Ako na siguro ang pinaka tangang nilalang sa balat ng lupa. Dahil sa lahat ng makakalimutan ko pa ay ang pinaka importante pa sa lahat.
Agad akong napatakip ng ilong ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatunghay kay Rave.
Bwisit naman! Bakit ko ba kasi kinalimutang ilagay 'yung ilong na 'yun?!
"Come again? Are you saying something?" bigla ay tanong ni Rave.
"Ahh... w-wala po, Sir!"
"Why are you covering your nose? Mabaho ba ako?" Napasinghot naman si Rave sa may kilikili niya. Nakakunot ang kanyang noo habang ginagawa iyon.
Lihim akong napapatawa dahil sa ginagawa niya.
"I don't think I stink, Lena. So, bakit ka nagtatakip ng ilong?"
"Ahh... k-kasi, Sir... ano... Amoy alak ka! Tama. Amoy alak ka, Sir. Kaya please lang po. Tumungo na kayo sa kwarto ninyo. Ako na po ang maglilinis dito," saad ko sa kanya habang nakatakip sa aking ilong. Nagtunog ngongo tuloy ako dahil doon.
"You're so weird. You know what?" Biglang lumapit si Rave sa akin at pinagkatitigan ako sa mga mata.
Nagsimula na namang marigodon ang dibdib ko katulad noong kaninang lapitan niya ako sa may kwarto.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "S-Sir... lasing na po kayo. Mabuti pa at ihahatid ko na kayo sa itaas."
"Lena, talaga bang hindi ka mai-in love sa akin?" mahina niyang tanong.
Nanlaki ang mga mata ko. "P-po?"
"I just want to make sure, okay? I don't want someone lying to me, especially when I'm already trusting that person."
Napalunok ako. Tila tinamaan ako sa maaanghang niyang salita. Tila nababasa niya ang nasa isipan ko. Kailangan kong mag-ingat. Baka mamaya mabuko ako nang maaga! Mahirap na.
"A-ano ba naman kayo, Sir? Sinabi ko na po sa inyo. Hinding hindi po ako mai-in love sa inyo. Promise po 'yan! Mahal ko po ang asawa ko at ayaw ko pong magtaksil sa kanya." Sige lang, Leen! Ituloy-tuloy mo lang ang pagsisinungaling mo.
"Hmm... But I don't believe you..." Maya-maya ay mas lalo siyang umabante papalapit sa akin.
Ako naman ay hindi nagkandatuto sa pag-atras. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kitchen counter top na tumama na sa likuran ko. Wala na akong maatrasan.
Walang patid ang paglunok ko ng laway sa sobrang kaba. Gahibla na lang ang distansya ng mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. At ayaw kong magsinungaling sa sarili ko. Pero mas lalo siyang nagiging gwapo sa aking paningin sa ganitong ayos niya.
Rugged, dreamy, and sexy. Ang mga namumungay niyang mga mata ay tila hinihele ako sa tuwina. May kung ano doon na nagsasabing wala akong maitatago sa isang tulad niya.
"I don't believe you..." pag-uulit niya.
"S-saan ka po hindi naniniwala?"
"Na mas gwapo pa ang asawa mo kaysa sa akin. You're bluffing, right? Tell me..." Mas lalong inilapit ni Rave ang mukha niya sa akin.
Nag-iwas na lang ako sa kanya at ipinilig ang aking ulo. Kapag nagtagal na ganito ay baka talagang magkamali ako ng galaw!
"B-bakit n'yo naman po naisip na nagsisinungaling ako? Wala naman po akong sinabi na mas gwapo siya kaysa sa'yo. Sir, masama po ba ang loob ninyo dahil doon?" pang-aasar kong tanong.
Bahagya siyang lumayo at napaiwas ng tingin. "H-hindi, ah! Why would I be disappointed? Gusto ko lang kasing makasiguro. Ayaw ko ng taong sinungaling, Lena. Naiintindihan mo ba?"
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...