A/n:Im not saying na this is okay! Kasi mali talaga sa tingin ng halos lahat. Ang gusto kong iparating is mali siya, hindi siya okay pero nangyayari siya sa totoong buhay! Kumbaga, it exists!
WAG tularan but let us respect sa kanila o sa ibang religion na okay ang ganito!
Habang maaga, iwasan ang dapat na iwasan!
Chapter 17
Unedited...
"Isasama po namin si Angela kung okay lang po sa inyo," pagpaalam ni Star na lingid sa kaalaman ng mag-asawa, napilitan lang ito.
"Basta ba alagaan ninyo ang anak ko. Alam naman ninyo kung gaano kapasaway si Angela," pagpayag ni Angelo. Noong isang araw pang nagpapaalam ang anak pero nagdadalawang isip siya kung papayagan ba niya ito dahil baka mamaya, kung kani-kanino lang sasama.
"Sa resort lang naman po barkada namin," sagot ni Star na lihim nananalangin na sana ay huwag pumayag si Angela. Paano, iniyakan sila kanina sa bahay kaya siya na ang sumama para ipaalam ito.
"Bukas na ba 'yan?" tanong ni Jairah na inilapag ang juice at buko salad sa harapan ni Star. "Magmerienda ka muna, Star."
"Actually, mamayang hapon na po kami aalis. Two days lang naman kami roon," sagoy ni Star.
"Basta bantayan ninyong maigi si Angela at kapag may lalaking umaaligid sa kaniya, ilayo na ninyo kaagad," bilin ni Angelo. Okay lang sana kung lalaki si Angela dahil kahit anong gawing paglalandi, buo pa rin ito. Eh, si Angela? Babae ang anak niya kaya gusto lang niyang mag-ingat.
"Ayaw mo talagang balikan ng kapalaran ang anak mo dahil sa kalokohan mo sa mga babae mo noon?" nakataas ang kilay na sabi ni Jairah. Paano, kahit nabulag si Angelo, babaero pa rin. Naging saksi pa nga siya noon e.
"Haist! Gusto ko lang makasigurado. Ang daming manlolokong lalaki sa mundo," sabi ni Angelo.
"Sige na po, mag-aayos lang ako ng gamit, Dad. Salamat sa pagpayag," excited na paalam ni Angela at tumakbo papunta sa kuwarto para ayusin ang mga gamit.
Ala una nang makabalik sila sa bahay ng mga Villafuerte at sila na lang ang hinihintay. Isang van lang ang dala nila at si Moon ang nagmaneho.
"Hindi ba sasama si Clouds?" tanong ni Angela na sa backseat pumasok at tumabi kay Dust.
"Alam mo namang buntot na 'yon ni Seola," sagot ni Matter na nasa tabi ni Moon sa unahan. Sa gitna ay sina Star at Sun.
"Okay, to Cavite na!" tili ni Angela at itinaas ang dalawang kamay pero agad namang pinababa ni Dust.
"Puwede bang matulog muna ako? Pakigising na lang kapag nasa resort na tayo," pakiusap ni Angela.
"Bahala ka. Tumahimik ka na nga," saway ni Moon na hindi makapag-concentrate sa pagmaneho dahil sa bunganga ni Angela.
"Okay," parang batang sabi ni Angela. "Payakap ako, Dust."
Hindi umimik si Dust at hinayaan lang si Angela na yakapin ang braso niya at isinandal nito ang ulo sa balikat niya saka ipinikit ang mga mata.
Tinakpan ni Dust si Angela ng manipis na kumot para makatulog ito nang mahimbing.
"Inaantok ka?" mahinang tanong ni Dust saka humarap kay Angela saka inilipat ang ulo sa dibdib niya. Tumango si Angela at mas isiniksik ang mukha sa malapad na dibdib ni Dust. Napangiti siya nang maramdaman ang mabilis na paghalik ni Dust sa forehead niya.
Matapos ang dalawang oras na pagbiyahe, nasa private resort na sila ng kaibigan nila sa Cavite.
"Baby? Gising na," bulong ni Dust dahil sila na lang ang naiwan sa van.

BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...