Chapter 7

1K 37 1
                                    

Chapter 7

Unedited...

"Puwede bang magpalit ka ng damit?" pakiusap ni Dust nang sumakay si Angela sa sasakyan niya. Paano, halos luluwa na ang dibdib nito sa black dress.

"Ayaw ko," tanggi ni Angela at isinuot ang seatbelt.

"Angel naman! We're not going anywhere na ganiyan ang suot mo," sabi ni Dust na pinatay ang makina ng sasakyan. "Get out of my car at magpalit ka."

"No way," pagmamatigas ni Angela at humarap sa unahan. "We're late na kaya paandarin mo na ang kotse na 'to, Alikabok."

"Hindi tayo aalis."

"Ayaw mo? I'll Daga para sa kaniya na ako makipagkita," pananakot ni Angela at hinugot ang maliit na cellphone sa dibdib para tawagan si Jerry.

"Damn! Bakit mo ba riyan tinatago ang cellphone mo! Akin na nga 'yan!" Aagawin na sana ni Dust ang cellphone pero mabilis na ibinalik ni Angela sa kanang dibdib niya.

"Go get it," nakangiting hamon ni Angela kaya napabuntonghininga na lang si Dust at iniwas ang mga mata sa dibdib ng pinsan. Babae pa rin ito at gusto niyang igalang.

"Aalis na tayo pero akin na ang cellphone mo," sabi ni Dust saka inabot ang palad kay Angela.

"Okay. Pero dapat sure ako na aalis tayo," nagdududang sabi ni Angela.

"You have my word, Gel," pagsuko ni Dust at inginuso ang cellphone sa dibdib ng pinsan. "Akin na."

"Okay," parang batang sabi ni Angela saka dinukot ang cellphone at inabot kay Dust.

"Nakakadiri ka!" nandidiring sabi ni Dust at itinago sa storage compartment ang cellphone at pinaandar na ang sasakyan.

"Behave ka sa party mamaya, okay?" bilin ni Dust habang nasa unahan ang mga mata.

"Okay, I promised," she answered. "Could you pleave, drive faster?"

"Tumahimik ka na lang diyan," naiinis na saway ni Dust. Gusto talaga nito iyong halos lumilipad na sila sa kalsada. Kaya nga mahirap pagkatiwalaan ito sa pagmaneho e.

Ayun, ang dami nilang pagtatalo bago nakarating sa party. Kakabukas lang kasi ng bar ng kaklase kaya lahat silang magkaklase ay imbitado. Free drinks din ngayon kaya malayo pa lang sila ay nakikita na nila ang maraming sasakyan sa labas ng bar.

"Ang dami yatang tao," excited na sabi ng dalaga.

"Mag-behave ka," paalala ni Dust habang tinatanggal ang seatbelt at napatingin kay Angela na palabas na.

Hinawakan niya sa kamay si Angela saka hinila papasok sa bar dahil baka tatakasan na naman siya nito. Naglalaho na lang kasi ito minsan kapag mag-bar sila e.

"Nasaan ang ibang galaxy?" tanong ni Angela na nakipagsiksikan.

"Hahanapin pa natin," pasigaw na sagot ni Dust dahil ang lakas ang banda.

Ang iba ay nakatayo na sa daan habang sumasayaw.

"Ayun sila," sabi ni Angela nang makita ang mga pinsan at hinatak na si Dust palapit sa mga ito.

"Hey, guys!" masiglang bati ni Angela saka hinila ang isang silya saka naupo sa tabi ni Moon.

"Bakit ganiyan ang suot niyan?" bulong ni Star sa kapatid na ang tinutukoy ay si Angela. Ang dami namang mas daring ang damit kaysa kay Angela pero ayaw nilang magsuot ang mga pinsan nila ng ganito sa loob ng bar. Oo nga't bagay kay Angela at maganda ito pero mahirap na dahil baka mababastos lang ito ng ibang tao.

"Do you think, hindi ko siya pinagsabihan?" naiinis na tanong ni Dust saka inagaw ang bote na hawak ni Star. As usual, wala na naman si Clouds. Paano, busy na ito kay Seola. Okay na rin 'yon. At least tumino na ang kapatid.

MALI BA ANG IBIGIN KATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon