Chapter 26
Unedited...
"Dad! M-Masakit!" daing ni Angela nang hatakin siya ng ama papasok ng bahay. Kahit anong gawin niyang pag-iyak ay hindi nababago ang madilim na mukha ng ama. Kahit na ilang beses itong pagsabihan ni Jairah na magdahan-dahan sa pagmaneho, tila bingi ang kanilang ama. Pasalamat pa nga sila, nakarating silang buhay at walang galos sa katawan sa sobrang bilis ng pagmaneho ng ama.
"Ouch!" daing niya nang malakas na tinulak siya ng ama sa couch. Nasa library siya dinala nito para hindi makakarinig ang mga katulong.
"Gelo? Nasasaktan na si Angela," saway ni Jairah na pinigilan ang asawang hahatakin na naman sana ang anak patayo.
"Jai naman? Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon?" galit na tanong ni Angelo.
"I know. Pero anak pa rin natin siya, Gelo. Let's hear ng side niya muna," pakiusap ni Jairah na sobrang disappointed din kay Angela. Masyado yata nilang napabayaan ito kaya kung anu-ano ang ginagawa sa freedom na ibinibigay.
"Aminin mo sa amin, Angela! Sino ang ama niyang dinadala mo?" mahinang tanong ni Angelo at naikuyom ang kamao. Mapapatay talaga niya ang lalaking nakabuntis sa unica hija nila.
Napatingin si Jairah sa anak at hinintay ang isasagot nito pero yumuko lang si Angela habang tumutulo ang mga luha.
"Gel? Tell us. Parents mo kami kaya huwag kang matakot," malumanay na tanong ni Jairah. Naranasan na rin naman niyang maging pariwara kaya hindi makakatulong kay Angela ang pagsisigaw ngayon dahil mas lalo lang itong magrerebelde.
Umiling si Angela at ipinagpatuloy ang paghikbi.
"Sino ang ama, Angela! Sabihin mo at babasagin ko ang bungo ng tarantadong iyon!" galit na tanong ni Angelo nang maramdamang wala talagang balak na umamin ang anak.
"H-Huwag na po ninyong a-alamin--"
"Putang ina, Angela!" sigaw ni Angelo na umalingawngaw sa buong silid kaya napalunok ng laway si Angela dahil sa takot. Pero wala siyang magagawa. Pareho silang mapapahamak ni Dust kapag umamin siya. "Aaminin mo sa amin o itatakwil kita?"
"You can't do that?" sabat ni Jairah at sinamaan ng tingin ang asawa. "Kahit na nabuntis siya, anak pa rin natin si Angela."
"Jai? Please, not now. Nakita mo ang nangyari? Ito na ang bunga ng lahat ng pagbigay natin sa lahat ng gusto niya!" pakiusap ni Angelo na hindi pa rin humuhupa ang galit. Muling humarap siya kay Angela.
"Tell us, Angela. Aminin mo para panagutan ka niya!" sabi ni Angelo na gustong-gusto na talagang saktan ang anak pero hindi niya makakaya kaya napaupo siya sa sofa at napahilamos sa mukha.
"I d-don't know, Dad," mahinang sagot ni Angela kaya napatitig si Angelo sa anak.
"A-Anong ibig mong sabihin, Gel?" Kinakabahang tanong ni Jairah.
"H-Hindi ko po alam kung sino ang ama ng baby ko," mahinang sagot ni Angela at napakagat sa ibabang labi.
"G-Gel? Huwag mo naman akong pahirapan. You're my only daughter kaya nahihirapan ako," pakiusap ni Angelo saka nasuntok ang sofa.
"I--" Napalunok ng laway si Angela saka humagulgol sa pag-iyak. Alam niyang hinihintay ng mga ito ang isasagot niya. "I--I--w-was raped..." Halos pabulong na sagot ni Angela kaya napatayo ang ama. Kitang-kita niya ang pagguhit ng pagkabigla sa mga mata ng ama kaya mas lalong humagulgol siya.
"G-Gel..." usal ng ina na tumutulo ang mga luha kaya mas lalo siyang nagu-guilty sa kasinungalingan. "T-Totoo ba?"
"Sino? Sino ang hayop na gumawa niyon sa 'yo?" Nanginginig ang buong katawan na tanong ni Angelo.
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...