Prologue

71 2 1
                                    

"What are you doing?" he asked me.

I was busy locking the car's door with my heart palpitating so quickly. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. The whole ambiance was too dark and eerie. Malamig ang buong paligid pero hindi nawawala ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa magkabilang sentido ko. Wala na rin akong pakialam sa cocktail dress na suot ko kung gusot-gusot na o kung lumuluwa na ang b*obs ko sa sobrang pagmamadali.

Palinga-linga pa rin ako sa may bintana ng backseat nang marinig kong muli ang kanyang untag.

"I said what are you doing?" he asked again.

Doon na ako napalingon sa kanya at kaagad na tinakpan ang kanyang bibig upang hindi na siya makapagsalita na. My facial expression became agitated and worried.

Bakit kasi sa lahat ng papasukan ko ay rito pa sa maingay na lalaki?

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang tinatakpan ko ang bibig niya.

"Shh!" nagkandahabang ngusong sabi ko sa kanya. Panaka-naka pa ang paglingon ko sa bintana hanggang sa nangyari na nga ang pinaka kinatatakutan ko.

Isang malakas na katok ang naulinigan ko mula sa aking likod. Napatalon ako sa gulat. Pagkalingon ko ay nakita ko ang malaking mukha ng lalaki na kanina pa ako hinahabol. Kita ko sa kanyang hilatsa ang pagkainis at pagkahapo sa kahahabol sa akin.

Sh!t! Nakita niya ba ako kanina na pumasok dito?

Sa sobrang kaba ay ibinaling ko ang atensyon ko sa aking katabi. He still was not moving while looking at me inanimately.

"Nakikita niya ba tayo ngayon?" I asked.

He shook his head. Sa sobrang irita ay tinabig niya ang mga kamay ko na nakatabon sa kanyang bibig. "You should go. I don't want any of your troubles," he dismissed me, trying to look away but I didn't budge.

Mas itinuon ko ang paghahanap ng paraan upang malampasan ang problema na ito.

I tried finding something to become my alibi but my gaze fell back to the man I am with. Napadako ang tingin ko sa kanyang suot. Doon nagkaroon ng magandang ideya ang utak ko.

"Hubarin mo 'yan!" I ordered him in a haste. Gumana agad ang kamay ko at nakahawak na sa butones ng kanyang coat.

Nanlaki ang mga mata niya at akmang pipigilan ako sa pagtatanggal ng butones niya. "What the fvck are you doing, woman?! Stop it!" he hissed. Patuloy kami sa pag-aagawan sa butones sa may laylayan niya. Kitang-kita ko na namamawis na rin siya tulad ko kahit na malamig sa loob ng kotse.

Pero ang utak ko ay determinadong makaalpas sa problemang ito at gagawin ko ang lahat makaalis lang sa sitwasyon na ito. Ako ang mas nanaig at napagtagumpayan kong mabuksan ang kanyang coat.

"Hubarin mo na bilis! Kailangan ko ng alibi. Wala na tayong oras!" nagmamadaling sabi ko.

Kahit na awkward ang hitsura ng lalaki habang tinatanggal ko sa kanya ang coat ay hindi pa rin ako tumigil. Wala na akong pakialam. Saka ko na lang iisipin ang kahihiyan pagkatapos ng lahat ng ito. Saka na ako magso-sorry sa lalaking ito kapag naayos ko na ang problema kong ito. Hindi rin ako pwedeng umiyak sa kanyang harapan. Wala akong oras na umiyak at maglupasay.

Nang makuha ko ang coat mula sa kanya ay isinuot ko iyon sa aking balikat. May kinuha pa akong sumbrero na nakita ko sa bulsa at isinuot iyon. Saka ako humarap sa lalaki. "Please, help me. Kapag umalis ang lalaking umaaligid sa kotse mo, I'll repay you in any way I can to compensate with the damage and disturbance I caused you. Pero kailangan mo akong tulungan na makatakas sa lalaking iyan. Kapag nakuha niya ako, papatayin niya ako. Gusto ko pang mabuhay." Inilapit ko ang kamay ko sa pindutan ng bintana at tiningnan siyang muli. "Just play along. Iyon lang ang hiling ko. Okay..." I breathed deeply and closed my eyes. Pagkatapos niyon ay pinindot ko na iyon.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon