Chapter 8
Unedited...
"Ano ba ang problema?" tanong ni Jairah sa anak. Nasa pavilion sila ng mansion nina Tyron at Aira dahil may kaunting salu-salo ang kanilang pamilya.
"Wala ho," sagot ni Angela.
"Two days ka nang hindi kumikibo. May problema ba?" tanong ni Jairah. Hindi normal sa anak niya ang pananatili nito sa bahay.
"Masa ang pakiramdam ko. May LBM ako kahapon," walang ganang sagot ni Angela at napatingin sa dalawang van na magkasunod na pumasok sa mansion. Lumabas ang magkapatid na Villafuerte sa isang at ang iba ay sa isa pang van.
"Cousin? Nandiyan na pala ang team galaxy," maarteng sabi ng pinsan ni Angela na anak nina Aron at Mandy saka patakbong lumapit sa mga pinsan.
"Ate? Punta lang po ako kina Kuya Galaxy," paalam ni Jairoh at tumakbo sa mga ito kaya napasimangot si Angela.
"Ikaw? Hindi mo ba pupuntahan ang mga pinsan mo?" tanong ni Jairah.
"Mainit pa ang puwet ko dahil kakagaling ko lang sa LBM," palusot ni Angela at iniwas ang mga mata sa pinsang papalapit. Matapos siyang halikan ni Dust, hindi na siya lumapit sa mga ito. Umuwi siyang mag-isa nang gabing iyon. Mabuti na lang dahil mabait ang taxi driver na sinakyan niya.
"Mabuti at dumating na rin kayo, Taira. Halina kayo, kakain na tayo," yaya ni Aira sa mga anak at apo.
Sumunod si Angela pero nasa likuran lang siya ng mga magulang at pinsan.
Napatingin siya kay Dust na kinakausap si Jairoh habang naglalakad. Agad na iniwas niya ang mga mata nang lumingon si Dust sa kaniya.
"Tita Mandy? Si Tito Aron po?" tanong ni Dust.
"Sa kusina na," sagot ni Mandy kaya napakagat sa ibabang labi si Angela. Hindi pala siya ang nilingon ni Dust. Assumera lang talaga siya. Gago nito! Ne hindi siya tinawagan o tinext para magpaliwanag kung bakit siya nito hinalikan. Dalawang gabi na rin siyang patigil-tigil sa kakaisip dahil sa nangyari pero si Dust, parang wala lang.
Nakikinig lang si Angela sa pag-uusap ng mga pinsan niya at magulang nila. Paminsan-minsan, sumasabat din siya sa usapan para hindi halata ang pag-aaway nila ni Dust.
Nang matapos ang tanghalian, tumulong sila ng Tita Taira niya sa paghuhugas.
"Patapos na. Doon ka na at mag-bonding kayo ng mga pinsan mo," sabi ni Taira sa dalaga. "Alam kong sabik na sabik ka ring makasama ang mga pinsan mo."
"S-Sige ho," sagot ni Angela at sinulyapan ang mommy nina Dust. Mabait ito, kabaliktaran ng ina niya. May pagkamaldita kasi ang Mommy Jairah niya.
Palabas na siya sa pool nang marinig ang Lolo Tyron na kinakausap ang mga pinsan.
"Ayaw kong nakikitang nag-aaway kayong magpipinsan. Gusto kong manatili ang respeto ninyo sa isa't isa kahit na wala na kami ng Lola Aira ninyo."
"Naku, huwag ko kayong mag-alala. Isa pa po, Lolo, mahal namin ang mga pinsan namin," sagot ni Moon.
"Mabuti na at nagkaliwanagan tayo," ani Tyron at isa-isang pinagmasdan ang mga apo.
"Kyaah. Ano ba, Dust!" tili ni Madie nang hatakin ni Dust ang mga paa kaya nahulog ito sa tubig. "Ang lamiiiig!" tili ni Madie.
"Gusto mong maligo, 'di ba?" natatawang sabi ni Dust saka hinatak ang pinsan palapit sa gitna ng pool.
"M-Mommy! Help!" naiiyak na sigaw ni Madie. Hindi ito marunong lumangoy. Basta takot ito sa malalim na tubig kahit na swimmer naman ang ama. Nagmana siya sa ina na hindi rin marunong lumangoy. Natututo lang noong practical pero after, wala na. Nakalimutan na namang lumangoy.
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
Storie d'amoreAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...