Chapter 12

10 0 0
                                    

Bumulanghit ng tawa si Ellen nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang hapon.

Nasa loob ako ngayon ng aking kwarto pagkatapos kong magawa ang lahat ng trabaho pagkatapos ng hapunan.

Napasimangot ako sa kanya habang magkausap kami sa video call. "Beng, naman! Bakit ka tumatawa? Nakakairita kaya!" reklamo ko sa kanya.

"Ano ka ba naman, Beng? Wala ka bang napapansin kay ex mo?"

Napakunot ako ng noo sa kanya. "Ano 'yun?"

"Ang slow mo naman! Sa ginawa ng ex mo, sigurado akong type ka niya. Type ka niya bilang si Lena!" Humagikhik pa ang bruha kong kaibigan. "Akalain mo 'yun? Kahit pangit ka na ay type ka pa rin niya. Iba ka talaga, Beng!"

"Loka-loka! Hindi 'yun gano'n. Sigurado ako na mayro'ng something sa kanila ni Craig. Kasi bakit galit na galit siya doon sa tao? 'Di ba dapat ay matuwa siya kasi tinulungan ako ng kaibigan niya?"

"E, sure ka ba na magkaibigan pa rin sila?"

Napaisip ako sa balik-tanong sa akin ni Ellen.

Ang totoo ay hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Sa haba ng panahon na nawala ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nina Craig at Rave.

Ang alam ko talaga ay matalik silang magkaibigan noon. Si Rave ay likas talagang isnabero at cold sa halos lahat ng tao sa paligid niya. Pero si Craig ay kabaliktaran ng lahat ng kung ano siya. Self-made man si Craig. Masipag at matulungin. Kaya noong humiwalay ako sa ForTech ay nakilala ko siya. Mas matagal ko siyang naging kaibigan bago ko nakilala si Rave.

Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ay hindi ko mapigilang mapangiti, lalo na ang alaala na kasama si Craig. Sa lahat ng pagdurusa ko sa loob ng Victoria, si Craig lang ang masasabi kong pinaka magandang alaala ko sa siyudad na ito.

"Oh, anong nginingiti-ngiti mo riyan?" bigla ay pang-aasar ni Ellen. "Iniisip mo, 'no? Yieee..."

"Tumigil ka nga d'yan, Beng! Hindi naman siya ang iniisip ko, 'no!" Napaiwas ako ng tingin sa aking kaibigan at napabuntong-hininga. "Mabait na tao si Craig. Isa ako sa saksi ng ugali niya. Ang alam ko kasi ay magkaibigan talaga silang dalawa ni Rave. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya doon sa tao."

"Beng, 6 years na ang nakalipas. Malamang ay talagang iba na ang nangyari. Hindi mo naman iyon alam. Kaya 'wag mo na iyon masyadong isipin. Mag-focus ka na lang sa pagtrabaho mo riyan. At kung sapat na ang ipon mo, pwede ka nang bumalik dito," suhestiyon niya sa akin.

Napangiti ako sa kanya. "Kumusta na si Yen-yen? Nakatulog na ba siya?" pag-iiba ko ng usapan.

"Oo, nakatulog na siya, Beng."

"Mabuti naman. Pasensya ka na, Beng, ha? Sobrang laking abala na ang naibibigay ko sa'yo. Kung may choice lang talaga ako..." Napaluha ako habang sinasabi iyon. "Alam mo namang ikaw lang ang malalapitan ko..."

"Eto naman! Beng, kaibigan kita. Nandito ako parati para sa'yo at kay Yen-yen. Hangga't kaya ko, aalalayan ko kayo. Kaya 'wag kang mag-alala sa amin. Gawin mo lang ang nararapat para sa anak mo at ako ang bahala sa iba," sabi naman niya.

Lalo tuloy akong napaluha. "Salamat, Beng. Salamat talaga sa lahat..."

"Ako rin ay umaasa na maisip ng ex mo na hanapin ka. Alam mo na... kahit hindi ka man nagkulang kay Yen-yen bilang magulang niya ay iba pa rin ang kalinga ng isang ama. Iba pa rin ang may kumpletong pamilya, Beng..."

"Hindi ko pa rin kaya, Beng. Sa tuwing naiisip ko ang lahat ng paghihirap na dinanas ko, wala akong ibang maalala kundi ang pagkamuhi lang sa kanya. Kaya mas okay na rin siguro na ganito ang set-up namin. Mas mabuti nang hindi niya alam ang tungkol sa akin at kay Yen. Dahil mas masakit na marinig na hindi niya kami tanggap kaysa ang malaman na hindi man lang niya ako hinanap..."

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon