14

932 33 0
                                    


Chapter 14

Unedited...

"Star? Hatid mo 'ko," nakalabing sabi ni Angela nang lapitan sina Star at Moon.

"May pupuntahan kami ni Star," sabat ni Moon.

"Bakit kayong dalawa lang, Bituin at Buwan?" tanong ni Angela.

"Kasi hindi kami mag-abutan nina Araw," sagot ni Moon kaya natawa si Angela.

"Sige na, wala akong sundo. Ayaw ni Daddy na ipadala ang kotse sa akin," pamimilit ni Angela.

"Gel? May pupuntahan talaga kami. Male-late kami kapag ihatid ka pa namin," tanggi ni Star. May gig ang barkada kaya dapat after 30 minutes ay nandoon na sila.

"Oh, ayan si Dust. Sa kaniya ka na lang magpahatid," sabi ni Star nang makitang palapit si Dust.

"Anong meron?" tanong ni Dust.

"Wala ka namang gagawin, 'di ba? Hatid mo nga si Angela sa bahay nila," sabi ni Moon kaya napakamot si Dust.

"Ayaw kong sumama kay Dust. Bakit ba siya na lang parati? Kayo ba?" sabat ni Angela.

"May pupuntahan nga kami. Kung wala lang, walang problema," depensa ni Moon.

Lumapit si Dust sa kotse saka sumakay at binuksan ang engine. Binuksan niya ang bintana at sinilip si Angela.

"Sakay na. Kung ayaw mo, iiwan na kita."

"Kay Jerry na lang ako magpapahatid," sabi ni Angela kaya nagkatinginan sina Moon at Star.

"Sumakay ka na kay Dust. Kung hindi, isusumbong ka namin kina Tito Angelo," pananakot ni Moon.

"Pakitawag kay Daddy na si Dust ang maghahatid sa akin dahil may gig kayo," mataray na sabi ni Angela na sinusubukang lumapit sa kotse ni Star pero hinarangan siya ni Moon.

"Fine. Nagmamadali kami e!" naiinis na pagpayag ni Star saka kinuha ang cellphone at tinawagan ang ama ni Angela.

"Sumama ka na kay Dust." Utos ni Moon.

"Oo na! Nakakainis kayo!" Napipilitang sabi ni Angela saka padabog na sumakay at naupo sa tabi ni Dust.

Pinaandar na ni Dust ang kotse.

Nang palabas na sila sa gate, malakas na tumawa si Angela.

"Best actress ka talaga," natatawang sabi ni Dust.

"Ako pa," pagmamalaki ni Angela saka kinindatan ang kasintahan.

"Happy? Happy?" ani Dust.

"Happy," malapad ang ngiting sagot ni Angela. "I'm always happy when I'm with you, Alikabok."

"Saan mo gusto?" tanong ni Dust na hindi alam kung saan dadalhin si Angela.

"Sa lugar na kung saan puwede tayo," sagot ni Angela. Sa loob ng dalawang linggo, nasanay na sila sa sitwasyon nila. Nandoon na rin ang acceptance na bawal sa iba ang pag-iibigan nila. Minsan, tinatawanan na lang nila at binibiro ang estado ng relasyon.

"Gusto mong mag-dinner muna tayo?" tanong ni Dust.

"As you wish," sagot ni Angela.

"Okay," sabi ni Dust at dinala siya sa isang mamahaling restaurant.

"Reservation for Mister Dust Villafuerte," sabi ni Dust nang salubungin sila ng waiter.

"This way, sir," sabi ng waitee at iginiya sila sa VIP room.

"Reservation? Nagpa-reserve ka na?" tanong ni Angela na nakatingala sa kasintahang nakaakbay sa kaniya.

"Alam ko kasing sasabay ka sa akin sa pag-uwi," nakangiting sabi ni Dust at hinila ang upuan para sa dalaga.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon