Chapter 19

10 0 0
                                    

"S-Sir Earl..."

"Don't leave, please..." pagsusumamo niyang muli sa akin. Hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang bumalik sa pagkakaupo. Ibinalik ko ang maliit na batya sa ilalim ng kama at tumingin lang sa nakapikit na si Rave.

"Come here..." bigla niyang bulong.

"Po?"

"I said come here..." pag-uulit niya.

Tumalima na lang ako at unti-unting inurong ang upuan papalapit sa kanya.

"Closer," utos pa niya.

At dahil wala na akong maurungan ay inilapit ko na lang ang katawan at mukha ko sa kanya.

Napatili ako nang bigla niya akong higitin at iniangat mula sa lupa. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayan na hinila na pala niya ako at nakapatong na siya sa akin. Ang malambot at mainit na kama ang naramdaman ng aking likuran.

"S-Sir..."

Nakita ko ang nanghihina na ekspresyon ni Rave ngunit hindi nawala roon ang kanyang kagwapuhan. Nakahilig na ang kanyang ulo sa katabing unan habang hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang nababanaag ko sa kanyang mga mata.

"Just stay like this for a while. Nakakapagod nang magtawag sa'yo..." bulong niya. Pagkatapos niyon ay ipinikit na niya ang mga mata niya at nagpatuloy sa pagtulog.

Hindi magkamayaw ang tibok ng puso ko sa pagdagundong sa aking dibdib. Nakatunghay lang ako sa maamong mukha ni Rave. Hindi ko alam kung natutulog na ba siya.

Napabuntong-hininga ako.

Ngayon na nasa malapitan ko na siya, tila unti-unti ring nanunumbalik ang lahat sa nakaraan.

Gusto kong tanungin ang sarili ko. Sa loob ng anim na taon na nagtago ako at kinimkim ang sama ng loob sa lahat ng nakasalamuha ko sa Victoria City, bakit tila unti-unting bumabagsak ang pader na iniharang ko sa aking paligid? Malakas na ako, e. Sigurado na ako na hindi na ako magiging marupok. Pero bakit ganito ang nangyayari? Makita ko lang si Rave ay napapanatag ang loob ko. Nilulukuban ako ng kasiyahan at pagkasabik sa tuwing kasama ko siya. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung paano ito pahihintuin. Litong-lito ako.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan at pilit na winawaksi ang kaisipan.

'Hindi ka pwedeng makalimot, Leen. Tandaan mo na siya ang dahilan ng lahat ng masasakit na alaala mo sa lugar na ito. Kaya huwag mong bibigyan ng kung anong kahulugan ang lahat ng ipinapakita niya sa'yo!' pagpapaalala ko sa aking sarili.

*****

Nagising ako nang may maramdaman akong kung ano na lumapat sa labi ko.

Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at ang titig na titig na mukha ni Rave ang bumungad sa akin.

Napangiwi ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Namamalik-mata lang siguro ako. Paano namang mapupunta si Rave sa tabi ko at pagmamasdan pa ang mukha ko?

Sinubukan kong pumikit muli ngunit mas lumilinaw ang alaala ko sa gabing dumaan. Agad akong napadilat at nanlaki ang mga mata. Nandito nga pala ako nakatulog sa kwarto ni Rave!

Nakita ko ang mukha niyang aliw na aliw sa pagkakita sa akin. Abala ang kanyang hinlalaki na sundan ng hagod ang ibabang labi ko. May nababasa pa ako sa kanyang mga mata na na hindi ko mawari. Nagpakabog iyon nang husto sa aking dibdib.

"S-Sir! Anong ginagawa ninyo rito?!" Akma akong babangon ngunit mabilis niya akong kinumbabawan.

"Did I tell you to move?"

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon