Chapter 3

1.2K 42 0
                                    

SSPG

READ AT YOUR OWN RISK AT BAWAL ANG 18 BELOW.

MAY SENSITIBONG TOPIC NA HINDI  SASANG-AYUNAN NG NAKAKARAMI.

WALANG TWIST HANGGANG DULO.

Chapter 3

Unedited....

"Ano ba ang problema at dito ka na naman natulog?" tanong ni Sun nang lumabas si Angela sa guest room nila.

"Wala naman. Ayaw ko sa bahay, Araw," tinatamad na sagot ni Angela habang pababa ng hagdan. Pasado alas dose na siya nang dumating kagabi kaya tulog na ang mga pinsan.
Dito siya parati dahil ayaw niyang tumambay sa bahay. Mas bet niyang manggulo sa mga pinsang lalaki. Well, kaunti lang ang mga kaibigan niyang babae. Mas okay ang mga boys kasi hindi plastic at safe ang sikreto sa mga ito. Hindi kagaya ng mga babae, tsismosa na, inggitera pa. Hindi naman lahat. Pero mas gusto lang niya ang mga pinsang lalaki.

"Gela? Mabuti at dito ka," masayang sabi ni Sky.

"Good morning po," magalang na bati ni Angela saka hinalikan sa kanang pisngi ang tiyuhin. Bata pa lang, palagi na siyang ninanakaw nito dahil sabik sa anak na babae.

"Maupo ka, Gel. Kumain ka na," sabi ni Taira sa pamangkin.

"Thanks," nakangiting pasalamat ni Angela. "Sina Ulap at Alikabok?"

"Si Clouds, umuwi sa bahay nina Seola kasama si Ash at si Dust, tulog pa," sagot ni Taira kaya naupo si Angela sa tabi ni Sun.

Inabot ni Sun ang plato at nilagyan ng pagkain.

"Kumain ka nang marami," sabi ni Sun kaya napangiti si Angela. Kaya nga gusto niya rito kasi prinsesa ang turing ng mga ito sa kaniya.

"Thank you, cousin," pasalamat ni Angela saka kumain. Natatawa siya nang makita ang crabs. Siguro alam nina Clouds ang ulam nila kaya nag-alsa balutan ang pinsang iyon. He hates crabs.

Nang matapos silang kumain, nag-usap-usap muna sila sa gilid ng pool. Sina Moon at Star ay naglalangoy habang sina Angela at Sun ay nakaupo sa gilid habang ang mga paa ay nakasawsaw sa tubig.

"Gel? Pahinging girlfriend," sabi ni Sun.

"Saan ako kukuha?" nakasimangot na sagot ni Angela. Madalas siyang hingian ng mga ito eh, wala nga siyang friends. "Babaero talaga kayo, Araw!"

"Tawag ng laman," natatawang sabi ni Sun at nag-dive sa tubig. Tumayo si Angela at muling pumasok sa loob ng bahay. Tinatamad siyang magpalit ng damit kaya naka-black two piece siya. Sanay naman siya sa mga lalaking pinsan na nakaganito siya. Walang malisya.

"Gising na po ba si Alikabok?" tanong niya sa katulong na nakasalubong sa hagdan.

"Hindi pa yata," sagot ng katulong.

"Sige po," sabi ni Angela. Mabait talaga siya kapag nandito siya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ni Dust. Hindi naka-lock.

"Ginagawa mo rito?" tanong ni Dust na nakaupo sa kama at nagmumuni-muni. Magulo pa ang buhok niya at inaagaw pa ng antok. Ang sakit din ng ulo niya dahil sa tama ng alak na ininom kagabi.

"Gigisingin sana kita," sagot ni Angela at naupo sa harapan ng pinsan. "Kamusta kayo ni Samantha?"

Napatingin si Dust sa kaniya at biglang naningkit ang mga mata.

"Ano ang pinagsasabi mo kay Samantha, Angela?"

"OA. Wala naman," sagot ni Angela.

"Huwag mo na siyang kausapin dahil ginugulo mo pa lalo ang sitwasyon!"

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon