Chapter 22
Unedited...
"Basta ayaw ko nang makitang kasama mo si Samantha," naiinis na sabi ni Angela.
"Okay. Pero promise mo, 'wag ka na ring sumama pa kay Jerry, okay?"
"At bakit naman?" Nakapamewang na tanong ni Angela. "We're friends."
"Dahil ex mo siya at nagseselos ako," sagot ni Dust.
"Now, you know. Alam mo na ang pakiramdam ko sa tuwing makita ko kayo ni Samantha," nakasimangot na sabi ni Angela at naupo sa tabi ni Dust. "Natulog ka ba kagabi? Bakit ang laki ng eyebags mo?"
"Hindi," pag-amin ni Dust.
"Ha? Bakit?"
Ngumiti si Dust at pinagmasdan ang magandang mukha ni Angela. Inangat niya ang kanang kamay at masuyong hinaplos ang malambot na pisngi ni Angela.
"D-Dust? May problema ba?""W-Wala," sagot ng binata at nginitian ang dalaga. "Buong gabi ko lang pinagmasdan ang mukha ng baby ko."
"Hmm? Kaya pala ang sarap ng tulog ko," nakangiting sabi ni Angela at niyakap si Dust saka tumingala sa binata at sinalubong ang mga labi nito.
"Uuwi ka ba ngayon?" tanong ni Dust matapos ang halikan at niyakap si Angela.
"Sasama ako sa bahay ninyo. Gusto kong kumain ng luto ni Tita Taira," sagot ni Angela at inamoy ang mabangong dibdib ni Dust. Para itong baby.
"B-Baby? Umuwi ka na lang kaya? Baka hinahanap ka na ng daddy mo," sabi ni Dust kaya humiwalay si Angela.
"Ayaw mo ba akong makasama sa bahay ninyo? May pupuntahan ka na naman ba?" Hindi na maipinta ang mukha ni Angela.
"H-Ha? Hindi a. K-Kasi--ang tagal mo nang hindi nakauwi. Baka kako na hinahanap ka na nila," sagot ni Dust.
"Tumatawag ako kay Daddy at alam niyang nandito lang ako sa condo ko," sagot ni Angela at pinagmasdan ang guwapong binata.

"Pero ayaw pa rin nating bigyan sila ng hinala," pangungumbinse ni Dust. "Paano kung magpaimbestiga sila kung sino ang karelasyon mo? Patay tayo, Gel."
"Bakit bigla ka yatang naging matakutin?" tanong ni Angela at pinag-aralan ang mukha ng kasintahan.
"Wala ah. Kailangan lang nating mas maging maingat, Gel. Aaminin ko,hindi pa ako handa. Hindi pa tayo handa kapag malaman ng lahat na may relasyon tayo. Paano na lang kung isumpa nila tayo? Saan tayo kukuha ng pagkain at renta sa bahay? We're not ready, Gel. So please, hanggat kaya, sana itago muna natin," mahabang paliwanag at pakiusap ng binata. Mas safe sila kapag huwag muna makarating sa parents nila.
Nakatitig lang si Angela sa kasintahan at walang namutawing salita sa mga labi nito kaya madiing hinawakan ni Dust ang magkabilang balikat ng dalaga.
"Baby? Sana maisip mo na para din naman sa atin ito. Please, unawain mo naman ako," pakiusap ni Dust.
"Okay," naka-pout na pagpayag ni Angela. "Uuwi ako mamaya pero kiss muna."
Napangiti si Dust saka hinapit sa bewang ang dalaga at hinigit palapit sa kaniya.
"G-Gel..." usal niya nang naglakbay ang mga kamay ni Angela. Ang kaliwa ay pumasok sa tshirt paakyat sa dibdib niya at ang kanan ay pababa naman sa boxer shorts niya.
"Pa-charge muna bago ako uuwi," pilyang sabi ni Angela kaya natawa si Dust.
"Alam mo? Isa kang malaking tukso sa pagkalalaki ko," sagot ni Dust saka nagulat nang itulak ni Angela pahiga sa couch.

BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...