Chapter 8

13 0 0
                                    

Ginugol ko ang buong gabi ko sa pag-aayos ng mga gamit ko sa kwarto.

Naging payapa rin ang pag-aayos ko dahil wala akong naririnig na maingay mula sa labas.

Ano kayang ginagawa niya?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo upang iwaksi ang naiisip.

Hindi ko dapat siya iniisip ngayon lalong lalo na ang ginawa niya kanina. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko habang nag-aayos. Ngunit kahit na anong gawin ko ay lumilipad ang isipan ko.

"Umayos ka, Leodelene! Bakit mo ba iniisip 'yun? Hindi ka niya kilala at mas lalong tini-testing ka lang niya!" saway ko sa aking sarili.

Pero sino nga ba ang niloloko ko?

Anim na taon. Anim na taon akong nagtago mula sa kanya. At ngayong kasama ko siya ay tila nanunumbalik ang nakaraan. Hindi ang mga masasakit na alaala kundi ang mga alaala noong una kaming magkita.

Tumatakas ako noon mula sa kamay nila Ziljian, ang dahilan ng tuluyan kong paglisan sa Victoria City.

Matapos ng pagtatapos ng internship ko sa ForTech ay nagpursige ako na gumawa ng isang start-up company. Ulila mang lubos ay hindi ko ininda ang hirap ng buhay dahil marami akong racket na bumubuhay sa akin.

Mula High School hanggang Kolehiyo ay ako ang nagtaguyod sa aking sarili. Sa tulong na rin ng scholarship grant ng mga Fortaleza ay nakapagtapos ako ng BS in Electronic Engineering bilang Suma Cum Laude. Nahigitan ko maging ang mga matatalinong mayayaman. Kung kaya ay nakuha ko ang atensyon noon ni Don Roberto. Ang ForTech ang unang nanligaw sa akin na kumpanya para sa internship. Isa iyong bihirang oportunidad kung kaya't agad ko nang tinanggap.

Bukod pa kasi roon ay matagal ko nang pangarap na makapasok sa ForTech.

Marami na akong inventions ang nagawa. May mga leading products ang ForTech na ako ang co-inventor at engineer. Isa na roon ay ang best selling Coffee Maker Machine nila. Ang feature nito ay naiiba sa mga nakasanayang machines. Mas advanced ito kumpara sa China at Korea na leading brands at type. Marami noon ang kumukumbinsi sa akin na ibenta ang model ko sa ibang bansa. Pero mas pinili ko ang ibigay ito sa ForTech.

Ngunit dahil sa isang manager sa loob ay naiwala ko ang karapatan ko sa machine na iyon. At ang nangyari ay hindi naipangalan sa akin ang patent nito.

Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagdaramdam sa ForTech at nagdesisyon na umalis. Nagpursige ako at sinubukang magtayo ng sarili kong kumpanya. At dahil salat ako ay kinailangan ko ng pera. At doon pumasok si Ziljian sa buhay ko.

Pinautang niya ako ng malaking pera. Ngunit mayroon siyang kondisyon sa akin. Gusto niyang i-collateral ko ang isa sa pinaka mahalaga kong imbensyon. Ito ay ang hologram android watch.

Simula nang malaman ni Ziljian ang tungkol dito ay hindi niya ako tinantanan. Hanggang sa niloko niya ako sa isang kontrata. Pinalabas niyang nasa kanya ang original patent ng imbensyon ko na iyon. Sa mismong araw ng start-up convention ng mga Tech Companies ay pinili niya akong ipahiya at ieskandalo.

May mga pulis na hindi nakauniporme at mga tauhan ni Ziljian ang pinapahanap ako. Dahil nais nilang makuha ang data ng imbensyon ko. At dahil sa pagtatago ko ay nagkrus ang landas namin ni Rave.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at umiling-iling para iwaksi ang kaisipan. Hindi ko na dapat iyon iniisip.

Matagal ko nang kinalimutan ang madilim na parte ng nakaraan ko. Matagal ko na ring kinalimutan ang pangarap ko na iyon. Kasabay ng paglisan ko sa Victoria ay ang pagbitiw ko sa aking mga pangarap.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay nagpasya akong maligo. Sobrang nakaka-relax ang maligamgam na tubig sa banyo. May bathtub pa kaya sobrang nakakamangha. Isa lang akong katulong sa bahay na ito ngunit para akong buhay prinsesa sa mayroon sa loob ng kwarto ko.

Tinanggal ko muna ang prosthetics sa mukha ko at ipinagpatuloy ang pagligo.

Nakaka-miss ding makita ang tunay kong mukha.

Ang Nanay Rosita ko lang ang naabutan kong magulang ko noong 2nd year High School ako. Tubong Zambales at doon kami unang nanirahan. Isang katulong noon si Nanay na namasukan sa isang mayamang pamilya sa Victoria, ang mga Generoso. Kaya hindi naglaon ay lumipat kami nang tuluyan sa siyudad na ito. Hindi ko kilala ang aking ama. Ngunit maraming nagsasabi na hindi ako tunay na anak ni Nanay Rosita.

Sa tangos ng ilong ko, sa mapupungay at mahaba kong pilik-mata at ang mata kong matingkad ang kulay chocolate, ay marami talagang makukumbinsi na ampon lang ako ni Nanay Rosita. Maputi ang aking kutis, balingkinitang katawan at may masasabing katangkaran. Maraming nagnanais na isali ako sa mga pageants noon sa probinsya. Ngunit dahil likas akong mahiyain ay hindi ko tinahak ang ganoon. Mas nag-focus ako sa aking pag-aaral. Walang mintis na ako'y laging nangunguna sa klase. Kung kaya't naging proud sa akin si Nanay. Ngunit isang araw ay ibinalita na lang sa akin na patay na si Nanay. Kasama siya sa limang nasawi sa isang sunog sa loob ng bahay ng kanyang amo. At magmula noon ay mag-isa na lang ako sa buhay.

Ngayon na nakabalik na ako sa aking tunay na mukha, nanunumbalik din ang pangungulila ko kay Nanay.

"Nay... Tutuparin ko ang lahat ng pangarap natin kahit na anong mangyari..."

Matapos ang mahabang pagbababad sa CR ay nagpasya akong umahon at nagbihis. Maya-maya ay biglang may malakas na ingay ang naulinigan ko mula sa labas. May malakas na tunog ng isang nabasag na bagay.

Ibinalot ko ang sarili sa bathrobe at mabilis na lumabas ng kwarto. Lumulundag ang puso ko sa kaba. Baka may magnanakaw na nakapasok!

Mabilis kong dinampot ang walis na may bakal na hawakan sa may dulo ng pasimano. Dahan-dahan akong pumanhik sa ibaba. Madilim na sa ibaba kaya medyo mahirap malaman kung nasaan ang tao na nakapasok. Sigurado akong sa may kusina nanggaling ang ingay na iyon.

Maingat akong naglakad patungo roon at nakita ang isang bulto ng katawan na nakatalikod mula sa aking kinaroroonan. Inangat ko ang walis sa ere.

"Walangya kang magnanakaw ka! Walangya ka!" Pinaghahampas ko ang tao mula sa kanyang likuran.

Dinig ko ang ungol niyang protesta. Ngunit bigla ay nabosesan ko ito.

"W-wait! It's me! It's me!"

"S-Sir Rave?!" gulantang kong tanong. Mabilis kong hinanap ang switch ng ilaw. Bumulaga ang liwanag sa akin. Nakita ko ang nagkalat na bubog sa paligid at ang pasuray-suray na pigura ni Rave habang nakakunyapit sa gilid ng kitchen counter. "A-anong nangyari sa inyo? Bakit kayo nandito?"

Nakita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata habang nakangisi. Lasing na lasing siya. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy ng alak. Naglasing siya sa kwarto niya?

"Why did you hit me?!" bigla ay sigaw niya sa akin.

Napakagat-labi ako at napayuko. "S-sorry, Sir. Akala ko kasi magnanakaw kayo, e! Bakit ba kasi hindi n'yo na lang ako tinawag?"

"It's because I don't fucking like asking anyone to do something for me!" Bigla siyang tumayo. Nang akma ko siyang aalalayan ay mabilis niya akong naitulak. "Don't help me. I said you'll start doing work tomorrow."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit pala sa paglalasing ay nagsusungit ito.

Akma ko nang wawalisin ang mga bubog nang bigla niyang higitin ang braso ko dahilan para marahas akong mapaharap sa kanya.

"Wait a sec..."

"P-po?"

"Hmm... Is that you, Lena?" bigla ay tanong niya habang naniningkit ang mga mata. "Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"P-po? Ano pong problema sa mukha ko, Sir?" Agad kong kinapa-kapa ang sarili ko at nanlaki ang mga mata.

"Why do you look so pretty in my eyes right now?"

Kingina. Hindi ko nasuot ang ilong ko!

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon