28

759 35 3
                                    

Chapter 28

Unedited...

"Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kayo nagpatawag ng meeting?" Naguguluhang tanong ni Sky nang maupo sa silya katabi ng asawa. Nasa harapan niya ang mag-asawang Tyron at Aira. Nasa kanan naman ni Tyron sina Angelo at Jairah na hindi maipinta ang mukha.

Kakagaling lang niya mula sa Japan at wala siyang idea sa mga nangyayari. Basta bago lang siya umalis ng Pilipinas noong isang araw, nararamdaman na niyang may problema dahil sa pananahimik ng asawa.

"Babymine? Ano ang nangyari? Bakit parang may namatay?" pabulong na tanong ni Sky sa katabing asawa.

"Mabuti at dumating ka na, Sky," seryosong sabi ni Skyler na nasa tabi ng asawang si Kimberly.

"Oo nga po eh," sagot ni Sky na napasulyap sa mga kaharap. Bale ang nasa kanan ng mesa ay silang Villafuerte at sa kaliwa naman ay ang mga Rodriguez.

"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni Skyler. Sina Angelo at Jairah ang nagpatawag ng meeting pero wala silang idea kung ano at para saan ang pagpupulong at kung bakit sila lang ang pinatawag?

Napasulyap si Taira sa kakambal na hindi kumikibo at nanlalalim ang mga mata. Naunawaan niya ito pero wala siyang magagawa. Kahit si Dust, hindi rin siya kinakausap kaya hindi niya alam ang tunay na nangyayari.

"Buntis si Angela," seryosong panimula ni Angelo at naikuyom ang kamao.

Halatang nabigla ang apat na matatanda lalo na si Tyron.

"What?" bulalas ni Tyron at napahampas pa sa mesa. "Paano nang--"

"She was raped, Dad," sabat ni Jairah at sinamaan ng tingin ang kakambal na kaharap.

Wala sa sariling napaupo si Tyron na hindi makapaniwala sa narinig. Kahit si Skyler, nagulat din sa nalaman.

"S-Sino ang walang hiyang gumawa niyon sa apo ko? Sino?" mahina pero puno ng poot na tanong ni Aira.

Inosenteng napakunot ang noo ni Sky nang masamang tiningnan siya ni Angelo.

"Si Dust!" Sumbong ni Angelo kaya natahimik silang lahat.

"Kapangalan pa ng apo ko ang hayop na rapist!" Galit na sabi ni Skyler. "Ano ang address at papatayin namin ni Tyron! Tayo pa talaga ang kinalaban niya, ha!" Nanggigigil na dagdag ni Skyler. Walang sino man ang puwedeng mang-alipustangan sa pamilya niya o sa kamag-anak ng matalik niyang kaibigan.

"Sasama na rin po ako, Dad!" Sabat ni Sky na parang susugod na rin sa giyera ang hitsura.

Napayuko si Taira at napakagat sa ibabang labi. Hinawakan niya ang kamay ni Sky para kumalma naman ito at manahimik.

"Si Dust Villafuerte. Siya ang gumahasa kay Angela. Ang hayop na pinsan niya ang gumahasa sa kaniya at ngayon ay bumuntis sa kaniya!" Puno ng hinanakit na sumbong ni Angelo kaya parehong napanganga ang mag-amang Villafuerte. Si Skyler ay napatingin kay Tyron at si Sky naman ay kay Angelo.

Halos isang minuto ang katahimikang namayani sa buong conference room ng mga Rodriguez.

"T-Tama ba ang pagkakarinig ko?" mahinang tanong ni Tyron na nanginginig ang buong katawan sa galit.

"O-Opo, Dad," umiiyak na sabi ni Jairah.

"No! Hindi magagawa ng anak ko 'yan!" Madiing pagtutol ni Taira kaya nahampas ni Jairah ang mesa dahil sa galit.

"Huwag mong pagtakpan ang hayop na anak mo! Inamin na ni Dust ang totoo!"

"Hindi pa rin ako naniniwalang ginahasa niya si Angela! Kilala ko ang anak ko!" Depensa ni Taira. Bahala na kung mag-aaway silang magkambal pero sa sitwasyon nila, hindi niya hahayaang mapahamak ang anak niya.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon