Epilogue/Special Chapter
Unedited...
"Dalawang buwan na lang, manganganak na 'ko. Isisilang na kita," bulong ni Angela at hinaplos ang malaking tiyan. Babae ang anak nila ni Dust at sobrang saya niya.
Nakaupo siya sa mahabang bench sa hardin at pinagmasdan ang puting paru-paro na palipat-lipat sa mga bulaklak.
"Kumusta na kaya ang ama mo?" tanong ni Angela saka napangiti. "Paniguradong may iba na siya."
Si Dust pa. Isa itong Villafuerte kaya hindi na siya aasang mananatili itong tapat sa kaniya lalo na't ilang buwan na silang hindi nagkikita at wala na siyang balita pa rito. Iniiwasan na rin niya ang iba pa nilang pinsan kahit na tanggap naman ng mga ito ang nangyari.
"Ate Angela, gusto mo ng cake?" tanong ni Maddie na may bitbit na plato.
"Huwag na," tanggi ni Angela. Tumataba na nga siya tapos kakain pa siya ng matatamis?
Naupo si Maddie sa tabi niya.
"Ate? Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang," tipid na sagot ni Angela saka hinimas na naman ang tiyan.
"Excited na ako sa magiging baby mo. Siguro maganda," excited na sabi ni Maddie.
"Sabi nila, abnormal daw," malungkot na sagot ni Angela.
"Naku! Huwag kang maniwala sa kanila."
"Ganiyan naman kapag magpinsan eh, nagiging abnormal ang anak," ani Angela. Napalingon siya sa pinsan nang sapakin siya nito.
"Hindi lahat ng magpinsan, ganiyan! Mga Hindu at Muslim, puwedeng mag-asawa at okay naman ang anak nila. Alam mo, kung para sa 'yo ang baby na 'yan, ibibigay sa 'yo ni God 'yan. Marami ang abnormal na bata dahil tinangkang ipalaglag ng ina nila. Pero ikaw, inalagaan mo siya at binuhay kahit na husgahan ka ng mga tao kaya ibe-bless kayong mag-ina ni God," mahabang sabi ni Maddie para bigyan ng lakas ng loob si Angela.
"Hindi ka ba galit sa akin, Madz?"
"Ba't naman ako magagalit sa inyo ni Kuya Dust? Alam ko namang mahal ninyo ang isa't isa. Mas okay nga 'to kaysa sa maglokohan lang kayo. Pero sigurado akong seryoso si Kuya Dust sa 'yo."
"Noon 'yon," nakasimangot na sabi ni Angela. "Hindi na ngayon," dagdag niya at napabuntonghininga.
"Malay mo, sa bandang huli, kayo pa rin."
Humarap si Maddie kay Angela. "Ate? Paano kaya kapag magkita kayo muli ni Kuya Dust? Tapos may kasama na siyang iba tapos ikaw, may iba ka na rin? Ano kaya ang magiging reaksiyon mo?"
"Hindi mangyayari iyon. Iiwas 'yon at iiwas din ako. Isa pa, hindi na ako mag-aasawa," sagot ni Angela. Bahala na si Dust pero siya, ayaw na niya. Nakakapagod na rin naman magmahal. Sapat na ang minsa'y naging masaya siya sa piling ng lalaking minahal niya.
"Nasabi mo lang ngayon. Nandiyan naman si Kuya Jerry," tukso ni Maddie.
"We're just friends," she rolled her eyes. Magkaibigan na lang talaga sila ni Jerry. Okay naman sa binata dahil nagkabalikan daw sila ng first love nito.
"Si Kuya Dust talaga ang gusto mong makatuluyan. Aminin mo, hanggang ngayon, umaasa ka pa rin na balikan ka niya," tukso ni Maddie.
"Pumunta ka lang ba rito para kulitin ako?"
"Oo, buntis. Wala kasi sina Aron at Mandy sa bahay," sabi nito na ang tinutukoy ay ang mga magulang. "Ang corny ng parents ko. Uto-uto naman ang daddy ko. Si Mommy, ang taray na akala mo, ipinaglihi sa sama ng loob. Ang weird ng family ko," daing ni Maddie.
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...