31

1.1K 27 0
                                    


Chapter 31

Unedited....

"A-Alikabok," humihikbing wika ni Angela at niyakap ang kasintahan.

"Tahan na, Gel. Huwag ka nang umiyak. Makakasama sa baby natin 'yan," pakiusap ni Dust at niyakap si Angela.

"A-Ayaw ko nang bumalik sa amin," sabi ni Angela saka isinubsob ang mukha sa malapad na dibdib ni Dust. "Dalhin mo na ako sa malayong lugar. "D-Doon na tayo bubuo ng pamilya natin. Iyong walang nakakakilala sa atin."

"Gel? Hindi natin ito matatakasan. Pamilya mo pa rin sila at malulungkot sila kapag mawala ka," mahinahong sabi ni Dust saka hinalikan ito sa bumbunan.

"P-Pero hindi naman nila ako mahal. M-Mas mahalaga pa sa kanila ang iisipin ng ibang tao kaysa sa mararamdaman ko," sagot ni Angela kaya napabuntonghininga si Dust at hinimas ang likod ng kasintahan para kahit paano, maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"H-Hindi natin sila masisisi, Gel," malungkot ma saad ng binata saka inilayo ang katawan ni Angela sa katawan niya at pinahidan ang mga luha nito.

"We cannot force them to accept us," ani Dust.

Tumayo si Angela at dumungaw sa bintana. Natatanaw niya ang malawak at tahimik na karagatan. Nandito sila sa resort nina Samantha. Ito ang pinakahuling lugar na maisip ng magulang niyang pagtaguan nila dahil kaaway ng mommy ni Dust ang mommy ni Samantha.

Napasulyap siya sa mga kamay ni Dust na pumulupot sa bewang niya.

"Pansamantala muna tayong titira dito, Gel," bulong ni Dust matapos ipatong ang baba sa kanang balikat ng dalaga.

"Kahit saan basta forever tayong magkakasama," ani Angela saka humarap kay Dust. "Nanlalalim na ang mga mata mo, ang pangit mo na."

"Hindi na ba ako pogi sa paningin mo?" tanong ni Dust saka hinapit si Angela sa bewang.

Tumango ang dalaga, "Oo, ang pangit ko na sa paningin ko."

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ni Dust kaya natawa ang dalaga.

"Mahal kita kahit na pangit ka."

Napangiti si Dust at pinagmasdan ang magandang mukha ng kasintahan.

"Kasi magaling ka sa kama," nakalabing dagdag ni Angela.

"Iyon pala 'yon," ani Dust.

"Kyaah! Alikabok," tili ni Angela nang buhatin siya ni Dust at maingat na inilapag sa kama.

"Ipapakita ko sa 'yo kung gaano ako kagaling," tukso ni Dust at tumayo saka hinubad ang tshirt.

Napalunok si Angela habang pinagmamasdan ang binatang nagmamadaling maghubad ng damit sa harapan niya. Ang pogi nito at ang hot pa. Kaya ang daming nagkakandarapang babae rito e.

"Like what you see?" nakangising tanong ni Dust nang mapansing nakatitig ang kasintahan sa katawan niya.

"Medyo pumayat ka na," sabi ni Angela. Halatang bumagsak ang katawan ni Dust pero may abs pa naman.

"Katawan lang pero hindi ang ano ko," nakangiting sabi ni Dust at tuluyang ibinaba ang huling saplot. "Miss me?"

Tumango si Angela na hindi inaalis ang mga mata sa ano ni Dust. It is her favorite spot.

"Gusto kong makalimot, Alikabok," sabi ni Dust.

"My pleasure," sabi ni Dust at lumapit kay Angela saka maingat na inihiga ito.

Agad na tinugon ni Angela ang halik ng binata hanggang sa pinaubaya na niya ang lahat kay Dust dahil bawal daw siyang magpagod dahil sa baby nila.

--------------------

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon