Chapter 15
Unedited...
"Drinks?" tanong ni Star kay Angela nang lapitan ito sa gilid ng pool.
"No, thanks," sagot ni Angela at kinuha ang wine glass saka itinaas kay Star.
"So? Wazzup? Pasensiya ka na kung hindi ka namin nahatid ni Moon kanina. May gig kasi ang barkada," paumanhin ni Star saka inilapag ang bote ng alak sa gilid ng pool at isinandal ang likod paharap sa mga kapatid na naliligo.
"Okay lang. Inihatid naman ako ni Dust," sagot ni Angela na napatingin sa pinsang palabas na ng bahay at palapit sa kanila.
"Kumusta kayo ni Tom at Jerry?"
"Break na kami," sagot ni Angela at iniwas ang mga mata nang maghubad ng damit si Dust. Bakit ganito? Hindi naman ganito ang nararamdaman niya noon ah. Hindi na niya kayang tingnan ang katawan ni Dust dahil naiilang siya. Hinarap niya si Star, wala naman siyang nararamdaman para dito.
"So? Sino na naman ang bago ng playgirl kong pinsan?"
"Bago? Wala naman," sagot ni Angela at uminom ng wine dahil natutuyuan siya ng lalamunan nang mapansing palapit na si Dust sa kanila. Why so hot, Dust?
"Himala," ani Star na para bang may himala talaga.
"Hmm? Reserved na ako sa lalaking mapapangasawa ko," sagot ni Angela na bahagyang umurong nang lumusong si Dust at tumabi kay Star.
"Reserved? And who's the lucky man in town?" usisa ni Star.
"Wala pa. Hinihintay ko pa si Future ko. Isa pa, gusto ko na ng seryoso at pang matagalang relasyon," ani Angela.
"Nag-iba ka yata ng motto sa buhay?"
"Nakapag-isip lang," depensa ni Angela.
"Ikaw Dust? May syota ka na ba?" Baling ni Star sa kapatid.
"Bakit? Meron ka na ba, Star? Panay ang tanong mo about sa syota ah," sabi ni Dust kaya tumahimik si Star.
"Meron na ba, Bituin?" usisa ni Star saka hinarap ang pinsang napagitnaan nila ni Dust.
"H-Ha? Wala," tanggi ni Star.
"Meron!" giit ni Angela saka hinampas sa tiyan ang pinsan. "Sino?"
"Wala!" Lalayo na sana si Star pero sabay na hinawakan nina Dust at Angela ang magkabilang kamay niya.
"Mababatukan kita kapag hindi mo aminin!" pagbabanta ni Dust.
"Ba't ba ang kulit ninyo?" naiinis na tanong ni Star sa dalawa na ayaw siyang bitiwan.
"Sino nga?" ulit ni Angela.
"Basta. Diyan lang sa tabi-tabi! Hindi nga kami magkasundo at hindi naman niya ako gusto!" sagot ni Star at sabay na tinulak ang dalawa.
"Kilala ba namin 'to?" napapaisip na tanong ni Dust.
"Mataba ba 'to?" nakangiting tanong ni Angela kaya napatitig si Dust sa kaniya at nagtatanong ang mga mata.
"Makataba ka, akala mo sexy ka ah!" depensa ni Star kaya binatukan siya ni Angela.
"Makadepensa ka naman! Nagtatanong lang eh! Sexy naman talaga ako!" sabi ni Angela.
"Sexy raw. Eh, puro ka buto!" panunuya ni Star.
"Hala ka. May laman kaya ako! Kahit payat ako, may boobs at balakang naman. Umalis ka na nga!" pagtataboy ni Angela kaya mabilis na lumangoy si Star palayo sa kanila.
"Mas sexy pa rin ang chubby!" sigaw ni Star nang makalayo na sa kanila.
"Ulol!" sigaw ni Dust at dumikit kay Angela. "Baby? Swimming tayo?"
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...