Chapter 10

13 0 0
                                    

"Lena!"

Natauhan ako nang marinig ko ang boses ng amo ko. Mabilis kong ibinalik ang picture frame sa loob ng closet at lumabas na ako ng kwarto.

Naabutan ko si Rave na nakatayo sa harap ng hagdan. Pumanhik ako at iniabot sa kanya ang damit niya.

Salubong ang kanyang kilay at nakapamaywang. Mukha siyang basang sisiw sa ayos niya. Tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa dulo ng kanyang buhok.

Napatungo na lang ako.

Marahas niyang kinuha ang kanyang damit mula sa akin saka ako tinalikuran. Sa comfort room sa ground floor ang ginamit ni Rave. Pagkatapos niyang makapagpalit ng damit ay nagtungo siya sa silid niya. Pagkalabas ay dala na niya ang suitcase niya.

"Sir, mag-almusal na po muna kayo..." paanyaya ko sa kanya.

"No need. I need to be somewhere. You can do what you want. Ayaw ko lang na nagpapapasok ng kung sino-sino rito sa pamamahay ko. Clean my room. Pwede kang manood ng TV. Whatever works for you. And also..." May iniabot siyang cellphone sa akin. Mukhang bago pa at latest phone model ng ForTech.

Napangiti ako. "Wow! Latest model po 'yan ng ForTech, 'di po ba?" natutuwang tanong ko sa kanya. Hindi mawala-wala sa mukh ako ang pagkamangha.

"You know this?"

"Ahh... opo! Sikat po ang ForTech sa lugar namin. Kaso nga lang po... hindi ko lang afford," pagdadahilan ko. May bahagyang katotohanan naman ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko talaga afford ang cellphone na iyon lalo pa at latest model iyon ng android phones na inilabas ng ForTech ngayong taon.

Naging kilalang brand ang ForTech lalo na sa line of android gadgets sa buong Asya. Dahil sa kumpanyang ito ay nakakakumpetensya ang Pilipinas sa high-end technologies ng ibang bansa tulad ng Japan at China. Nakikipagsabayan ang ForTech sa Tech Industry kaya naging fan ako ng kanilang company noon.

"Hmm... Anyway, you'll be using this phone from now on. Dito kita kokontakin in case. Heto nga pala ang pera pang-grocery." Iniabot sa akin ni Rave ang isang card na kulay black.

Napanganga ako dahil doon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa card na binigay niya.

"What now? Hindi ka ba marunong gumamit ng card? Wala akong cash na dala, Lena."

"H-hindi naman po sa gano'n, Sir. Marunong po ako. Kaso po... seryoso po ba kayo sa black card? Ipapagamit n'yo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Napangisi siya sa akin. "I don't care how much you spend you a grocery. Buy anything that's necesarry, Lena. Pwede ka ring bumili ng mga damit mo. Iyon lang kasi ang wala akong stock dito. As you can see, I've been living alone."

Alone? Ibig sabihin ay hindi siya nag-asawa? O baka resthouse lang niya ito? Imposible kasing wala siyang asawa. Lalo pa at nakita ko ang litrato sa loob ng kwarto niya.

"So, you can buy the things you also need. I won't mind. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ka magko-control. Do you understand?" huling tagubilin niya sa akin.

Napangiti na lang ako at napatango sa kanya. "Opo, Sir Earl. Maraming salamat po."

Akma nang aalis si Rave nang bigla siyang tumigil at pumihit muli sa aking harapan.

"Ah, I forgot..."

"Po?"

"Did you just call me Rave last night?"

"P-po?" Napakunot-noo ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Nang sumagi sa alaala ko ang eksaktong nangyari ay napakagat-labi ako.

Oo nga pala! Natawag ko siyang Rave kagabi!

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon