Naging matulin ang panahon para sa akin.
Pinapanood ko lang ang mga tao sa paligid ko sa pagluluksa at pagdamay sa akin.
I was in total shock. Hanggang ngayong ika-40 days ni Yen-yen ay hindi ko pa rin matanggap ang lahat.
Sobrang sakit pa rin.
Si Ellen ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan mula sa pagpapalibing hanggang sa ika-40 days ng anak ko dahil hindi na ako makausap nang maayos.
Hindi ko na rin mahagilap si Rave. Pagkatapos ng unang araw ng burol ay hindi ko na siya nakita pa. Tanggap ko naman na hindi na lalawig pa ang aming relasyon. Malamang ay natuloy na ang kasal nila ni Ally. Wala nang balakid sa buhay niya, kaya malaya siyang gawin ang lahat ng nais niya.
Pero nasa loob ng puso ko ang hinanakit.
Bakit ako lang ang nasasaktan nang lubusan? Bakit tila hindi siya apektado sa mga nangyayari? Bakit nakakaya niyang tiisin ang lahat? Ganoon ba kadali sa kanya ang mawalan ng anak?
Gusto kong sumbatan si Rave. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat ng pagkukulang niya. Gusto ko siyang saktan. Pero wala na akong lakas pa.
Sobrang sakit na.
Ilang beses akong nag-attempt na mag-overdose ng sleeping pills. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Ngunit palagi akong naaabutan ni Ellen. Kahit ilang beses kong ginusto na sumunod sa anak ko ay hindi ko magawa. Halos hindi ko na maasikaso ang sarili ko. Ni ang pagligonat pag-aayos ay inaayawan ko.
Ngayong ika-40 days ng anak ko ay saka lang ako nag-ayos. Kailangan kong mag-ayos. Saglit lang akong nagpakita sa mga tao. Saglit lang ang pagbati ko sa kanila at mas madalas ang pagtangis sa harap ng larawan ng nag-iisa kong anghel. Pagkatapos niyon ay magkukulong na ako sa loob ng kwarto ko at hindi magpapakita magdamag.
Pabalyang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakatulala lang ako sa kawalan ngunit nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang bulto ng katawan ng kung sinong pumasok.
"Are you seriously going to do this to yourself? Ito ba talaga ang gusto mo?!" pasigaw na tanong ni Rave sa akin. Nakasuot siya ng rugged corporate suit. Mukhang kagagaling lang nito sa opisina. Halata sa gwapo niyang mukha ang pagod sa buong araw na trabaho. Bakas sa kanyang mga mata ang pamumula na tila kagagaling lang sa pag-iyak.
Naririnig ko ang hikbi ni Ellen mula sa labas ng kwarto.
Alas diyes na ng gabi ngunit ngayon lang nawala ang mga tao na dumalo sa huling padasal. Naririnig ko ang mahihina nilang paalam. Si Rave naman ay isinarado ang pinto saka nakapamaywang sa aking harapan. Salubong ang kilay at ubos na ang pasensya.
"Fuck!" Sinuntok niya ang pader ngunit hindi man lang ako umimik.
Hinayaan ko lang na maglandas ang luha sa mga pisngi ko. Nakakapagtaka na may nailalabas pa pala akong luha gayong nailabas ko na ang lahat. Hindi pa rin pala tapos ang dalamhati ko. Hindi pa rin pala tapos ang pag-iyak ko. Ang luha ko na ang sumuko sa akin.
"How could you do this? Nangako ka kay Yen-yen na tatatagan mo ang loob mo. Nangako ka sa anak natin!" pang-aakusa niya sa akin.
"Sinubukan kong sumama..." sa wakas ay sambit ko. "Sinubukan kong sumama sa anak ko. Pero sabi niya sa akin kagabi na hindi pwede." Napahikbi ako at napapikit. "Sabi niya dito lang ako. Ang daya-daya naman niya. Iniwan niya ako. Hindi man lang niya ako sinama. Hindi ako sinama ni Yen-yen! Ang daya! Dapat ako na lang, e. Dapat ako na lang!"
Walang sali-salita na tinawid ni Rave ang distansya sa pagitan namin at kinabig ako patungo sa kanyang mainit na bisig.
"Ano bang akala mo? Ikaw lang ba ang nahihirapan? Hindi lang ikaw ang nagluluksa, Leen. Mas nadaya ako dahil anim na taon mong nakasama ang anak natin gayong ilang araw ko lang siya nakita at nakasama. Sobrang daya mo, pero wala akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Savored (Victoria City Series #1) COMPLETED
RomanceMain Characters: * Earl Raven Fortaleza - A ravishing CEO of Fortaleza Technologies Incorporated. Isang istriktong boss na walang ibang priority kundi ang kumpanya. * Leodelene "Leen" Guillermo - isang aspiring businesswoman. May ambisyon sa buhay n...