Chapter 4

1K 33 0
                                    

SSPG

READ AT YOUR OWN RISK AT BAWAL ANG 18 BELOW.

MAY SENSITIBONG TOPIC NA HINDI  SASANG-AYUNAN NG NAKAKARAMI.

WALANG TWIST HANGGANG DULO.

Chapter 4

Unedited...

"Sana maintindihan mo na kaya ka namin iniwan dahil may exam ka. Ikaw naman ang isinama namin lastime ah," depensa ni Jairah sa anak.

"Okay. Basta may shoes ako okay na," nakangiting sabi ni Angela.

"Oh, bulaklak!" naiinis na sabi ni Angelo at inilapag sa center table ang bitbit na bulaklak. "Sino si Tom?"

"Boyfriend ko," sagot ni Jairah at ipinatong sa table ang mga paa pero hinampas ng ina kaya muli niyang inilapag sa sahig.

"Again? Hindi mo ba talaga titigilan ang pagiging playgirl mo?" singhal ni Angelo na atakihin yata sa puso. Parang lastweek lang, iba pa ang boyfriend nito.

"Saan pa ba 'yan magmamana?" sabat ni Jairah na kahit siya, napagod na sa kakasaway kay Angela.

"Lalaki ako at nagbago na ako," depensa ni Angelo. For Pete's sake, babae ang anak niya.

"So? Kapag babae, wala nang karapatang magloko? Kayong mga lalaki na lang?" nakataas ang kilay na tanong ni Jairah sa asawa.

"Hindi a. Ang point ko, paano kung mabuntis ang anak natin?" sagot ni Angelo na gustong itali na lang si Angela.

"Hmp! Virgin pa po ako, Daddy. Virgin!" giit ni Angela at tumayo. Bakit ba? Kapag may boyfriend, sex agad? Hindi ba puwedeng holding hands lang?

"Subukan mo lang na mabubuntis nang maaga at mapapatay talaga kita!" seryosong pagbabanta ni Angelo at pinagmasdan ang mukha ng anak. Slim si Angela, fair skin, mahaba ang sinadya nitong ipakulot na buhok, medyo malalim ang mga mata at higit sa lahat, pouty lips na namana sa kaniya. Unang kita pa lang niya sa anak noon, sigurado na siyang anak niya ito. Mas kamukha kasi niya ito kaysa sa bunso nila. Bilang ama, natatakot siya para kay Angela. Maganda nga ito pero napakapasaway. Unang tingin, akala mo ang bait-bait na tila isang anghel dahil sa maamong mukha pero kapag tumagal, sasakit ang ulo mo. Salamat na lang dahil may mga pinsan itong natatakbuhan. Malaki rin ang tiwala niya sa galaxy team nina Sky at Taira.

"Virgin pa nga po ako." Angelo rolled her eyes. Mahirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak.

"Where are you going?"

"To school," sagot niya saka lumabas na ng bahay.

Ang red car niya ang dinala niya para terno sa damit at bag. Trip lang niya.

May thirty minutes pa siya kaya dumiretso muna siya sa library. Pagkapasok pa lang niya, agad na nahagip na ng mga mata si Samantha na nakaupo sa malapit sa bintana. Pabayaan lang sana niya pero nakita niyang lumapit si Jerry sa harapan nito.

"Well, well, well. Kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga," mahina pero puno ng panunuya na sabi niya nang makalapit sa dalawa.

"G-Gela," sambit ni Jerry na nataranta nang makita siya. "M-Maupo ka."

"Huwag na!" pagmamatigas ni Angela at kay Samantha tumingin. "Huwag mong sabihing si Jerry ang dahilan kaya mo hiniwalayan ang pinsan ko?"

Naguguluhang tiningala ni Samantha si Angela. Clueless siya sa sinasabi nito.

"Gel? We're just friends. Magkaklase kami kaya balak kong magpatulong sana sa kaniya," agad na depensa ni Jerry.

"I'm not talking to you, daga!" naiinis na sabi ni Angela at kay Samantha pa rin ang mga mata. "May relasyon kayo?"

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon