chapter 6

968 38 0
                                    


Chapter 6

Unedited...

"Bakit ka nandito?" tanong ni Dust nang pagbaba niya ay kumakain ng ice cream sa sala sina Angela at Ash.

"Hindi ba ako welcome? Bahay ko rin naman 'to," nakasimangot na sagot ng dalaga. Parang tahanan na nga niya ito dahil madalas siyang nakawin ni Sky noong bata pa siya kaya madalas din na nag-aaway sina Sky at Jairah.

"Kuya? Kain po tayo," yaya ng bata kay Dust.

"Busog pa ako. Isa pa, ang aga pa para mag-ice cream," sagot ni Dust at dumiretso sa kusina at nagpatimpla ng kape.

Pagbalik ni Dust, wala na si Ash. Nasa labas na at nakipaglaro kina Moon.

"Pengeng kape," pabebe na sabi ni Angela.

"Alam ba ni Tita Jai na nandito ka?"

"Naman. Bored ako sa bahay," sagot ni Angela at umusod para magkatabi sila ni Dust. "Gusto ko ng kape. Akin na lang 'yan."

"Ano pa ang gusto mo?" naiinis na tanong ni Dust nang kunin ng pinsan ang pinatimpla niyang kape.

"Shoes, bags and chocolates. Iyong imported," sagot ni Angela habang hinihigop ang kape ni Dust.

"Magpabili ka sa daddy mo!"

"Ayaw niya akong ibili."

"E di sa syota mo."

"Break na kami ni Tom at break na rin kami ni Jerry."

Napatingin si Dust sa ama na kakababa lang sa hagdan.

"Mabuti at napadalaw ka, Gel," sabi ni Sky na may bitbit na paperbag.

"Daddy, Sky? Pasalubong ko?" biro ni Angela. Galing kasi sa Paris si Sky.

"Oo. Ipadala ko sana kay Star kaso nandito ka naman pala."

"Kyah! Really?" tili ni Angela at tumayo saka kinuha ang paperbag.

"Puwede ba kitang makalimutan?" nakangiting wika ni Sky. Si Angela ang unang batang babae na tinuring niyang parang anak kahit na ilang beses siyang pinagbintangan ni Jairah ng kidnapping.

"Oh my! Thank you," pasalamat ni Angela at niyakap si Sky nang makita ang LV bag.

"Nakakatampo naman," nagtatampong sabi ni Moon nang pumasok. Wala kasing pasalubong ang ama para sa kanilang mga lalaki. Paano, marami raw sila kaya mamumulubi ang ama.

"Dad? Pupunta pala kami sa party ng kaklase namin mamayang gabi," paalam ni Star na papasok.

"Nagpaalam pa kayo," ani Sky. Kahit hindi naman siya papayag, tatakas naman ang mga ito kaya wala ring silbi ang pagpaalam nila.

"Para alam mo naman po kung saan kami pumupunta," magalang na sagot ni Dust.

"Bahala kayo!" ani Sky saka lumabas para lapitan si Ash sa swimming pool.

"Sama ako," excited na sabi ni Angela kaya nagkatinginan ang mga pinsan.

"Bawal," sagot ni Moon. Napapahamak sila kapag may dalang babae lalo na itong si Angela.

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto ninyo!" pagmamatigas ni Angela. May sasakyan siya kaya hindi siya mapipigilan ng mga pinsan.

"Hindi nga puwede!" tanggi ni Star.

"Magpapakabait ako, promise." Pangako ni Angela.

"Umuwi ka na nga!" pagtataboy ni Dust kaya sinamaan ito ng tingin ni Angela.

"Fine! Pero pupunta ako sa party. Magtatanong ako sa classmates ninyo kung ano ang address," determinadong sabi ni Angela saka lumabas na. Lingid sa kaalaman ng mga pinsan, magkikita sila ni Jerry. Kahit paano, nami-miss na niya ang ex-boyfriend.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon