Chapter 5
Unedited...
"Gel? Pakisabi kay Tita Taira mo na padalhan ako ng leche flan niya," bilin ni Jairah. Nag-send kasi ang kakambal niya ng picture ng leche flan kaya natakam siya.
"Pumunta ka na lang kaya sa kanila? Hindi ako dadaan do'n!" nakasimangot na sagot ni Angela.
"Akala ko ba, dadaan ka mamaya?"
"Ayaw ko. Galit si Alikabok sa akin," parang batang sumbong ni Angela.
"Sino ba ang hindi maiinis sa ugali mo? Magbago ka na nga," payo ni Jairah. Nang ipinagbubuntis niya si Angela, hindi naman siya suplada noon a. Nagiging mabait naman siya at palangiti dahil wala noon si Angelo sa buhay nila pero heto pa ang kinalabasan. Tama nga sila, kapag mabait ang bata, nagiging salbahe ito sa bandang huli. O baka sa anak lang niya ang kasabihang iyon?
"Mabait naman ako. Hindi lang ninyo ako naiintindihan. Pero mommy? Galit talaga si Alikabok sa akin. Hindi niya ako pinapansin," sumbong na naman ni Angela.
"Bahala kayo sa buhay ninyo. Tinitiis ka lang ng galaxy kasi magpinsan kayo."
"Ang hard mo," ani Angela saka kinuha ang bag at humalik sa pisngi ng ina.
Pagdating niya sa paaralan, nakasalubong niya si Jerry.
"Gel? Usap tayo, puwede?" tanong ni Jerry.
"Ano?"
"Mahal kita. Alam kong nagkamali ako sa bar pero lasing ako that time. Nasaktan lang ako," paliwanag ni Jerry at umaasang maunawaan siya ni Angela.
"Break na tayo."
"Gel naman. Just give me a chance," pagmamakaawa ni Jerry na kulang na lang ay lumuhod sa harapan ng dalaga. "Ilang days pa lang pero sinagot mo na kaagad si Tom."
"Break na kami ni Pusa," sagot ni Angela.
"So? May chance na ako sa 'yo?" puno ng pag-asang tanong ni Jerry.
"Tumabi kayo sa daan!"
Napalingon si Angela kay Star, Dust at Moon.
"Sa hallway pa talaga ako magliligawan?" nakangising tanong ni Moon.
Napasulyap si Angela kay Dust. Hindi ito nakatingin sa kaniya. Mukhang galit pa ang pinsan.
"Hindi ako nagpapaligaw!" nakasimangot na sabi ni Angela at inirapan ang tatlong pinsan saka nilagpasan si Jerry. Ayaw niyang masira ang umaga niya ng mga lalaki sa mundo. Mas mainam pang mag-isa na lang siya. Gulo lang talaga ang dala ng mga lalaki sa buhay niya.
Ayun, nag-concentrate na lang siya sa pakikinig sa teacher nila. Nang mag-second subject na sila, lumipat sila sa kabilang classroom. Nakasalubong niya sina Samantha at Jerry. Hindi naman magkasama ang dalawa pero magkaklase ang mga ito.
"Samantha!" tawag ni Angela nang magkasalubong sila.
Tumigil si Samantha. "Bakit?"
"Puwede bang makausap ka? Last na 'to," tanong niya.
"Sige," pagpayag ni Samantha at sinundan si Angela sa rooftop. Mula nang makausap niya ito sa canteen at pagbantaan siya, hindi na niya ito muling nakausap pa.
Pagdating nila sa rooftop, isinara ni Angela ang pinto para makausap nang masinsinan si Samantha. Siguro dahil gusto niyang makabawi kay Dust. Alam niyang pasakit na siya sa mga ito nitong mga nakaraang linggo.
"Ano ang gusto mong pag-usapan natin, Angela?" tanong ni Samantha at naupo sa mahabang upuan na nakaharap sa soccer field.
"Si Alikabok. Gusto kong makipagbalikan ka sa kaniya dahil mahal ka niya. Kung ang rason mo ay ang hidwaan ng pamilya ninyo, huwag mong isipin iyon. Ipaglaban mo si Alikabok dahil sigurado akong ipaglaban ka niya," pangungumbinse niya kahit na medyo nagdadrama lang siya. "Parents lang naman niya ang makakalaban ninyo. Wala namang problema sa parents mo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
MALI BA ANG IBIGIN KA
RomanceAng pagmahal ng isang tulad mo, ay parang paghawak ng isang matinik at nakakalasong rosas. Habang tumatagal, habang humihigpit, mas lalo akong nasasaktan. Nagdurugo. Nagdurusa. Alam ko namang mali pero bakit? Bakit mas pinili kong masaktan kaysa bit...