Chapter 10
Unedited...
"May problema ka ba, Dust?" tanong ni Taira sa anak at naupo sa tabi nito. Madaling araw na pero nandito pa rin ito sa mini bar nila at ang dami nang nainom na alak.
"Ba't gising ka pa, Mom?" tanong ni Dust na nilalaro ng mga daliri ang bibig ng shotglass.
"Nauhaw ako. Iinom sana ako pero nakita kong nakabukas pa ang ilaw rito. Ang dami mo nang nainom, 'Nak," nag-aalalang sagot ni Taira. "Sabihin mo sa akin ang problema, baka may maitulong ako."
Malamlam ang mga matang tumitig si. Dust sa ina. "M-Mom? May chance ba na ampon lang ako? Na hindi talaga kayo ang biological parents ko?"
"B-Bakit mo natanong?" naguguluhang tanong ni Taira.
"W-Wala lang. Alam mo na, baka hindi naman pala ikaw ang real mother ko dahil hindi mo naman ako dinala ng siyam na buwan sa sinapupunan mo," nagbabakasakaling sagot ni Dust. Bigla siyang na-guilty at natauhan nang makita ang lungkot sa mga mata ng ina. Oo nga pala, ang sakit para dito ang sinabi niya lalo na't gustong-gusto nito na mabuntis noon pero walang kakayahan kaya ibang babae ang nagdalang-tao sa kanilang magkapatid.
"J-Just kidding, Mom. Alam kong ikaw ang real mom ko. Wala lang akong maisip na itanong," nakangiting bawi ni Dust at inakbayan ang ina. "I love you, Mom. Ikaw ang pinaka-the- best na ina sa buong mundo at proud ako na ikaw ang mommy ko."
Liar. Ngayon lang niya pinagsisihan na ito ang naging ina niya. Hindi dahil sa masama itong ina pero kundi dahil mahal niya si Angela. If only he could swap himself to someone na gustong maging Villafuerte, gagawin niya. Pero hindi puwede. He loves his parents, siblings and whole family. Ito ang bagay na mas lalong nagpapasakit sa dibdib niya. May strong bonding silang magpamilya.
"Ano ba ang problema mo at nagkakaganiyan ka?" tanong ni Taira.
"Mom? Nagmahal ka na ba ng taong ayaw mo naman talagang mahalin?" seryosong tanong ni Dust na ikinabahala ni Taira. Oras kasi na about sa love ang topic, nawiwindang siya. Kabisado niya ang mga anak. Hindi man ito nabuo sa sinapupunan niya, nakakonekta naman ang pusod ng mga ito sa puso niya.
"May mahal ka na ba?"
"May mahal pero hindi niya ako mahal," pag-amin ni Dust. Gumuho man ang mundo pero hindi niya aamining si Angela ito.
"Ang dad mo. Ayaw ko naman talaga sa kaniya pero hindi ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kaniya," nakangiting sagot ni Taira. "Ang hirap kayang isipin noon ang buhay ko kapag ang ama mo ang nakatuluyan ko. But look at now, mag-asawa na kami at well, masaya naman tayo."
"Yes po. Masaya naman tayo," pagsang-ayon ni Dust. Iyon nga ang problema, masaya sila. Masaya silang lahat kaya ang hirap sirain.
"Sino ba ang babaeng nagpatibok ng puso mo? Family friend ba ang parents niya?" usisa ni Taira.
"Wala pa, Mom. Hindi pa ako na-inlove. Gusto ko lang uminom kasi wala akong lovelife," sagot ni Dust kaya ginulo ni Taira ang buhok nito.
"Matulog ka na. Magagalit ang ama mo kapag mahuli kang umiinom nang marami." Tumayo si Taira at tinulungang makatayo ang anak. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo."
Nasa hallway na sila nang yakapin ni Dust ang ina.
"I love you, Mom. I am so proud of you na ikaw ang mommy ko," puno ng pagmamahal na sabi ni Dust.
"Yan ang gusto ko kapag malasing kayo eh," natatawang sabi ng ina at tinapik si Dust sa balikat. "Matulog ka na. May pasok pa kayo bukas."
-------------------

BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...