FINALE
Uendited...
"Gela!" tili ni Jairah nang pagbukas ng pinto ay nakahandusay na ang anak sa sahig. "Angelo! A-Angelo si Angela!"
Si Jairoh ang unang pumasok. "Mom--Ate Gela!" sigaw ni Jairoh at walang sabi-sabing binuhat ang kapatid na lupaypay.
"Ano ang nangyari?" Humahangos na pumasok si Angelo.
"D-Dalhin natin siya sa hospital," naiiyak na sabi ni Jairah habang sumusunod kay Jairoh na patakbong bumababa sa hagdan buhat ang kapatid.
Mabilis na tumakbo si Angelo at binuksan ang kotse nang makita ang dugo sa binti ng anak.
"Ipasok mo na ang ate mo!" sabi niya. Mabilis na pumasok din si Jairah sa loob ng kotse.
Pinaharurot ni Angelo ang sasakyan habang ginigising ng mag-ina niya si Angela pero walang senyales na magigising ito kaya nabuhay ang takot sa puso niya. Hindi niya kayang mawala ang anak niya.
Ang bilis lang nang makarating sila sa pinakamalapit na hospital.
Agad na isinugod si Angela sa emergency room at nilapatan ng unang lunas. Mabuti na lang dahil nandoon din ang doctor kaya naagapan si Angela saka inilipat sa private room.
"B-Baby," natarantang sabi ni Jairah nang dumilat ang anak.
Napahawak si Angela sa tiyan. "A-Ang baby ko." Nanghihina siya pero agad natakot nang maalala ang nangyari. Kakatapos lang niyang maligo nang makita ang dugong dumadaloy sa binti kaya nataranta siya at nawalan ng malay dahil sa takot.
"A-Ang b-baby ko..." umiiyak na wika ni Jairah.
"Okay lang siya. Malakas pa naman daw ang kapit kaya huwag ka nang umiyak," pakiusap ni Jairah.
"B-Buhay pa siya, Mommy?" parang batang tanong ni Angela. Ngumiti si Jairah saka hinaplos ang ulo ng nakahigang anak.
"Oo. Ligtas na kayo. Sabi ng doctor, masyado ka lang napagod kaya dinugo ka at biglang nag-collapse."
Nakahinga nang maluwag si Angela habang hinahaplos ang sanggol sa sinapupunan. Kailangan niyang magpakatatag ngayon.
"Pero medyo delikado na ang kalagayan mo dahil sa kaniya kaya kailangan mong mag-ingat," sabi ni Jairah.
"Takot ako, Mom. T-Takot ako ba baka kunin siya ni Lord sa amin ni Dust," humihikbing sabi ni Angela saka pinahidan ang mga luha. Bawal man ang relasyon nila pero ayaw niyang madamay ang bata.
"Tahan na. Magpahinga ka na," malumanay na sabi ni Jairah.
"S-Si Dust? Papasukin ninyo siya," pakiusap ni Angela.
"Wala si Dust," tugon ni Jairah.
"M-Mom? Please, I need him," pakiusap ni Angela.
"Pero hindi siya pumunta. Ne anino niya, wala," sagot ni Jairah.
"Alam kong ayaw ninyo siyang iharap sa akin but I need him, Mom. Lalo na ngayong kailangan namin siya ni Baby," saad ni Angela.
"Pero wala ngang Dust na dumating," giit ni Jairah. Wala naman talaga. Actually, inaasahan nilang susugod ito lalo na't ipinaalam ni Jairoh kay Dust ang nangyari sa kay Gela pero walang Dust na sumulpot.
"No! H-Hindi ako matiis ni Alikabok!" giit ni Angela at babangon na sana pero pinigilan siya ng ina.
"Please, magpahinga ka muna," pakiusap ni Jairah. "Nakakasama sa baby mo 'yan."
"N-Ne hindi man lang ba ako dinalaw ni A-Alikabok?" nagdududang tanong ni Angela.
"Magpahinga ka na. Masyado ka nang napagod, Gela," saway ni Angelo.
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...