Chapter 30
Unedited...
"A-Aray!" Daing ni Angela dahil kulang na lang ay ilampaso siya ng ama sa sahig.
"Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na bawal kang lumabas sa kuwarto mo?" nanggigigil na sabi ni Angelo.
"Ayaw ko sa kuwarto ko, Dad. H-Hindi ako alipin. H-Hindi ako preso. Anak ho ninyo ako," naiiyak na sabi ni Angela at pinahidan ang mga luha. "K-Kailan mo ba ako maiintindihan?"
"Kami ba? Inunawa mo? Ginusto mo ito puwes, magdusa ka!"
"G-Ginusto ko ito kaya paninindigan ko!" matapang na sagot ni Angela at hinila ang kamay nang malapit na sila sa hagdan. "Mahal ko si Dust at siya lang ang mamahalin ko habambuhay!"
Napasabunot si Angelo sa buhok. "Hindi mo ako naiintindihan, Gela!"
"Naiintindihan kita, Dad. P-Pero sana intindihin mo rin ako. Nagmamahalan kami ni Alikabok."
"Subukan mong mahalin si Jerry dahil siya an nararapat sa 'yo. Kalimutan mo na ang nangyari sa nakaraan kung tanggap ka lang din naman niya. Malapit na ang kasal ninyo kaya huwag mo akong biguin, Gela!"
Naikuyom ni Angela ang kamao at tiningala ang ama para salubungin ang mga mata nitong para sa kaniya'y mga mata ng demonyo.
"Mabibigo ka lang dahil kahit isang milyong ulitin ng pari ang tanong kung tinatanggap ko ba siya bilang asawa, 'hindi' ang isasagot ko!" matapang na sabi ni Angela kaya halos ibaon na ni Angelo ang mga kuko sa magkabilang braso niya.
"Makinig ka, Angela! Susundin mo ang gusto ko o isusumpa kita!"
"Mahal ko si Dust! Gusto ko siyang makasama at I love fucking him! Sa kaniya lang ako magpapakasal at kahit na patayin mo ako--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya matapos siyang bitiwan ng ama pero hindi siya nagpakita ng kahinaan. Bagkus, matamis na ngumiti siya sa ama.
"K-Kung iyon ang nakakagaan sa loob mo, saktan mo pa po ako. Kung i-iyan ang kaparusahan ko sa pagkakamaling nagawa ko, buong puso kong tatanggapin. Pero Dad, huwag mo akong diktahan kung sino ang mamahalin ko at gustong makasama habambuhay. Stop torturing me. S-Sorry but you're not my hero anymore..." luhaang sabi niya saka mas lalong umagos ang mga luha. "You turned into a monster."
She adores her father so much. Mula nang bata pa siya, palagi niyang ibinibida sa mga kaibigan na may guwapo at mabait na ama siya. Pero ngayon, iba na ito. Ibang-iba na kaysa sa dating hinahangaan niya.
"B-Bumalik ka na sa silid mo," mahinang sabi ni Angelo na na-guilty sa nagawang pagsampal sa anak. Hindi na niya napigilan ang galit kaya nagawa niya iyon. Gusto niyang humingi ng tawad pero hindi kaya ng pride niya.
Napatingala siya sa anak na pumanhik sa itaas. Mahal na mahal niya si Angela at ayaw niyang maranasan ang panghuhusga ng nakapaligid dito pero ano ang magagawa niya? Kung puwede lang ibalik niya ang nakaraan para itama ang pagkakamali ng anak. Nanghihinang naupo siya sa sofa at napahilamos sa mukha. Sobrang gulo ng utak niya.
"Hindi mo siya dapat sinaktan."
Napatingala siya kay Jairah na nakatayo sa harapan niya.
"I-I'm sorry," paumanhin ni Angelo at hinawakan ang kanang kamay ng asawang naupo sa tabi niya.
"Saan tayo nagkulang?" malungkot na tanong ni Jairah.
"What the fuck are you doing here?" bulalas ni Angelo nang makitang papasok sina Skyler at Sky.
"Gumalang ka nga sa daddy ko," sabi ni Sky.
"Paano kayo nakapasok?" tanong ni Angelo.
"Binuksan ng katulong ang gate!" naiinis na sagot ni Skyler.
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...