, sulit naman talaga dahil sobrang sarap. Ito ang main branch ng shop na ito.

"Libre mo ako?" nagdadalawang-isip na tanong niya.

"Sure. Pero ngayon lang po," nakangiting sagot nito.

Napakunot ang noo ni Angela nang mamukhaan ang kaharap. Kapagkuwa'y napasulyap siya sa malaking frame sa dingding.

"Ikaw 'yan, 'di ba?"

Umiling ang binatilyo.

"He's my dad," sagot nito kaya natigilan si Angela.

"Really? Paano nangyari?"

Napakamot ito at ngumiti. "N-Naglabing-labing sila ni Mommy tapos nabuo ako?"

Natawa si Angela. "Seryoso. I thought wala siyang anak."

"Ako," malungkot na sagot nito.

"I-I'm really sorry. He was my Tita Christine's ex kaya nagulat lang ako," paumanhin ni Angela.

Ngumiti naman ito at pilit na tinatago ang lungkot sa mga mata.

"Pamangkin ka pala ni Tita Christine," sagot ni Pelmar.

"Yes. Magpinsan ang Mom ko at asawa ni Tita Christine," sagot ni Angela at tinitigan ito nang maigi. "You look like your dad. Carbon copy mo siya kaya no doubt na anak ka nga niya."

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon