"Are you really sure about this?"
Iyon ang unang tanong sa akin ni Craig nang magkita kami. Nasa loob ako ng kumpanya niya sa Victoria City. Ang pangalan nito ay Rise Entertainment. Isa itong entertainment agency na sinimulan niyang mag-isa. Ngayon, isa na ito sa leading agencies sa entertainment industry na pinagkakatiwalaan ng maraming artista, modelo, dancers, at singers.
Overlooking ang nagtatayugang gusali ng buong Victoria mula sa kanyang opisina. Katapat niyon ay ang V Hotel na pagmamay-ari naman ng mga Fortaleza.
"You know that you can still change your mind, right?" tanong pa niya. Nakaupo si Craig sa swivel chair at balisa. Alam kong nag-aalala siya sa magiging desisyon ko, pero buo na ang loob ko.
Napangiti ako sa kanya. "Ilang beses ko rin 'tong pinag-isipan, Craig. Pero desidido na talaga ako."
Napabuntong-hininga siya at malamlam na tiningnan ako sa mga mata. "If that's really what you want... Pero sure ka na ba talaga? I know you've been through a lot lately. Hindi madali ang mawalan ng anak..."
"Yeah. But I don't want to dwell in this sadness anymore, Craig. Hindi matutuwa ang anak ko kapag nakita niyang umiiyak ako. Kaya kailangan kong maging busy."
"Alam na ba ni Earl 'to? Baka mamaya bugbugin na naman ako ng hayop na 'yun!"
Napatawa naman ako dahil sa kanyang itinuran. After two weeks of reconciling with Rave, finally ay nagkasundo na rin silang dalawa bilang magkaibigan. Natatandaan ko pa ang huli nilang pag-uusap na nauuwi lagi sa bantaan.
"Subukan mo lang na agawin ulit sa akin si Leen at sisiguraduhin ko na hihiram ka ng mukha sa aso!" nagbabantang boses ni Rave.
"Nice try, Fortaleza. Kung makakahiram man ako ng mukha sa aso, oras na saktan mo ulit si Lily, ako ang unang kakagat sa'yo!" balik-banta naman ni Craig.
Naging masaya ang pagsasama namin ni Rave. Napagpasyahan ko na subukan ang maging masaya kahit na sobrang sakit pa ng mga pangyayari sa buhay ko magmula nang mawala ang nag-iisa kong anghel. Araw-araw akong dinadalaw ni Rave sa bahay. Si Ellen naman ay palaging naroon upang umagapay sa akin. Ayaw akong iwan ng best friend ko dahil alam niyang hindi pa ako ganoon ka-stable na mag-isa.
Ngayon ay narito ako sa harap ni Craig para sa isang desisyon na sa loob ng maraming taon ay hindi ko sinubukang muli.
"Ako na ang bahala kay Rave. Pwede bang 'wag mo munang sabihin sa kanya? Please?"
Napabuga ng marahas na hangin ang kaharap ko at inihilamos ang kamay sa kanyang mukha. "Bakit kailangan mo pa 'tong ilihim sa kanya?"
"Kasi sobrang dami na rin niyang nagawa para sa akin. Magmula nang mamatay si Yen-yen ay grabe ang pagbabawi niya. Pinatayuan pa niya ng museleo ang anak namin kahit na hindi naman kailangan. At alam mo ba? Binilhan niya rin ako ng bahay. Nakakatakot na nga minsan dahil ako lang mag-isa. Gusto pa nga niyang bilhan sila Ellen. Pero tumanggi naman ang best friend ko at nagsabi na titira na lang sila sa bahay ko. Mayro'n pang kotse, condo, bags, shoes, at kung ano-ano pa na hindi ko naman nagagamit.
"Sa tingin mo, masasabi ko pa ba 'to sa kanya gayong hindi naman siya nagpapaawat sa pagbili? Magugulat na lang ako na kada week may bago akong gamit. Hindi ko na nga alam saan ilalagay ang iba. Nahihiya naman akong ipamigay o ibenta ang iba. At isa pa, palagi lang naman akong nasa bahay. Nakakapag-freelance pa rin naman ako pero iba pa rin talaga iyong maibalik ko ang dati kong pangarap..." mahaba kong paliwanag.
Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong nasa isipan ng nobyo ko para bilhan ako ng sandamakmak na mga gamit na hindi ko naman kailangan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka ganito rin siya kay Ally noon. Sa tuwing iisipin ko iyon ay gusto ko nang dispatyahin ang mga iyon. Pero hindi ko ginawa dahil alam ko kung gaano kamahal ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomansaMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...