Chapter 19
Unedited...
"Okay ka lang, Star?" natatawang tanong ni Moon nang pumasok ang namumutlang kapatid.
"Don't talk to me!" naiinis na sabi ni Star at nanghihinang naupo sa sala.
"Isang case ang naubos niyan kagabi," sabat ni Dust na naupo sa harapan ng dalawa. Kakarating lang nila mula sa Cavite at heto nga, wala pa rin sa wisyo si Star dahil sa hangover. Suka nang suka kaya ilang beses silang tumigil sa daan.
"I think I-I'm dying," pabulong na sabi ni Dust saka nahiga sa couch.
"Ulol! Hindi ka pa matatanggap sa heaven," natatawang sabi ni Moon na hindi alam kung matatawa ba o maaawa kay Star.
"Nagpaluto na ako kay Mommy ng sopas," sabi ni Dust dahil parang may hangover din siya. Hangover sa nakakalasing na katawan ni Angela. Lihim na napangiti siya nang maalala ang ginawa nila kagabi. It was fantastic.
"Si Angela?" tanong ni Moon.
"Sinundo ni Tito Angelo," sagot ni Dust. Pagdating nila, saktong nandito na ang ama ni Angela kaya sumama na ito pauwi. Alam naman niyang pagod ang kasintahan sa biyahe.
"Saan ka ba natulog kagabi? Hinanap ka namin ni Matter ah," tanong ni Sun.
"Naghintay ng umaga sa tabing- dagat," sagot ni Moon saka lumabas.
"Ano ang nangyayari sa mundo at parang may kakaiba sa mga kapatid ko?" wala sa sariling tanong ni Sun. Parang hindi na niya kilala ang mga kapatid. Napatingin siya kay Dust.
"Ikaw Dust? May inililihim ka ba sa amin?" curious na tanong ni Sun.
"H-Ha? Ba't mo naman natanong 'yan?" patanong na sagot ni Dust. Nagdududa na ba si Sun sa kanila ni Angela?
"Wala. Ang weird kasi nina Star at Moon," sagot ni Sun.
"Maiwan ko nga muna kayo," paalam ni Dust saka iniwan ang mga kapatid sa sala at pumunta sa hardin para magpahangin pero nang hindi makuntento ay lumabas siya sa mansion at pumunta sa pinakamalaking bahay sa villa nila--sa mansion ng Lolo Ryan nila. Walang permanenteng naninirahan dito dahil may bahay naman sila. Dito lang nila ginaganap ang reunion ang mga Villafuerte o kapag may tipon-tipon.
Lumapit siya sa malawak na hardin na ginawa ng Lolo Ryan nila para sa Lola Hannah nila.
Napatingin siya sa mga rosas. Ang gaganda ng kulay pero napansin niya ang isang puno ng rosas na puno ng kulay puting bulaklak pero nahagip ng mga mata niya ang isang sanga na tila bumubukol na sa dulo nito.
Lalapitan na sana niya ito nang mat narinig siyang kaluskos sa likuran niya kaya napalingon siya.
"Lolo Skyler," nagulantang na sabi niya dahil sa pagkagulat.
"Mukha na ba akong si Lolo Ryan para ganiyan ang mukha mo?" natatawang tanong ni Skyler. Na-miss niya bigla ang Lolo Ryan niya.
"Hay naku. Lolo naman. Akala ko kasi walang tao rito sa hardin," sagot ni Dust at nginitian ang lolo.
"Ba't napadalaw ka?" tanong ni Skyler at inakbayan ang apo. "May problema ba?"
"W-Wala ho," sagot ni Dust. Gusto sana niyang aminin ang totoo pero matalik na kaibigan ito ng Lolo Tyron ni Angela. "Napansin ko lang kasi na may bukol ang dulo ng puting rosas kaso mukhang nalanta yata."
"'Yan ba?" tanong ni Skyler at itinuro ang rosas na tinutukoy ni Dust. Iyon lang naman ang may pinakamaraming bulaklak at pinakamataas na puno rito sa hardin.
"Opo."
"Ah. 'Yan ang bulaklak na itinanim nina Lola Hannah para kay Lolo Ryan noong uugod-ugod na sila," pagkukuwento ni Skyler. Curious din naman siya sa rosas na ito noon. "Pero mula noon, hindi pa 'yan namumulaklak. Himala, namulaklak na ngayon. Iyan na yata ang pinakamatandang puno rito sa hardin."
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomansaAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...
